Because of the 1K read... I'll give you guys a short extra chapter! It's about Zero Two bago pa siya mapapunta sa mortal world. Rude nga ba siya? Cold? Ruthless? No mercy? Savage? Let's see... Hehehe! Enjooy!
Third Person's POV
Sa oras ng kadiliman lang umaatake ang tulad niya. Dahil naniniwala itong sa dilim, madalas umaksyon ang masasama. Masasamang kasing dilim ng gabi, ang mga kaluluwa.
Sa isang pawnshop, may biglang naganap na holdapan.
"Hold up 'to!"
Matapos barilin ng holdaper ang security guard, mabilis itong nangikil ng mga kayamanan ng tao sa loob. Hiningi nito ang mga wallet, alahas, at iba pang mamahaling gamit ng mga tao doon. Pagkatapos, ninakaw ang mga pag-mamayari ng pawnshop. Walang nagawa ang mga tao sa loob, kung di ibigay ang mga pag-mamayari nila.
Matapos ang pagnanakaw, mabilis na lumabas ang holdaper at tuluyang humalo sa dilim ng gabi. Huli na bago maabutan ng mga pulis ang nakatakas na may sala. Lubha ang galak na naramdaman ng holdaper dahil success ang pagnanakaw niya, at hindi siya nahuli, pero...
Sa dalawang mapupulang mata, hindi ito nakaligtas.
"Ayos!" Habang nakatigil sa isang maliit na abandonang gusali, isa isa nitong tiningnan ang mga gamit na ninakaw niya.
"Ayos ba?"
Mula sa isang sulok, isang katauhan ang biglang lumitaw. Suot ang madilim na awra, madilim din itong tumingin sa magnanakaw. Lubha naman ang ikinagulat ng magnanakaw kaya napatayo ito sa kinauupuan.
"S-sino ka?! Paano ka nakapasok?!"
"Sa butas."
Napakunot ang magnanakaw. "Anong butas?! Wala kang butas na madadaanan dito!"
Nanatiling poker look ang may madilim na katauhan. Hindi ito sumagot pa, at sa halip ay inangat ang kamay. Lumitaw ang maiitim na usok, kasabay ang biglaang paglitaw ng isang itim na notebook sa kamay niya. May binasa ito mula doon.
"Angelo Jesus...Kalangitan." saglit na natigilan ito sa pagbabasa dahil sa nabasang pangalan. Saglit din itong sumulyap sa may sala. Lalong naguluhan ang magnanakaw at nagsimula ding makaramdam ng takot dahil sa mga nakikita. "A-anong ginagawa mo?! Sino ka ba?! Bakit mo ako kilala?!"
"Angelo Jesus Kalangitan--" pag-uulit nito sa pangalan ng may sala. "33 years old. Name of wife, Mary Kalangitan. Has 6 childrens."
Nagsimulang kilabutan ang magnanakaw dahil sa mga impormasyong sinasabi ng may maitim na katauhan. "B-bakit mo alam yan?...anong klase kang--"
"In your present life, naging magnanakaw ka sa buong buhay mo...and a liar to your family. I've come for your soul." Mabilis na naglaho ang itim na notebook at sumunod namam ay paglitaw ng mahaba at matalim nitong scythe.
Mabilis na nakilala ng magnanakaw ang katauhan nito. Kahit nabibigla at hindi makapaniwala, pinilit nitong humingi ng tawad. "K-kamatayan...parang awa mo na! Huwag mo muna akong kunin! May mga anak pa ako! Kaylangan ako ng pamilya ko! Parang awa mo na!"
Hindi ito nakinig at sa halip ay naglakad palapit sa magnanakaw dahilan para mapaatras ito. "Huwag ka sa'kin humingi ng tawad..." Tumuro ang may maitim na katauhan pataas. "Sa kaniya. And let me take you there... to ask Him for forgiveness."
BINABASA MO ANG
Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]
ParanormalHighes Rank Achieved: #21 in Paranormal #66 in Horror What if Death takes a break from taking lives and decided to experience real life? Wala na ba talagang mamamatay ngayong wala na ang life taker? Pero paano kung bigla mo siyang maging neighbor ne...