Chapter 6: Meeting my Lively Boss

356 29 0
                                    

Layla's POV

My first day of work. Maaga akong gumising at nagluto ng makakain. Pagkatapos ng mabilis kong pagkain, agad akong naligo at sinuot ang binili naming formal outfit ni Teng! Today, I've finally become an employee! Sa Live Inc.


"Sa wakas, hindi na mamomroblema sa akin sina Mama!" Excited akong lumabas ng apartment pagkatapos kong maghanda. Ngunit pagkalabas ko, agad bumungad sa harap ko si Zero na bahagya kong ikinagulat. "Ay kabute!-- anong ginagawa mo dito?! Sumusulpot kang parang kabute!"  Gulat kong bungad dito at nagtatakang tumingin sa kaniya.

Nasanay na ako sa reaksyon niya, napaka-lifeless. Kagaya ng color coding niya, also lifeless. Lifeless black. Napansin ko din na parang nagsi-switch lang sya sa dalawang outfit. Between, Hoodie jacket-pants and Tshirt-shorts. Yung sapatos niya, iisa lang, at hindi mawawala ang favorite cap niya.


Naghintay ako na mag-react or magsalita siya, pero nagulat ako nang walang imik nitong binuka at dinipa ng tuwid ang kaniyang mga braso. Huh? Anong ginagawa niya?! Nanghaharang ba siya? Or gusto niya maglaro ng patentero? Lol. "What're you doing?" Pagtataka ko.



"This is how you do it, right?"


Lalo akong nagtaka sa sinasabi niya. Nalilito na ako, lalo na't naglakad pa ito dahan dahan palapit sa akin habang nakadipa ng ganon, dahilan para maaptras ako bahagya. "L-look...may job ako ngayon, kaya kung ano mang trip mo ngayon, w-wala akog oras! Male-late na ako!"


Mabilis at awtomatiko nitong naibaba ang pagkakadipa ng mga braso niya matapos ang sinabi ko. Nagpakita ito ng inosenteng mukha.


"Job?"


Hindi ko alam, pero sa tuwing nagiging ganito ang mukha niya hindi ko maiwasang mangamba. It's like isang mahabang lecture ang naghihintay sakin. Napa face palm nalang ako sa pagsisisi na nabanggit ko pa yon. Ano nga bang alam niya? I'm really curious, ang dami dami niyang pera, tapos hindi niya alam ang job?! Baka naman sindikato 'to?!


"Hey, what's a job? What's it's purpose?" Muli nitong pagtatanong at tila inaabangan ang sagot ko.


Ok. Just explain it to him briefly, but deeply. "Look, a job, it's..... How you gain money! By working!" Maikli at maliwanag kong sabi dito. Natuwa naman ako nang tumango tango ito at wari'y naintindihan na niya. Finally! Salamat at mabilis niyang na-gets. Ang galing ko talaga, pwede na ako maging teacher! Just call me sensei. *Wink*


"So anong mga types of work na ginagawa sa isang job?" Muli nitong pagtatanong. Hindi namamalayan ang oras, buong gana ko pa itong sinagot. "Different ones! May physically, mentally, and more!"

"What's the more?"

Bahagya akong napatigil sa biga niyang tinanong. Tsk! Kaylangan ko talaga mag-ingat sa mga choice of words ko. "W-well.....ang iba pa, for example, err...." Wala akong maisip. "Kapag pinagsama mo ang physical and mental ability! Meron din ganong job! Mostly ganun, actually." Napabuga naman ako ng hangin nang tumango na ito at inintindi ang sinabi ko.


"So it's like how I do it." Nakuha naman nito ang atensyon ko nang magsalita siya. "I also have a job...but the difference is, I don't get paid."



"What?" Agad kong pag-react sa sinabi niya. "Kung hindi ka nababayaran sa job mo, bakit ang dami dami mong pera?"





"Delivery."





Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Delivery?! So anong ibig sabihin niya, narating lang sa kaniya ang pera niya, na parang delivery?! As fast as LAZADA?!







Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon