Chapter 4: A Warmth more Addicting than a Barbeque

459 38 28
                                    

Layla's POV

Nakita ko ang sarili ko sa isang lugar kung saan may isang lamesang nakaharang sa unahan ko. At sa ibabaw nito.....

Ay sandamakmak na tuhog ng mga barbeque.

"Waahh! Is this heaven?!" Naisigaw ko nalang sa tuwa at tuluyang nakalapit dito sa lamesa. Umuusok ang mga ito at halatang bagong ihaw. Ang juicyness nito...umaapaw. Pati creaminess...charr! Juicy lang, hindi creamy. Ano 'to? Kape?


Tila sabik akong kukuha ng isang tuhog, pero natigilan nang may biglang lumitaw na kung sino sa harap ko sa kabilang side ng table. Agad akong napaangat ng tingin ay nagulat nang makilala kung sino ito.

"Z-zero?!....anong ginagawa mo dito?" Gulat kong bungad dito at tila nangamba sa biglaan niyang pagdating.

Nanatili itong nakatindig katapat ko at natahimik saglit kasunod ang bahagyang pag-ngisi. Nakakakilabot na pag-ngisi.


"I'm here to take your life."


Tila namilog ang mga mata ko sa gulat matapos ang sinabi niya. "Wha--" magrereact palang sana ako nang hindi pa pala tapos ang sinasabi niya.



"I'll take these barbeque....which is your life!"

Biglang tila mabilis na lumayo ang distansya ko mula sa lamesa ng buhay ko na parang unti unti akong hinihigop palayo don.


"Nooooo!! My Barbeque!! My life!!"

Kahit malayo, rinig ko ang matagumpay at parang mala-demonyong paghalakhak ni Zero.

"Wahahaha!!... You're life, is now mine!!"


















"NOOOO!! HUWAAAG!! AKIN LANG ANG BARBEQUE KO!!"

(>__<)

*MULAT*

(0o0)

Nang tuluyan kong naimulat ang mga mata ko, sumilay sa akin ang normal na kisame ng apartment ko at mabilis ding napabangon. Mabilis na nilibot ang mga mata ko ang paligid at don napagalamang.....

"Panaginip lang pala."


Tila napabuga ako ng hangin at napabagsak ang mga balikat. "Hindi ko alam kung magandang panaginip 'yon, o....... Isang bangungot." Salita ko sa sarili at sandali muling naibagsak ang katawan pabalik sa kama.



Yung panaginip ko, naging nightmare! Nakita ko ba naman si Zero.... Na kinuha ang buhay ko mula sa akin! My barbeque, my life!



~ding dong!~ ~ding dong!~

Mabilis muli akong nakabangon nang may biglang mag-doorbell sa apartment ko. Huh? Sino kaya 'yon?

Nang hindi ako agad nakatugon, tila patuloy na nag-doorbell ang nasa labas at wari'y mabilisan pa yong pinindot.

~ding dong! ding dong! ding dong! ding dong!~

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon