Chapter 33: First Pinch

152 12 0
                                    

Layla's POV


"Nababaliw ka ba?! Gusto mo bang mamatay uli?!" Hindi ko pa rin tinitigilan ang paghampas kay Red habang tinahak na namin ang daan patungo sa cottages namin.

Nakatakas din kami sa wakas sa party na 'yon.

Buti na lamang at nailigtas ako nina Feil at Teng sa kahihiyan na 'yon. Oo! Kahihiyan! Idamay ba naman ako ni Red sa childishness niya!

Aba't nakipag-away dahil sinabihan daw siyang bakla!

"Ano ba! How dare you hit me!?" Angal nitong si Red at hinampas din ang kamay ko. Patuloy ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"And how dare you kiss me!?" I countered at galit na sumigaw.

Napasinghal lang siya at nanatili ang nakakunot na tingin sa daan. Inirapan ko nalang siya at sa halip ay humarap kay Feil.

"Iba talaga kapag first kiss ang nawala. Nakakagalit nga naman." Naguguluhan akong napatingin sa nagsalita na si Feil.

"Anong first kiss? Di ko 'yon first---" mabilis akong natigilan sa sasabihin ko nang biglang pumasok sa isipan ko si Zero. Naalala ko 'yong naging first kiss ko, sa apartment niya...na friendly kiss daw.

Ulol, walang ganon.

Di 'yon friendly kiss.

Landi kiss 'yon. Malandi si Zero. Kahit sino nilalandi niya. At malamang nabiktima niya din ako nung mga oras na 'yon. Sumunod lang sa'kin 'yong si miss boobies. Nalimutan ko na pangalan.

"Ano? Di mo 'yon first kiss?!" Biglang nag react si Teng sa putol kong pahayag.

"Oo! Nanay ko first kiss ko!" Agad kong palusot at di balak ikwento 'yong nangyari samin ni Zero.

"Di counted 'yon!" Angal ni bakla.

"So?"

"First kiss mo si Red!" Galaw nito sa akin at ngumisi ng malagkit. Kinilabutan naman ako sa ibig niyang iparating.

"Di rin counted 'yon. Kasi isip bata ang isang 'yon!"

"Luh. May ganong ka-hot bang bata? Walang ganun cyst ha."

"Isip bata nga diba?"

Napangiti bigla si Teng. "Ayy sana ol ganon ka hot ang mga isip bata! I'll be their MAMA!" At malanding tumawa ang baklang 'to at biglang humabol sa naunang si Red. "Wait lang Lin, try ko lang paamuhin 'yong bata haaaa."

"Bakla ka talaga. Landi mo rin." Napailing nalang ako.

Nang kami nalang ni Feil ang naiwan magkasabay, habang nasa unahan, di malayo sa amin sina Red at Teng, kinuha ko na ang pagkakataon para magpasalamat.

"Feil, salamat muli sa tulong kanina."

Ngumiti ito, erasing all my depressions away. "No worries. I just made an acceptable excuse."

Siya ang nakipag-usap don sa nakaaway na lalaki ni Red. Di ko lang alam kung paano niya napa kalma yung galit na galit na kaaway ni Red.

Dahil kahit ako hindi makakapag timpi sa ugali nitong si Red.

"Nga pala, anong sinabi mo at mabilis mong napahinahon 'yong kaaway ni Red?"

"Well, tulad ng sinabi mo."

Napataas ang kilay ko. "Huh?"

"I told them that he has an illness. The likes of being immature."

"PFFT---" Sinubukan kong magpigil ng tawa, pero di k nagawa. "HAHAHAHAH! Talaga?! 'Yon ang sinabi mo?!"

Bahagya din siyang natawa at tumango. "Yes. At first, I hesitated and felt guilty. But after remembering what Red suddenly did to you, stealing your first kiss...may nagtulak sakin na gawin nalang 'yon."

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon