Chapter 31: Confessing Talent and Love

170 11 2
                                    

Layla's POV


"Ok, sundin mo lang ang sasabihin ng MC. O kaya, gayahin mo lang ang gagawin ng mga naunang candidate. Good?"

Urgh, I deserve this pressure.

"Ok." He bluntly said, still with that calm face.

Ba't ganun?! Mas kinakabahan ako! Parang ako 'yong sasali ah!

Mula dito sa babang harap ng stage, binigyan kami ng MC ng time para makapaghanda. For now, I have to act like his manager.

Sumensyas na ako kay MC ng thumbs up. At mabilis nitong hinawakan ang mic nya.

"NOW, HANDA NA SI BLACK TOP. LET'S MOVE ON TO THE FINALS WITH OUR NEW SPECIAL CANDIDATE!" Naghiyawan muli ang lahat at tuluyang pinakilala ng MC si Zero. "LET'S ALL WELCOME, BLACK TOP!"

"Tawag ka na. Goodluck! Just remember what I said, ok?" Huling habilin ko sa kaniya bago siya sumabak sa entablado.

Bahala ka na Lord. Baka naman pede mo siyang gawin priority ngayon? Kahit ilang minuto lang? Tauhan mo naman 'yan sa afterlife.

Tuluyang nakaakyat si Black to---este, si Zero sa entablado kasama ng mga nakahilerang finalist. Nasa dulo siya, katabi nung isang babae, na di maiwasang mapatingin kay Zero, na pinaka-matangkad sa kanilang anim.

I feel you girl. Cuz that man beside you can really turn heads towards him. Kaya nga siya naging crowd's choice.

But beware, he's actually a hot gorgeous Death.

"NOW, LET ME INTRODUCE THIS EPIC PORTION OF THE COMPETITION..." Tumunog ang background music of drumroll. "THE SURPRISE TALENT PORTION!"

Whaaaat?!

Talent portion?! Bakit walang sinabi na may---

Oh, of course. Surprise nga diba?

Uurrrggghhh. This is getting more and more problematic.

"THE WINNER OF THIS PORTION WILL BE DECIDED BY OUR DEAR AUDIENCE AND JUDGES. MAGMUMULA ANG RESULT SA JUDGES, PERO HALF OF THEIR DECISION AY NAKA BASE SA AUDIENCE IMPACT. THROUGH THEIR APPLAUSES. AND AUTOMATICALLY, THE WINNER, BECOMES BEST IN TALENT, WITH AN EXTRA PRIZE OF ALL YOU CAN EAT BUFFET AT MONTRAVILLE EATERY! WICH IS LOCATED WITHIN THIS RESORT!"

Oh shet, dinedemonyo din ako ng extra prize na 'yon.

Pero ano nang gagawin ni Zero?! Ni hindi ko alam kung kaya niyang tumula atleast. 'Yon lang ang naiisip kong pede niyang gawin! Parang hindi naman niya alam kung paano sumayaw o kumanta e!

Good-bye, all you can eat buffet.

Tuluyan na akong nataranta dito sa kinatatayuan ko. Lalo na't patuloy na naging inosente si Zero habang nakatayo sa may entablado kasama ng mga finalist. Parang hindi naman sila nagulat sa surprise talent portion.

Siguro alam talaga nila na may ganitong portion! Maaaring nakapaghanda sila!

So ano? Kami lang ang na surprise?!

ARRGHH! Paano na ang bataan ko!

"Now, let's start with candidate number 1, leaving our last performer, special candidate, Black Top! Now if you'll kindly, candidates, let's move aside for now."

Umalis ang ibang finalist sa stage papunta sa tabi para sa talent ni number one. Huling nakaalis ay si Zero, who followed the other candidates.

He's really following the MC and other candidates, just like what I said.

That's good.

Pero anong gagawin niya mamaya pag siya na ang magpe-perform?

"NOW LET'S GIVE A ROUND OF APPLAUSE FOR CANDIDATE NUMBER ONE!"

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon