Chapter 20: Curse

202 15 1
                                    

Third Person's POV

"W-what--"

Naguluhan si Layla sa mga nakikita niya. This person infront of her is surrounded by black aura. Pamilyar ito sa kaniya, at pilit niyang inalala kung saan niya ito nakita.

Naalala niya si Zero.

"Z-zero..." Napapaatras ito sa bawat pag-abante ni Red. "Zero! N-nasaan ka na! Zero!" Sinimulan nitong tawagin ang binatang si Zero na kasalukuyang nasa loob pa din ng maze. Nasa center fountain ito ng maze at doon kanina pang naghihintay sa pagtawag ni Layla. Balak sana nitong manatili hangga't hindi nakakalabas si Layla at tinatawag ang pangalan niya. Pero matapos ang pagtawag na iyon, sa punto ni Zero, naging matalas ang pandinig nito nang marinig ang boses ni Layla na wari'y...nasa panganib.

"Layla."

The dark person quickly tracked her voice.

"I've had enough hearing you saying that name."

Sa isang iglap, dumapo ang maliksing kamay ni Red sa mukha ni Layla. Sinakmal nito ang maliit na mukha ng dalaga, dahilan para matakot at magulat si Layla. "Paborito mo talaga ang pangalan na 'yon ano? I'll make it your last word if you want." This person smirked widely.

Nanigas si Layla sa kinatatayuan niya. Wari'y naparalisa siya sa hawak ni Red. Kahit sa loob ay pilit nitong nanlaban, talagang hindi niya maigalaw ang katawan niya.

"W-what...are you?" Wala itong magawa kung di magsalita. Hangga't nakadapo ang kamay nito sa katawan niya, wala siyang abilidad na makagalaw. "Katulad ka ba nila?"

Red got amused. "Ang bilis mo namang maka-realize. Is it possible? Alam mo na din ang katauhan nila." Patuloy nitong sinakmal ang magkabilang pisngi ni Layla, gamit ang malaki nitong kamay.

May buong boses, sumagot si Layla.

"Yes, alam ko kung ano sila. And I'm sure you're not like them."

Biglang natawa si Red. "HAHAHAHA! Yes, I'm not like them. Of course." Nilapit nito ang mukha kay Layla. "The bright one, your boss, is a fallen angel. And the other one you adore so much...is a sinful death. Malayo talagang maging tulad ko sila!"

"Sinful...death?" Nagulat si Layla sa narinig. Nalilito, nagtanong ito. "What're you saying?"

"Don't expect me to explain everything. It's not my obligation to. Now for my main business..." Gamit ang isa pang bakanteng kamay, Red snapped his finger leading for Layla's eyes to be locked into his, only.

He started saying chants.

"You, mortal soul, will hear this death's voice. Every command will be obeyed. For you're obligated to do as I say...till your last breath and word."

Tuluyang nawala sa sarili si Layla nang natulala lang ang mga mata nito sa mapupulang mata ni Red. He was manipulating Layla's mind...and soul.

Also, leaving a curse.

Ngunit kahit nasa ilalim ito ng kontrol, nagawa nitong magsalita na ikinagulat ni Red.

"Ze...ro."

Namangha at nagulat si Red. "Impossible...nagagawa niya pa ding magsalita." Sa pangalawang pagkakataon, he snapped his fingers again to recover his chant.

"You will bring this death's notebook in return. The day after tomorrow, twelve midnight, guided by the curse bestowed upon you. And until it's not retrieved..."

Kahit walang kinalaman sa pakay nito, he added an extra temporary curse.

"You'll experience hallucinations of darkness and terror."

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon