Layla's POV
I never knew na plano nilang magtagal kami dito ng halos isang linggo! Paano na yung company?! Ok lang kay Boss Feil na iwanan ng ilang araw ang company? Siguro naman nag-assign siya ng pansamantalang mamamahala.
Pagkapasok namin dito sa hotel, agad kaming kumuha ng rooms. Dalawa lang. Nag-insist si Zero at Boss Feil na magsama nalang sa isang room. Pero may two king-size bed naman. Sosyal pa rin. Ako nga ordinary room lang pina-kuha ko. Pagkatapos naming ilagay ang mga gamit namin, napagpasyahan naming kumain dahil nagsisimula na ding dumilim at gutom na kami.
"Boss, where's Zero?"
Sumubo ako ng kasalukuyang kinakain na kanin na may katuwang na inihaw na bangus. Yummy. Sumubo din si Boss Feil na kasalo ko ngayon, ginataang kalabasa ata yung kinakain niya.
"He went off somewhere. I don't know where."
Really? Balak nya magpahangin? Hindi ba siya nagugutom? Hapunan na dapat. Hindi ko nalang pinag-kaisipan 'yon, sa halip ay tinuunan itong si Boss Feil.
"Boss, akala ko pala may gagawin tayong activity? Kaya tayo nagmamadali." Oo, akala ko nga huling trip ko na 'yon. Akala ko tuluyan na akong magiging katulad nila. Beings that are part of the other side.
"Oh, that." Mabilis itong sumulyap sa suot niyang wrist watch. "I thought nga makakaabot pa tayo. But it looks like kanina pa palang nakaalis yung first batch. At nahuli lalo tayo dahil sa late kong orasan, tsk. Sayang." Bakas ang pagkadismaya sa kaniyang ekspresyon at tono. Pero ano nga ba yung activity na 'yon? Dito sa lugar na napapalibutan lang naman ng puno, anong ginagawa dito? Ba't may mga batch pang naalis? Anong ginagawa nila?
So I asked, hindi ko talaga maiwasang ma-curious ng sobra. "Ano ba dapat yung activity na gagawin natin?"
"Hiking."
•____•
"H-hiking?..." I asked again. Tinanguan niya lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Ang activity na gusto nilang gawin ay hiking?! Kaya pala puro puno dito?! Siguro sa malapit na distance ng parang gubat na lugar na ito ay may kabundukan! Baka doon nagaganap ang mga pagha-hiking! Kaya din pala may mga batch. May sched ng pag-alis!
"But it's a unique one. Dahil once na maka-akyat ka sa matarik na bundok na 'yon, may sasalubong sayo na mga rest house. Tourist can neither choose to stay there, or go back here." Really?! Ang astig naman non! So parang ang taas talaga ng aakyatin naming bundok!? May rest house ba naman sa taas?! Malaking bundok yon, sigurado!
"And for our hiking, ni re-schedule ang atin bukas. We'll leave tomorrow early morning, and as calculated, darating tayo sa rest house ng lunchtime! Isn't exciting and adventurous?!"
No, it's not. Dahil madali akong mapagod. And honestly...mahina ang puso ko sa ganyan.
"Uh...y-yes! Ang exciting nga nyan! Hahaha!" Malawak akong ngumiti, at hindi nalang pinaalam sa kanila ang kalagayan ko. Well, madalas naman akong sumabak sa mabibigat na gawain, at wala pa namang nangyayari. Surely, baka nag-improve na ang health ko. Maliit na bagay nalang 'to.
"Oo nga. I can't wait!" Boss really looked excited. At ayaw kong mabasag yon. Kaya we'll continue this activity no matter what!
Natapos kaming kumain, saktong dumating si Zero. With his usual blank expression, parang nagpahangin nga lang 'to.
"Zero, mag-dinner ka na." Pag-iimbita ni Boss kay Zero. Pero umiling si Zero.
BINABASA MO ANG
Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]
ParanormalHighes Rank Achieved: #21 in Paranormal #66 in Horror What if Death takes a break from taking lives and decided to experience real life? Wala na ba talagang mamamatay ngayong wala na ang life taker? Pero paano kung bigla mo siyang maging neighbor ne...