Chapter 19: Haunted Maze?

183 13 1
                                    


Layla's POV

"Hoy Lin! Are you ok? Answer!"

Isinantabi ko muna si Teng at sa halip ay humarap sa boses na nagmula sa likudan ko. This voice is familiar. Nang nakaharap ako sa taong ito, mabilis na namilog ang mga mata ko nang makilala ito.

"Zero?"

Anong sinasabi niyang 'what a coincidence?' Kakahiwalay lang namin kamina. At alam din naman niya na lalabas ako. Napaka-abno talaga. Maitsura nga, abno naman. "A-anong ginagawa mo pa dito? Akala ko pupunta na kayo sa room niyo?"

Pero sa halip na sagutin ako, tinanong niya lang din ako.

"Who's on the phone?" Tumuro ang tingin niya sa hawak kong cellphone. Ah, si Teng nga pala. On call pa! "Si Teng. Wait lang. Kausapin ko lang." Tumango lang ito. Tumalikod ako upang kausapin muli si Teng na panay sigaw pa rin sa cellphone.

"Layla! Ano ba?! Nasaan ka ba ngayon?! I'm worried sick here!"

"Kalma lang bakla. I'm with Zero and my boss." Narinig ko itong nagbuga ng hangin. Bakit ba 'to high blood na highblood? Ano bang nangyayari?

"Nasaan naman kayo?" Tila kumalma na nga ito. Agad ko itong sinagot.

"Di ko kilala 'to. Pero nasa hotel kami at napapalibutan ng mga bundok. Magha-hiking daw kami."

"Ang daya ha. Di man lang nag-yaya." Parang nagtampo ito. For sure naka-nguso 'to, hahaha!

"Anong magagawa ko? Kahit gustuhin ko, biglaan 'tong pag-alis namin. Di talaga kita maiimbita." Natatawa kong sagot sa kabila ng pa-bakla nitong pagtatampo.

"Hmp, more importantly, I'm glad to hear you're fine."

Nakakapagtaka na talaga. Ba't bigla siyang mag-aalala sa kalagayan ko? I had to ask.

"Bakit bakla? Ano bang rason ng bigla mong pagtawag? At eto...para kang baliw kung makasigaw at mag-alala."

Sumagot agad ito. At naartehan pa ako ng bakla.

"Anong magagawa ko? Hindi ka umuwi today, afterall what happened here. I got worried."

"Huh? Ano bang nangyari?"

"A dead body was found sa likod ng apartment complex."

"Really?!" Biglaan, nakaramdam ako ng kilabot. That's a terrifying news. Di na ako magtataka kung ganon mag-alala para sa akin si Teng. "K-kaylan nakita?"

"Kanina lang tanghali naimbestigahan ng mga pulis. Nang nagtapon ako ng basura sa likod nung umaga, I saw it, so I hurriedly call the police." That sounds terrifying. Si Teng pa pala mismo ang nakakita.

"Natakot ka siguro. Sorry I wasn't there to comfort you." I felt kinda guilty. That's true. Kahit pa sabihing nasa trabaho ako, I would've quickly gone home to Teng. This is a serious case. Especially naganap pa sa paligid ng apartment niya. I don't know how he handled it, pero I'm sad I couldn't be with him right now.

"Ano ka ba, ok lang! Kahit bakla ako, matapang 'to! The only male born from the amazon!" At least, his tough voice made me feel at ease, even a little. Buti naman hindi siya gaano natakot. Siguro in-underestimate ko masyado 'tong si bakla. Amazona warrior nga pala.

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon