Layla's POV
After yesterday, I'm feeling this day is a very fresh one! Sa muling paglubog ng buwan kagabi, isinama ko na doon ang mga sama ng loob ko. Dahil lahat ng dapat lumubog, ay nakalubog na! Tulad nga ng buwan! Kagabi! Kaya wala na! Wala na! Wag nalang natin pag-usapan! Basta wala na! Finish na!
As I said...this day is a fresh day.
Why?
Today is payment day!
"Ang lakas talaga ng guardian angel ko sa likod! Whoo!" Kaka-withdraw ko pa lang ng unang sahod ko, kaya ang saya saya! Mabilis kong itinago ang pera sa bag ko. And speaking of pera, nakabukod na din ang utang ko kay Teng! Mababayadan ko na ang utang ko, at wala na ring maipapang-black mail sa akin si bakla! Yes!
Pagkatapos kong dumaan sa bangko, agad na akong pumunta sa company. Of course, para mag-trabaho. For my next payment. As we all said, kaylangan pagtrabahuhan ang mga nais. Tulad, mainly, ng pera.
"Good morning my dear co-workers!"
Buong saya kong sinalubong ang mga ka-level workers ko. At lahat sila, tumitig sa akin like I'm some sort of an lunatic.
"Agang aga...Uwi!" Halakhak na pambabara nung isa. Buti naman masaya siya.
"Bagong sweldo feels si ateng..." Yung kapitbahay kong co-worker. Ang taray nito ah.
"Ms. Liwanag..."
Pumintig ang tenga ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Kita ko namang binati ito ng mga co-workers ko nang napadaan ito sa harap nila. Pinilit kong sinuot ang ngiti kong kanina pang namamayagpag, at humarap sa kaniya. I acted normal.
"Yes boss! Good morning boss!" I widely smiled. Kita kong bahagyang nagulat ang mukha niya sa pagbati ko. Err...mukhang masyado atang OA ang first-salary-payment feels ko.
Nanahimik ang buong office nang napatahimik din si boss Feil. May ibang tumitikhim, at may sinabing "OA..."
Pero kahit nakakahiya ang posisyon ko ngayon, nanatili akong nakangiti, kay boss, ngayon, kahit awkward silence ang nangingibabaw. May ghad...may sumigaw man lang. Kahit 'holdap 'to!'
"Ms. Liwanag, good morning." Ngumiti si boss sa normal way niya. Lumapit siya sa akin and...patted my shoulder. "Just get back to work." He smiled again, at sa ngiti niyang 'yon...may something na gumagambala sa akin. I felt embarrassed, just now. Ngayon lang dumating yong hiya sa akin!
Nilagpasan na ako ni boss Feil at kita kong tuluyan nang umalis nang sumakay sa elevator. Sumunod na no'n ay biglaang pagtawa ng mga co-workers ko.
"Narinig mo si boss? Get back to work! Kung gusto mo pa ng next salary payment!" Halakhak nung isa. Pinagtawanan nila akong lahat. Sinimangutan ko silang lahat. Pinagti-tripan talaga nila ako ngayon! Hmph!
"Oo na! Sorry na! Unang sahod lang!"
And as they want me to do, I went back to work. Sa office ko, as a secretary, which is I don't feel I really am. Hindi ko maiwasang kwestyunin itong job ko, puro paper works lang din naman ginagawa ko. Like my old job.
I'm his secretary, pero feeling ko he has no use of me. Siguro ganon nga lang talaga siya, like what he said before having me as his secretary, he never had any helper. Ako ang pinakauna niyang kinuha...pero bakit nga ba? Bakit niya pa ako kinuha kung wala naman pala akong gamit sa kaniya? Iba din.
Sa pagtatrabaho ko, biglang tumunog ang telepono sa desk ko. Agad ko itong sinagot. "This is Live Inc. what can I do--"
"Layla Shin Liwanag."
BINABASA MO ANG
Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]
FantastiqueHighes Rank Achieved: #21 in Paranormal #66 in Horror What if Death takes a break from taking lives and decided to experience real life? Wala na ba talagang mamamatay ngayong wala na ang life taker? Pero paano kung bigla mo siyang maging neighbor ne...