Layla's POV
"So your name is Zero, surname...Two."
Tahimik na tumango lang si Zero sa pagbabasa ni boss. Pinagpatuloy ni boss ang pagbabasa sa ginawa kong resumae para kay Zero. Nagmala-author din ang peg ko don ah, parang nag plan lang ako ng character sa isang story. Ang pinagkaiba ngayon, totoong tao yung ginagawan ko.
"You're 24 years old." Ginawa ko siyang one year older sakin. That's right, I'm 23. At syempre, tinatanong ko muna siya at kinukunsulta kung payag siya sa mga nilalagay ko, panay tango at 'oo' naman siya.
Pinanood at nakinig lang kami ni Zero sa pagbabasa ni boss habang nakatayo siya sa harap namin, na nakaupo sa couch ng office niya.
"Ooh...you have the same address as Ms. Liwanag." Tila namanghang sabi ni boss. Ito namang si Zero, tumango lang uli. Napipi na ba siya? Panay tango nalang siya, di ba siya nangangalay? Baka magka stip neck siya niyan.
"He's your neighborhood, Ms. Liwanag?" Napatingala naman ako kay boss nang bigla itong nagtanong sa akin. Mabilis akong sumagot.
"Ah, o-opo! Actually magkapitbahay po kami. Magkatabi lang po apartment namin. Second floor." Pagbibigay impormasyon at iniwasang tumango lang tulad nitong si Zero. At yun na nga, kahit hindi siya ang tinatanong, natango naman nga ang abno.
"Is that so? Having yourselves as neighbors.... don't you think it's kinda fun? Tapos ngayon, co-workers na rin kayo!" Masigla nitong pananalita sa amin at naglabas nanaman ng nakakasilaw na ekspresyon. Napalingon naman ako kay Zero at nakitang hindi na ito makatango dahil bahagya ding natulala sa mukha ni boss. Nasilaw ata, ngayon lang ata nakasilay ng tunay na liwanag. Lol.
Pinagpatuloy na ni boss muli ang pagbabasa. "These are nice skills. It's really appropriate sa pagiging bodyguard. What a coincidence huh?" Bahagya naman akong pinagpawisan nang skills na ang binabasa niya. Napatingala nalang ako sa kisame.
Well, I had to put that. Para magandang basahin sa resumae. Bahala na siyang panagutan yon, di naman ako ang magiging bodyguard ey, hehe.
"A black belter in both Taekwando and Karate. Also studied Judo and Kendo. Hmm, impressive." Lubhang paghanga ni boss at napahawak pa sa baba. Agad din akong tumingin kay Zero upang tunghayan ang reaksyon niya, and...
Lagot na nga! Tumango nanaman. Wala man lang siyang sinabing, at least, excuse para hindi lubhang umasa si boss sa special skills niya. Baka mamaya may ipabugbog sa kaniya si boss, tapos mabuking siya, lagot tayo neto! Madadamay talaga ako! Mabubuking din ako! Tsk.
"Ok!" Tila nakahinga na ako ng maluwag nang matapos na ni boss ang pagbabasa sa resumae, nilapag na niya sa table niya ang papel at kasunod ang muling pagharap sa amin.
"Now that everything's done! Let's get back to work then!" Masiglang sabi ni boss halata ang pagka-active. Tumayo na ako at namaalam upang bumalik sa sariling office.
"Sige po boss. I'll be returning to my office now. Tawagin niyo nalang po ako kapag may kaylangan kayo." Magalang kong pagsasalita with a smile at bahagya pang tumungo.
"Ok!" Maikling sabi ni boss habang nakangiti. Bago tuluyang umalis, sa huling pagkakataon ay tumingin ako kay Zero na ngayon ay nakatingin din sa akin. "Be sure to always stick with boss. Ok?" Pagpapaalala ko dito.
Muli, as expected, tumango nanaman siya. Damn...napansin ko lang, simula nang ma-hired na siya, bigla siyang napipi at hindi na masyadong nagii-imik. Anyare sa kaniya? Ganon kaya siya natuwa dahil sa wakas, may real job na siya?
BINABASA MO ANG
Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]
ParanormalHighes Rank Achieved: #21 in Paranormal #66 in Horror What if Death takes a break from taking lives and decided to experience real life? Wala na ba talagang mamamatay ngayong wala na ang life taker? Pero paano kung bigla mo siyang maging neighbor ne...