Chapter 7: Chances

351 29 6
                                        

Third Person's POV


Katanghaliang tapat kung saan nagsisimulang balutin ng maiitim na ulap ang kalangitan, kasalukuyang naglalayag mag-isa ang binatang si Zero Two. Dala ang konting pera sa kaniyang bulsa, nilibot nito ang tingin sa paligid at wari'y naghahanap ng pagkaka-interesan. Tulad ng makakain.

"Taho! Bili na kayo, taho!"

"Balot! Mainit bagong luto, balot!"

Napapalingon nalang si Zero Two sa mga dumadaan na maglalako. Pero kasabay non ay bahagyang pagtaas ng isang kilay.

"Taho? Balot?......mga kakilala kaya nila?"

Pinanood lang nito ang maglalako ng taho na nilapitan ng isang lalaki. "Taho, bili na po kayo, mainit pa." Sabi ng maglalako sa lumapit na lalaki. "Sige manong, pabiling isa." Sabi ng lalaki at agad na pinagbilhan ng maglalako.


Napatango nalang si Zero Two nang maintindihan ang lahat matapos ang nakita. Binalak din nitong bumili sa maglalako kaya agad itong lumapit. Agad naman itong pinansin ng maglalako.

"Taho? Bili ka na iho."

"I'm not Taho. He is." Sabay turo nito sa isang lalaki na mas naunang bumili. Napamaang nalang yung kaninang lalaki habang kinakain ang biniling taho.

"I'm Zero Two." Pagpapakilala nito sa pagaakalang tinawag siyang Taho. Naiilang nalang na napatango ang maglalako at pinagbilhan si Zero Two nang nagabot ito ng pera. Umalis na rin ang kaninang bumili na pinaghinalaang Taho ni Zero Two.

Inabot na ng maglalako kay Zero Two ang taho na agad na tinanggap nito. Saglit itong napatitig sa halo halong sahog at kulay nito. Mula sa maitim nitong sabaw, sago, at sa puting kung ano. Di nito maiwasang ma-curious.

"Manong, anong tawag dito?"

Parang napamaang lang ang maglalako sa tinanong nito. Naiilang itong sumagot. "Y-yan...ay taho."

"Taho? But I thought--" hindi nito natuloy ang sasabihin nang tuluyan nitong marealize ang lahat. Pikit mata itong napatango tango na parang alam na niya ang lahat.

"So that's it. Ngayon, maliwanag na." Kampante nitong sabi sabay ang pagkain ng binili. Nagulat ito sa kakaiba at matamis na lasa ng  taho, kaya ninamnam niya ang pagkain dito. "This is delicious."

Ngumiti lang at walang imik ang magtitinda. Pero hindi yon nagtagal nang muling nagsalita si Zero Two.

"Naming your product after a customer is very thoughtful. Taho is a good name." Parang good feedback pa nito at inosente sa kakaibang sagot. "Matalik mo bang kaibigan 'yong si Taho?" Kampante nitong pagtatanong sa naglalako habang kinakain ang biniling taho.

Hindi naman alam kung anong isasagot ng maglalako. "Err....h-hindi. Customer lang." Tangi nitong naisagot.

Tuluyan nang naubos ni Zero Two ang kinakain pagkatapos ay tumango nalang sa sinagot ng naglalako. "Really? That's still thoughtful." Patuloy nitong paniniwala sa alam. Namaalam na ito at patuloy na naglayag sa bayan. Hindi naman nito maalis sa isipan ang inaakala niyang pagkapangalan ng isang paninda sa tao.

"That's so cool... I hope one day, may kumuha din ng pangalan ko. Zero Two. Heh." Pagkamangha nito sa ideya na gamitin ang pangalan niya sa isang bagay.

Habang sa paglalakad nito, nakaramdam ito ng konting pagpatak ng ambon. Napatingala ito at wari'y sinambot pa ng mga palad ang pumapatak na ulan. Tila namangha ito sa unang beses na makaranas ng pag-ulan.

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon