Chapter 35: Good and Bad Danger

191 8 0
                                    


Layla's POV

After work ay dumiretso ako sa apartment at binagsak ang sarili sa kama. Though sinabi sa akin ni Zero na sasabay daw siya sa akin pauwi, pero nagtatampo pa rin ako sa kanila ni Feil dahil sa tinatago nilang sikreto.

What does "over" even mean? Bakit di nalang nila ako direktahin? May nakakalimutan ba akong event about sa kanilang sinful supernatural beings? O masyado ba akong slow?

"Lord, atleast ikaw na ang magbigay ng sign sa kung anong nangyayari..."

"Tuko."

"Huh?"

Napatingala ako sa pinagmulan ng tunog. Sa may bandang taas ng pader, dito sa ulunan ng kama ko ay may malaking...

"Tuko. Tuko. Tuko."

"WAAAH!" Maliksi akong bumangon at halos tumalon pababa ng kama. Ramdam ko ay parang babagsak sa kinahihigaan ko 'yong malaking tuko.

Sa dami ng pwedeng dumikit sa pader ko, tuko pa! I hate lizards of all animals! Ewan ko kung bakit!

"Fvck, dumagdag ka pa sa isipin ko tangna..." Pagkausap ko sa tuko na nasa pader.

Sinubukan ko itong bugawin. Binuksan ang possible nitong labasan tulad ng bintana malapit sa study table ko.

Dinampot ko ang indoor slippers ko at mula dito sa malayo, inasinta ko ang tuko na 'yon.

"Humanda ka..." Pagbabanta ko at naging matapang, kahit ang totoo ay takot talaga ako sa tuko. Mas gugustuhin ko pa ang daga at gagamba kesa tuko, honestly.

Nang maasinta ay sinalida ko ang kamay, pagkatapos ay maliksing binato ang tuko sa pader.

Sumapul.

"Yeees!"

Pero sa pag-aakalang matatakot 'yon at lalabas sa bukas na bintana, nagulat ako nang mahulog iyon sa kama ko, at biglang tumakbo papunta sa direksyon ko.

"PVTAAAAAAA!"

Pumatikar ako ng takbo na kala mo'y nasa bingit ng kamatayan. Walang balak na lumingon ay lumabas ako ng apartment at siniguradong sara ang pinto.

Humihingal ay napahawak ako sa railings dito sa second floor. Sobrang takot ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay ko.

Possible kaya na may phobia ako sa mga tuko? Ang OA ng reaction ng fear ko sa tuko grabe.

Sandali akong nag-intay at saka sinilip muli ang loob ng apartment ko. Minamalas nga naman, nandon sa sahig 'yong malaking tuko at naka steady lang. Huwag mong sabihing iniintay ako no'n? Baka habulin ako kapag pumasok nanamam ako.

Sinara ko muli ang pinto at tumingin sa paligid. Madilim na, kelangan ko na magluto, kumain, at matulog.

"TEEEEEEEENG!"














"Yuck! Tuko?! No way I'll touch that! Baka mamaya dikitan at kagatin ako non!"

Tangna, akala ko pa naman makakatulong siya since siya ang landlord nitong apartment complex, and dealing with discomfort in this residence is his responsibility, pero nakalimutan kong bakla nga pala 'to.

"Edi patulog nalang dito sa lugar mo habang nandon 'yon! Wala rin akong balak na manatili do'n!"

"Hindi pwede!"

Nagulat ako.

"Anong hindi pwede?! Ngayon ka pa ba mandidiri sa pagkababae ko?! Sanay ka na naman---"

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon