Layla's POV
"Thank you for your application form. Ino-notify ka nalang namin kung sakaling matanggap ka sa job na 'to."
"Ok. Thank you po." Magalang kong pamamaalam bago tuluyang nilisan ang building na pinag-aplayan ko ng trabaho.
My name is Layla Shin Liwanag. Kaka graduate ko lang ng college at in-need ko ang job ngayon. Kahit ano nang ma-aplayan ko, basta magkatrabaho na ako. Gustong gusto na kasi ng pamilya kong mamuhay ako independently, kaya naman tabuyan nila akong pinalayas sa bahay pagka-graduate ko palang.
Saklap 'no?... Ako lang ba may ganitong pamilya? Exchange naman tayo.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa terminal ng jeep na sadya kong sakayan pag-commute, saglit akong naligaw sa park at sandali dong napatambay.
Tutal baka paglalakad na lang din naman ang pagkabaksakan ko nang maalala kong wala na nga pala akong perang pampamasahe. Mapapagod lang ako kung nag-effort pa akong pumunta sa terminal ng jeep diba?
Tumungo ako sa isang bakanteng bench at doon umupo upang magpahinga sandali. Tila napahinga ako ng malalim matapos masilayan ang maginhawang atmospera ng park.
Isa ito sa favorite kong tambayam dito sa syudad, sa kabila ng maraming tao, dito lang ako nakakakita ng mabeberdeng damo...puno...at magagandang halaman.
Pero sa kabila no'n, may kinaaayawan din ako sa lugar na 'to.
"Kyaa! Babe naman e!"
Napatingin agad ako sa kabilang bench malapit sa akin kung saan nakita ko ang..... dalawang magkasintahan.
"Hindi ako titigil hangga't di mo ko kini-kiss!" Pangungulit nung lalaki at tila kiniliti ang kasintahan nito sa tagiliran.
"Babe!!..n-no! Tama na! Wahahaha!...ayoko nga kasi!" Pilit ding pagtanggi nitong babae at umakto na tinutulak yung lalaki palayo... Pero mahina naman.
Awwwwwwww.......... Wala namang forever. Kawawa naman. I'm not being bitter, I'm just being realistic. Lol.
Patuloy ko silang pinanood kahit masakit sa mata at kahalo non ay sarkastikong pag-ngiwi. Hindi ko maiwasang..... Mainis?
Patuloy silang naglandian.
"Baaabeee!! I said huwag kasi--"
*TULAK*
(0o0)
Tila namangha ako nang biglang natulak nung babae yung kasintahan niya dahilan para mahulog sa bench.
Looool....nice.
"Omg babe! Sorry!" Agad na paghingi nung babae ng pasensya at tinulungan makabangon ang kasintahan. Maliksi naman ngang napabangon yung lalaki at nakabalik na muli sila sa pagkakaupo. "Aray naman babe.... Hindi mo naman ako kaylangang itulak kung talagang ayaw mo." Paawang sabi nung lalaki at napa-pout pa.
Ayyy! Mga pabebe ampt! Sarap nilang hagisan ng granada!
"Sorry na babe......sige na nga, iki-kiss na kita." Kita kong mabilis ang kamay ng lalaki na sinapo ang dalawang pisngi ng kasintahan. "Yey, finally babe..." Masayang sabi nung lalaki at sinimulang ilapit ang mukha sa babae.
At bago ko pa masilayan ang ka-langgaman nila, mabilis akong umiwas ng tingin at lumingon sa kabilang side ko.
Tsk... Edi kayo na.
At sa pag-aakalang nakatakas na ako sa ka-langgaman ng iba, tila mas malala ang nasilayan ko sa kabilang side ng bench nang makakita muli ng dalawang magkasintahan na ngayon ay....naghahalikan!
BINABASA MO ANG
Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]
ParanormalHighes Rank Achieved: #21 in Paranormal #66 in Horror What if Death takes a break from taking lives and decided to experience real life? Wala na ba talagang mamamatay ngayong wala na ang life taker? Pero paano kung bigla mo siyang maging neighbor ne...