SIMULA:

32.7K 289 3
                                    

EDITED:

Patay sinding mga ilaw, malamyos na tugtugin na sinasabayan ng mga tagaaliw.

Mga nakaparadang mamahaling  sasakyan ng mga negosyanteng nag-papalipas oras o nag-hahanap ng panandaliang kaligayahan sa mag-damag.

Usok ng sigarilyo at amoy ng alak ang bubungad pag-pasok. Mga lamesang ukopado ng mga lalake at sa kandungan ang mga babaeng binabayaran.

"Gusto ko siya"-

"Mag-kano!! "

"Ilalabas ko siya!! "--

Ilan lang iyan sa maririnig kasabay ng maingay na tawanan at kalansing ng mga baso at bote ng alak.

At pag-lumalim na ang Gabi. Isa-isa nang lalabas akay-akay ang magiging aliw nila sa buong mag-damag.

....

Pag-nanasa!! Uhaw sa laman, iyan ang makikitang eksena sa isang madilim na silid. Nag-kalat na saplot sa paligid. Ang haling-hing ng dalawa sa ibabaw ng malambot na Kama. Hanggang kapwa nila maabot ang inaasam na langit.

Lilipas ang mag-damag. Ang pag-dating ng umaga ang hudyat para sa kanyang serbisyo sa mag-damag.

Isang rolyo ng papel ang iiabot kapalit ng mag-damag na sarap.

Isang ngiti sa labi ang maipipinta ngunit sa likod ng ngiting iyon isang luha ang nakakubli.

....

Ang rolyong papel saan makakarating.

"Gamot sa inang may sakit! "

"Bayad sa utang ng amang pumanaw"

"Pang-tustus sa pag-aaral ng kapatid"---- at---

"Pang laman sa sikmurang kumakalam"

Ang sabi ng ilan. Marumi, Salot, Sanhi ng hiwalayan ng mag-asawa pero ang hindi alam ng iilan. Mas matindi ang pasakit at Hirap na pinag-dadaanan.Nang isang ----

"Bayarang Babae o Pok-Pok ayon sa nakasanayang tawag"

Mundo ang humuhusga sa kanila pero alam ba ng Mundo kung sino talaga sila....

Warning!!!
Hindi po kanais-nais ang susunod na kabanata!!

The Painter's ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon