"What do you think?
Nakatingin ako sa katawan kung naipipinta ni Art habang nasa likuran ko ito at nakayakap sakin.
"Sobrang laki naman ata ng bobs ko"Nakatawang ani ko. Pinisil naman nito ang bewang ko"I just paint what I see"Humarap ako rito saka pinulupot ang kamay ko sa leeg nito.Tinitigan ako nito naroon nanaman ang emosyon sa mga mata nitong ayokong pangalanan. Ginawaran niya ako ng mabilis na halik sa labi bago ako niyakap.
Matapos ng mga nangyari sa pagitan naming dalawa wala akong naririnig rito. Hindi ko alam kung tama ba ang Iniisip ko rito dahil hindi naman nito binibigyan ng linaw iyon pero ang mga pinapakita nito sakin at ang nararamdaman ko sa piling nito ay malinaw sakin kung ano.
Gusto ko paring malaman mula sa kanya kung Totoo ba ang nararamdaman ko at ang pinapakita nito.
"Labas tayo"Yaya niya ng mag-hiwalay ang labi namin"Hmmmm! Saan tayo pupunta"Inayos nito ang buhok ko saka pinatakan ulit ng halik ang labi ko"Ikaw saan mo gusto"
......
Mabilis akong bumaba sa sasakyan nito. Lumapad ang ngiti ko ng maramdaman ang buhangin sa sandal na suot ko at ang tunog ng alon sa malapit na dagat.
Ayoko sa mataong lugar at gusto ko ng payapang paligid kung saan masisiyahan rin ako sa tanawin nang sabihin ko kay Art kung anong gusto ko dito niya ako dinala. Ang sabi niya bahay bakasyonan ng pamilya nila ang pupuntahan namin kaya sobrang tuwa ang naramdaman ko ng makakita rin ng dagat.
"Let's go"Sabay kaming nag-lakad palapit sa bahay. Bunggalo style ang bahay may kalakihan din ito. Pag-pasok sa gate sasalubong sayo ang kahoy na hagdanan patungo sa pinto nito"May nag-aalaga ba nang bahay? "Tanong ko ng mapansin ang kalinisan sa paligid nito.
"May caretaker kami pero pina uwi ko Muna"Napalingon ako rito"bakit mo pinaalis? "Takang tanong ko"I don't want anyone around when we make love"
Natawa ako sa sinabi nito. Kararating lang namin pero make love agad ang nasa isip nito at talagang pinag-handaan niya kaya pinaalis nito ang caretaker ng bahay. Maparaan rin ang isang to kung sa bagay hindi ito magiging Pintor kung hindi niya alam ang mga dapat gawin kung may gusto siyang mangyari .
Tatlong kuwarto meron ang bahay may hagdanan rin ito pero hindi ganun karami ang step nito at ang kusina nito ay Puno ng gamit hindi tulad Sa condo nito. May malaking T. v rin sa sala at dalawang mahabang kahoy na upuan at mesa na gawa rin sa kahoy.
Gawa sa salamin ang bintana nito pero natatakpan iyon ng makakapal na kurtina. May pinto sa kusina at pag-labas mo doon tanaw ang dagat na ilang lakad lang ang Kailangan bago marating iyon.
"Wala bang ibang bahay rito? "Tanong ko matapos kung Sumilip sa labas ng pinto"private property ng pamilya ang lugar na ito at lahat nang tanaw ng mata mo"Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.Abala naman ito sa pag-tingin sa laman ng ref. "Mayaman ka pala kung ganun"Lumapit ito sakin"Not me, pamilya ko ang mayaman"
Binuhat ako nito saka binaba sa mesa "So, what do you want too do? "Tanong nito.
Yumakap ako sa kanya. Tanging ang tibok ng puso nito ang naririnig ko. Kung naririnig lang din nito ang puso ko siguradong mabibingi ito sa lakas ng tibok.
Kaya kung makipag-laro sa ibat-ibang lalaki at mag-sinungaling sa mga ito pero hindi ko kaylan man kayang lokohin ang sarili ko.Gusto ko si Archie Bago sakin ang pakiramdam na ito kaya hindi pa ako sigurado sa una pero habang tumatagal na kasama ko si Art unti-unti ko ring Napag-tanto kung ano ang pakiramdam nayun.
"Vanessa"Kumawala ako sa yakap ko rito"Swimming tayo"Ngiting sabi ko saka bumaba sa lamesa.
Nakikita ko man sa mga mata ni Art sa tuwing nakatitig siya sakin ang kapareho sa nararamdaman ako hindi ko parin masisiguro iyon at kung sakali man ayokong lumalim iyon. Ayokong magustohan niya rin ako.
Inubos namin ang oras nang mag-hapon sa dagat. Nag-pasya kaming mag-siga sa tabi nito nang sumapit na ang gabi kaya pag-katapos naming mag-hapunan dito kami pumunta.
"Matatapos mo na kaya akong ipinta bago matapos ang buwan"Nakahiga kami ngayon sa buhanginan nakaunan ako sa braso nito habang nakatingin kami sa mga bituwin sa langit.
"Gusto mo na bang tapusin ko agad"Tanong niya pabalik sakin"Ewan ko, hindi naman ako ang nag-pipinta"Hinarap ako nito, isang magaan na halik sa noo ko ang ginawa nito.
"Kaya kung tapusin ang painting kahit wala ka sa harapan ko pero gusto ko paring nasa tabi kita habang ginagawa ko iyon"Napatitig ako rito, hindi ako makahanap ng salitang maisasagot sa sinabi nito.
"Gusto kung lagi kalang nasa tabi ko Van, kaya matapos man ang buwan promise me you will stay"
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ayoko nang mga naririnig ko sa kanya ngayon. Natatakot akong Totoo lahat ng sinasabi niya.
"Hindi ko maipapangako ang gusto mo Art"
"Why? "maliit na boses na tanong nito. Hinaplos nito ang muka ko.
"Hindi ako ang babaeng dapat na nasa tabi mo Art"
Pumikit ako matapos kung sabihin iyon. Matagal kunang kinikimkim sa loob ko ang katotohanang iyon. Hindi ako para sakanya.
"Sinong nag sabihing hindi ikaw ang para sakin? "Minulat ko ang mata ko sa sinabi nito.
Nilapit nito ang muka niya sakin saka hinalikan ang labi ko.
"Ikaw ang tama para sakin Vanessa".
...