Habang nakatingin ako sa taong nag luwal sakin sa mundo at kung anong kalagayan nito ngayon lalo lang bumibigat ang dibdib ko.
"Archie!! Leave that girl!! "
Pag-gising niya hiniling niyang iwanan ko si Calia. Ayokong nakikitang nahihirapan ang aking Ina pero hindi ko rin kayang iwanan si Calia tulad ng gusto nito.
"Totoo bang nag-tatrabho sa club ang babaeng yun"tanong ni Arthur pag-labas namin sa kuwarto ni mommy sa hospital. "Kuya! Take care of mom"ani ko saka ambang aalis na ng pigilan niya ako.
"Gawin mo kung anong gusto ni mommy Art, hindi nakakabuti sa kanya ang ginagawa mo. She old Art, hindi na dapat siya na stress. "
Mabigat ang loob kung umalis sa hospital. At pag-dating ko sa condo at hindi ko na datnan si Calia doon lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.
Ang isiping iniwan ako nito ay nag-dulot sakin ng sobrang takot. Pag-labas ko ng elevator at handa ng hanapin ito nakita ko namang bumaba ito sa sasakyan. Nang makita ko kung sino ang nag--hatid rito agad nabuhay ang selos sa katawan ko.
"Mahal na mahal kita Art"
Hearing does words made my heart at peace. Nawala ang selos sa katawan ko. Maging ang bigat ng loob ko kanina lang ay nawala lahat.
"Sure kabang ayos lang ang mommy mo? "Pinatakan ko ng mabilis na halik ang labi nito bago marahang tumango.
Mahirap pumili sa pagitan niya at sa gustong ipagawa ni mommy sakin pero habang pinag-mamasdan ko ang maamong muka ni Calia. Alam ko kung anong dapat kung gawin.
"Where leaving early tomorrow"---
....
Madilim palang ay bumiyahe na kami ni Art wala itong sinabi kung saan kami pupunta. Maliwanag na ng magising ako at bumungad sakin ang pamilyar na lugar.
"Archie!! "usal ko sa pangalan nito. Nang masigurong tama nga ang hinala ko kung nasaang lugar kami.
"Relax, sweetheart. Malapit na tayo"
Ilang taon simula ng lisanin ko ang lugar na ito. Habang palapit kami lalo lang naging pamilyar sakin ang lahat pati ang mga ala-ala ay nag-simulang mag-sibalikan sakin.
Tumigil kami sa bonggalong bahay. Hindi pamilyar sakin ang bahay pero ang lugar kung saan ito nakatayo ay alam na alam ko.
"Anong ginagawa natin rito? "tanong ko ng makababa kami sa sasakyan nito. Hindi ko narin maitago ang kaba sa dibdib ko sa muka ko.
Hindi ko itatangging natutuwa akong nakabalik sa bayan kung saan ako lumaki pero mas nangingibabaw sakin ang kaba at mga masasamang alalang nangyari dito.
"Sir! Archie!! "
Isang may katandaan ng babae ang sumalubong sakin. Pareho kaming napatitig sa isat-isa at ilang minuto pa nangilid na ang Luha sa gilid ng mata ko samantalang mabilis na lumapit sakin ang matanda at niyakap ako ng mahigpit habang humahagulgul ito.
"Calia!! Ikaw nga. Calia, juskoo! Ang pamangkin ko"ani nito habang humahagulgul.
"Tiya Lena!! "Kumawala ang hikbi ko. "Kamusta ka, saan ka namalagi! Jusko!! Calia! "
Nang kapwa kaming kumalma mula sa pag-iyak. Sabay kaming pumasok sa bahay. Ang huli kung natatandaan gawa palang sa kawayan ang bahay ni Tiya Kaya hindi ko akalaing sa kanila pala ito.
"Hey!! Are you okey? "umiling ako sa tanong ni Art. Hindi talaga ako ayos pag-katapos ng ilang taon hindi ko akalaing makakabalik pa ako sa lugar na ito.
Tumayo si Art sa tabi ko ng bumalik si Tiya galing sa kusina. Ito ang pumalit tabi ko. Hinawakan nito ang kamay ko at mariin akong tinitigan"Dalagang-dalaga kana, huling kita ko sayo kinse anyos ka palang"
Tumulo ulit ang Luha sa mga mata nito. Maging ito ay hindi rin napigilan ang pag-luha. Ilang oras kaming nag-usap ni Tiya. Nalaman kung sumakabilang buhay narin ang asawa nito at ang mga anak nito ay may kanya-kanya naring pamilya tanging ang isang apo nalang nito ang kasama niya sa bahay na Nag-aral naman sa kalehiyo.
"Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na nagawa sayo iyon ng Ama mo at sarili mong tiyuhin"
Hindi ko rin akalaing alam ni Tiya Lena ang kawalangyaang ginawa ni Tatay at Tiyo sakin. Ang sabi niya nag-tago raw si Tiyo samantalang na aksedente naman si Tatay ilang araw matapos kung lumayas.
"Hindi ko na po hinahangad na pag-bayaran nila ang nagawa nila. Mabulok man sila sa kulungan wala narin namang mababago pinag- papasalamat ko nalang na hindi nila ako napatay matapos ng mga ginawa nila sakin"
Sa ilang taong lumipas hindi ko na Hinihiling na makita sila at pag-bayaran ang ginawa nila sakin. Nakalipas na ang pangyayaring iyon sa buhay ko at wala na akong balak na bumalik pa doon.
"Nasa kulungan na ang Tiyo mo at isa sa kasamahan niyang gumahasa sayo. Sa kasamang palad namatay na iyong isa Kaya dalawa lang ang nahuli ng mga otoridad"nagulat ako sa sinabi ni Tiya Kaya hindi agad ako nakapag-salita"Tatlong buwan na silang nasa kulungan mabuti nga at madali lamang silang nasukol hindi nila akalaing huhulihin sila matapos ng ilang taon"pag-papatuloy ni Tiya.
"Ano pong update sa kaso nila"singit ni Art. Umupo ito sa harapan namin. Napako naman sa kanya ang atensyon ko.
"Tulad ng gusto mo ginagawa lahat ni Attorney ang pinapagawa mo sa kanya. "Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tiya"Aong kinalaman mo rito? "Diretchong tanong ko rito. Ilang minutong namayani ang katahimikan samin bago ito sumagot.
"Ako ang nag-pahuli sa kanila"nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Halos mag dadalawang buwan palang kaming mag kakilala ni Art Kaya paanong tatlong buwan ng nakakulong sila Tiyo. Kelan ko lang nasabi rito ang tungkol sa nakaraan ko. "Hindi ko maintindihan bakit? Kelan mo lang nalaman ang tungkol sa nakaraan ko"nagugulang ani ko.
Hindi ito nag-salita dahilan para lalo lang gumulo ang isipan ko.
"What important is they are on jail already. At ang testimonya mo nalang ang Kailangan para tuluyan silang makulong habang-buhay"
Nakatulala lang ako matapos ng mga narinig ko.Ano bang nangyayari. Paanong nahuli ang ang tiyuhin ko ng dahil kay Archie.
"May itinatago kaba sakin Art? ".