Chapter 21

8.4K 116 2
                                    

Kontento na ako sa nang-yayari sa buhay ko ngayon. Sapat nasakin ang makasama ang mahal ko at ramdam ko rin ang pag-mamahal nito sakin.

"Kukuha ako ng tissue at sabon sa  pag-lalaba ikaw na sa iba"

Nasa Grocery kami ngayon ni Art. Ilang buwan na ako sa condo at nag sasawa na akong tignan ang ayos nito kaya nag pasya akong baguhin iyon ng kaunti.

"Kumuha ka ng marami para sa kuwarto. Kailangan mo yun para hindi mo gawing punasan ang bedsheet natin"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. Kinindatan ako nito saka iniwan ako doon. May ilang Mamimili sa malapit at sigurado akong narinig nila ang sinabi nito.

Mabilis akong umalis doon habang nag-iinit parin ang pisngi ko sa kahihiyan. Hindi man lang namimili ng lugar ng pag-sasabihan ang loko.

Tulad ng sabi niya kumuha nga ako ng marami. May mga nadaanan akong damit ng bata nang Hinahanap ko ito. Naalala ko ang sinabi nito nang huling gawin namin iyon.

Hindi ko alam kung Totoo ang sinabi niya. Ilang araw palang naman ang nakalipas pero sa ilang beses naming ginagawa iyon at hindi rin naman ito gumagamit ng protection may pusibilidad ngang makargahan niya ako. Napangiti ako sa isiping iyon.

"Dream on bitch!! "mabilis akong napalingon sa gilid ko ng marinig iyon. "Cindy? "

Sa dami ng supermarket sa lugar bakit dito pa namili ang isang to kung kelan nandito rin kami ni Art. Ang samang pag-kakataon naman nito.

"Ano masarap ba ang fiancee ko? "mariin kung pinag-dikit ang ngipin ko sa pag-pipigil na wag sapakin ang lintang to.

Marami-raming tao doon at kung papatulan ko ang lintang to makakaagaw kami ng atensyon at ayokong mangyari iyon lalo pa at kasama ko si Archie.

"Mauuna na ako"mas mabuti ng umiwas nalang ako. "Bitch!! Pok-pok!! "

Nalaglag-lahat ng dala kung tissue ng hilain nito ang buhok pag-talikod ko at paulit-ulit ako nitong tinatawag ng kung ano-anong pangalan na nakaagaw ng pansin sa mga naroon. Nag-simulang mag-kumpulan ang mga tao malapit samin.

"Bitiwan mo ako!!"pilit kung inaalis ang kamay nito sa buhok ko.

"Hindi kaba nakontento sa club kaya si Archie ang inakit mo. Bakit? Kulang ba ang kinikita mo sa mga lalaking kumakama sayo!! "

Dahil nasa likuran ko ito hindi ako makaganti. Napaupo narin ako sa sahig habang patuloy ito sa pag-sabunot sakin at pag-sasabi ng mga masasama tungkol sakin. Kung sa ibang pag-kakataon lang wala akong pakialam sa mga sinasabi nito pero hindi na ngayon dahil naroon si Art at sa oras na makita niya kami rito siguradong matutuon ang atensyon sakanya.

Dumating ang security ng supermarket at pilit na inilalayo si Cindy sakin. Nang mag-hiwalay kami nag-patuloy parin ito sa mga sinasabi niya sakin.

"Ang mga katulad mong bayarang babae ay basura rito. Hindi ka makonteto sa mga lalaking pumapatong sayo kaya ang fiancee ko ang pinuntirya mo"

Nanginginig ang katawan ko habang patuloy ito sa pag-sasalita ng kung ano sakin. Ang mga taong naroon ay may pandidiring tumitingin sakin.

"Bakit? Hindi ka sabay-sabay na mag-patira sa mga lalaki ng makontento ka"

Nag-dilim ang paningin ko sa huling sinabi nito. Mabilis akong kumawala sa security at malakas na pinadapo ang dalawang palad ko sa mag-kabilang pisngi nito saka inabot ang buhok nito at buong lakas na inalog-alog ang ulo nito.

Mabilis ang pag-hinga ko ng mapag-hiwalay nanaman kami ng security. Wala akong pakialam kung nasaan kami ngayon ito ang mag-simula at sa mga masasamang sinasabi nito hindi ko hahayaang basta nalang tumayo doon at tanggapin nalang lahat ng iyon.

"Ikulong nyo ang babaeng yan!! "sigaw niya habang idinuduro ako.

Bago pa ako makaladkad ng security na mayhawak sakin. Nawala ito sa tabi ko at ang galit na muka ni Art ang nakita ko. "Art! Archie!! "mag-kasabay pa naming sambit ng linta.

Iniwas ko ang tingin ko rito. Kaya nagawi ang mata ko sa mga taong naroon. Nakatuon ang atensyon nila kay  Art bago ibabalik sakin ang tingin. Sa mga narinig nila mula kay Cindy alam kung maruming babae ang tingin nila sakin at ayokong mag-iba rin ang tingin nila kay Archie ng dahil sakin.

Ngayon ko napatunayan na hindi kami puedeng mag-sama tanging kahihiyan lang ang dala ko sa kanya.

Tumulo ang Luha sa ko mabilis kung pinahid iyon. Tumalikod ako at handa ng umalis ng hawakan ni Art ang braso ko at mabilis akong hinila palapit sakanya saka mahigpit na niyakap.

"I'm sorry sweetheart! "bulong nito. Rumagasa naman ang Luha ko.

Ako dapat ang humihingi ng tawad rito. Simula ng dumating ako sa buhay niya gumulo na ito. Nag-away sila ng mommy niya at ngayon dinala ko siya rito para lang madamay sa kahihiyang dala ko.

Itinulak ko ito. Umiling-iling ako saka ito tinaluran ulit. Hindi ko kayang manatili sa bisig nito habang nakatingin ang mga taong ngayon ay ang tingin sakin ay basura at isang babaeng ibat-ibang lalaki na ang nakatikim. Humakbang ako palayo rito.

"Calia, Stop!! "Nasapo ko ang labi ko ng tumigil ako sa pag-hakbang. Masakit ang puso kung lumayo rito pero iyon lang ang tamang paraan para hindi ito madamay.

Lumapit ulit si Art sakin iniharap niya ako sa kanya at walang pag-aalinlangan na sinakop ang labi ko. Ilang pag-singhap ang narinig ko bago ako napapikit at damhin ang mainit nitong labi sakin.

Minsan tinatanong ko ang nasa itaas kung anong dahilan niya at binigay niya sakin si Art. Hindi ako mabuting tao para gantimpalaan niya ng ganito. Oo, hiniling kung sana may nag-mamahal din sakin hindi ko lang inaasahan na ang katulad ni Art ang darating.

Kung sana may mundo kung saan kaming dalawa lang. Walang mapang-husgang lipunan walang Cindy at walang pag-pipilian kundi ang maging maligaya lang sa piling ng isat-isa.

"Patawad mahal! "

The Painter's ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon