May kanya-kanya tayong karanasan sa buhay na minsan ay nag-bibigay ng tibay ng loob at pag-asa pero hindi lahat ng karanasan ay may magandang risulta minsan ito pa ang sisira sa buhay at kinabukasan.
Ang pag-yakap sa likuran ko ang nag-pabalik sa diwa ko mula sa pag-kakatulala. Mabilis akong lumayo kay Art, mabilis rin ang pintig ng puso ko pakiramdam ko lalabas iyon ano mang oras dahil sa pinag-halong galit, gulat at takot na nararamdaman ko.
"Vanessa!! "May pag-sisi sa muka ni Art at ambang lalapitan nanaman ako ng humakbang ako palayo.
"Archie!! "Napalingon ako sa babaeng palabas ng bahay ng tawagin nito si Art.
Hindi ko na pansin ang pag-lapit ni Art sakin kaya ng hawakan nito ang pulsuhan ko at hilain ako paalis wala na akong nagawa kundi sumunod. Gamit ang sasakyan nito pareho kaming umalis doon.
Habang nasa biyahe laman ng isip ang mga bagay na matagal ko ng binaon sa limot at wala na sanang balak pang balik kundi lang dahil sa pangyayari ngayon.
Madilim na ng ipasok ni Art ang sasakyan nito sa isang hotel.
"Lets go"Ani niya ng buksan nito ang pinto kung saan ako nakaupo. Mabigat ang pakiramdam kung lumabas at sumunod rito. Pag-karating namin sa kuwartong kinuha nito mabilis ako nitong yinakap.
"Im sorry Van"mahigpit ang yakap nito habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sakin.
Sa mga masasamang bagay na naririnig ko tungkol sakin matapang kung tinatanggap iyon kahit sobrang sakit sa dibdib pero ngayon paulit-ulit iyon sa utak ko kasama ng mga alala-alang sumira sakin. Nang-hina ang mga tuhod ko dahan-dahan akong napaupo kasabay ng pag-hagulgul ko.
Tanging ang pag-iyak ko lang ang maririnig sa kuwartong iyon .
.....
Ang iyak ng kinse anyos na bata ang maririnig sa gabi. Kasabay ng tawanan ng apat na lalake habang parang mga asong ulul na nakatingin sa kanya.
"Hinalay ako ng apat na lalaki" naramdaman ko ang pag-higpit ng braso ni Art na nakayakap sakin.
Kalahating oras din akong umiyak. Pag-katapos kung kumalmal nag-pasya akong ikuwento ang madilim na karanasan ng buhay ko na siyang sumira rin sakin.
"I dont care what happen in the past Van"napangiti ako. Hinarap ko ito. Nasa kama kami ngayon nakayakap ito sakin mula sa likod ko bago ako humarap rito. Hinaplos ko ang muka nito.
"Isa sa kanila tatay ko"nag-igting ang panga nito nang mag patuloy ako"Tiyuhin ko pa ang isa at iyong dalawa katrabho nila"Pinahiga ako nito sa dibdib niya saka ulit ako niyakap. Ang init nang katawan nito ay nag bigay ng ginhawa sa mabigat na pakiramdam ko.
"Sampong taong gulang ako ng namatay ang nanay ko. Mahal na mahal ng tatay ang nanay kaya ng pumanaw ito nawala na ng interest si tatay mabuhay. Ilang beses itong nag-tangkang mag pakamatay. Sa loob ng apat na taon naging misirable ang buhay ko pero pinilit kung mag-pakatatag para mabuhay at makamit ang pangarap ko"
Marahang hinahaplos ni Art ang buhok ko habang nag-kukuwento. Dinadampian niya rin ng halik ang noo ko.
"Gustong gusto kung maging Piloto dati"natawa ako ng maalala ang pangarap kung iyon"Sabi ko sa sarili ko gagawin ko ang lahat para makamit iyon kahit gaano pa kahirap. Kaya pinilit kung mag-tapos ng Highschool. Ayos lang noon para sakin ang buhay ko kahit nakakatanggap ako ng pang-mamaltrato sa tatay ko. Kinakaya ko iyon pero hindi ko akalaing---"
Tumigil ako dahil sa nag-babadya nanamang luha ko. Lumunok ako para alisin ang bukol sa lalamunan ko. Humigpit rin ang hawak ko sa kamay ni Art.
"Van. Hindi mo kailangang pilitin kung hindi mo kaya, i told you i dont care about the past. Ikaw ang mas mahalaga para sakin Van"-
Tuluyang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi nito. Pag-katapos ng gabing ito pinapangako ano mang sabihin ni Art susundin ko ng buong puso.
"Nalululong sa droga ang tatay"pag-papatuloy ko. Narinig ko naman ang malalim nitong buntong hininga"Ilang araw pag-katapos ng graduation ko sa Highschool nag-inuman ang tatay kasama ang tiyo ko at dalawang katrabho nila. Pinag-silbihan ko sila tulad ng utos ng tatay malalim na ang gabi ng mapansin kung may kung ano silang ginagawa. Unang tingin ko palang alam ko ng gumagamit sila ng droga. Kinabahan ako kaya nag-pasya akong umalis pero bago ko pa magawa iyon kinulong na ako ki tatay at doon nga sinimulan nila akong gahasaing apat. "
Akala ko ubos na ang mga luha ko pero habang inaalala nanaman ang pang-yayaring iyon hindi ko nanaman napigilan ang mapahagulgul.
Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na nagawa ng ama at sarili kung tiyuhin iyon sakin. Habang pinag-salit salitan nila akong gahasain naroon ang ama kung parang baliw na tumawa habang walang habas na winawarak nila ang dangal ko. Ang maalala ang muka nito habang pinapanood akong gahasain ng mga kasama niya lalo lang akong napahagul-gul ng iyak.
Siguro kung hindi ako naging matapang noon matagal na sana akong wala sa mundo ngayon at hindi ko makikila si Archie at hindi ko rin mararanasang mag-mahal.
Hindi ganun kadaling kalimutan ang madilim na nakaraan lalo pa at ito ang naging dahilan kung bakit ganito ang naging buhay ko ngayon. Mag-sisi man ako ngayon hindi ko na maibabalik ang lahat.
Ang pag-papatuloy sa buhay at tahakin ang tamang daan mula ngayon ang magagawa ko para tuluyang makawala sa madilim na parte ng buhay kung iyon at kung sakali mang makakasama ko si Art magiging maliga at konteto na ako.
Matapos ng ilang minutong pag-iyak. Tumayo ako mula sa kama at hinirap si archie. Nag-taka ito sa ginawa ko ng ilahad ko ang kamay ko sa harapan nito.
"Hindi pa ako nag-papakilala ng maayos sayo"nakangiting sabi ko. Tumayo rin ito sa kama at hinarap ako ng maayos. "Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang totoo kung pangalan pero gusto ko paring mag-pakilala ng maayos"
"Hai.Im Calia Andrada nice to meet you Mr. Archie Ybanez. Ikaw ng bahala sakin ngayon"
![](https://img.wattpad.com/cover/146105531-288-k617097.jpg)