Chapter 5

17.2K 161 4
                                    

Sanay ang katawan kung matulog sa umaga at gigising lang pag bandang hapon na. Tulad ngayon, madilim na sa labas ng salamin tanaw ko rin ang ibat-ibang ilaw sa labas mula doon.

"Nasaan ba ako? "Antok na sambit ko saka dahan-dahang bumangon. Mas naaninag ko naman ng maayos ang tanawin sa labas ng makaupo ako sa sofang hinigaan ko.

Mga ilaw ng buildings ang nakikita ko. Doon ko rin naalala kung nasaan ako.

Akala ko arte lang sa pilikula ang sinasabi ng mga character na magandang pag -masdan ang mga ilaw pero hindi lang pala arte iyon dahil totoong napakaganda.

Tumayo ako at lumapit sa salamin. Mula doon nakita ko naman ang ilaw ng mga sasakyan sa ibaba. Lalo lang akong namanghang pag-masdan ang ibat-ibang kulay.

Hindi nalang ang papalubog na araw ang maganda para sakin ngayon. Ang masaksihan ang ganitong tanawin sa gabi ay nag-papatunay lang na may kagandahan ring makikita pag-sapit ng kadiliman.

"Ehem"napalingon ako ng marinig ang pag-tikhim na iyon kasabay nito ang pag-liwanag ng paligid"Buti, naman at gising kana.

Bago ako makatulog. Nag-karoon pa kami ng mahabang diskusyon tungkol sa gagawin nito. Tulad ng nauna nitong sinabi hindi parin ito pumayag matapos nun Iniwan na niya ako sa sala hanggang makatulog ako.

"Eto naman di man lang ako binuhat papasok sa kuwarto niya hinayaan mo lang akong matulog rito sa sofa"busangot na sabi ko"Isa lang ang Kama ko rito at hindi ka puede doon"- Umalis ito sa pag-kakasandal sa pader. Nag-lakad ito patungo sa kusina na sinundan ko naman.

"Mag-luluto ka? "-- tanong ko ng makaupo sa silya. Hindi ako nito pinansin may mga nilabas ito sa ref.niya. Pinanood ko lang naman ang ginagawa nito.

Hindi gaanong kalakihan ang condo nito. Kaunti lang din ang kagamitan na naroon. Isang mahabang sofa, t. V at mesa lang ang nasa sala nito. Ang kusina nito, stove cabinet na hindi ko alam kung may laman ref. na satingin koy konti lang din ang laman at ilang lutuan. Normal lang siguro iyon bilang mag-isa lang naman ito doon.

May kung anong iginisa nito. Nanatili lang naman akong makaupo  doon at nang maramdam ako ng tawag ng kalikasan nag-madali akong lumabas ng kusina nito at agad tinungo ang kuwarto.

Walang C. r sa kusina nito kaya wala akong ibang pag-pipilian. Pag-pasok ko sa kuwarto nito, inasahan kung kasing kalat ng condo niya kaninang na datnan ko ang kuwarto nito pero mali ako. Lahat ng gamit naroon ay naka ayos at nasa tamang puwesto.

May dalawang pintuan akong nakita sa loob. Sarado ang unang pintuan kaya nasiguro kung hindi CR iyon at tama nga ako ang pangalawang pinto na binuksan ko ay ang Banyo.

Tulad rin sa kuwarto nito malinis at nakaayos rin lahat ng gamit sa banyo. Natuwa ako ng makita ang bathtub. Agad kung pinuno ng tubig ito saka nilagyan ng sabon saka nilublub ang sarili ko doon.

Ang sarap sa pakiramdam ng tubig kaya hindi ko namalayan na nakaipdip ako. Nagising lang ako sa sunod-sunod na katok ni Archie sa pinto.

"Vanessa"tawag nito habang sunod-sunod ang katok sa pinto"Teka! Naliligo ako"- sigaw ko bago umahon at tumapat sa shower. Tumigil naman ito sa pag-katok.

Pag-katapos maligo doon ko lang naalalang wala nga pala akong dalang damit. Hindi ako nakapag-dala dahil ayokong usisain ako ng mga kasamahan ko pag-nakita nilang may bitbit akong mga-damit.

Isnuot ko nalang ang Itim na bathrobe na naroon.Nasulyapan ko ang toothbrush kaya minabuti ko naring mag-linis ng ngipin siya namang katok ulit ni Archie.

Binuksan ko ang pinto habang nag-sisipilyo"Bakit? "Tanong ko ng mapag-buksan ako. Tumitig naman ito sa toothbrush na hawak ko na agad ko ring binalik sa bunga-nga ko saka sinimulan ang pag-kiskis sa ngipin ko.

"Are you using my toothbrush? "Tanong niya na tinanguan ko. Mabilis ako nitong pinaharap sa kanya saka hinugot ang toothbrush sa bunga-nga ko. "Aray!masakit ah"Reklamo ko sa biglaan nitong pag-hila sa toothbrush.

"Personal na gamit ang toothbrush hindi mo dapat basta-basta ginagamit lalo na kung hindi sayo. "Tinapon nito ang toothbrush sa basuran na naroon"Wala akong dala E. Saka wala ka naman sigurong nakakahawang sakit"Masamang tingin ang binaling nito sakin bago lumabas ng banyo. Nag-hilamos ako saka sumunod rito.

Naabutan ko ang pag-sara nito nang pinto sa kuwarto. Kumuha ako ng maliit na towel saka pinunasan ang buhok ko. Lumapit ako sa cabinet na naroon habang pinupunasan ko ang buhok ko.

Mga T-Shirt ang nakita kung nakahanger. Kumuha ako ng isa dahil wala rin akong underwear na nakuha Kinuha ko rin ang boxer nito. Maluwang ng kaunti ang T-shirt na suot ko pero hindi parin nakatulong iyon para hindi mahalata ang tuktuk ng dalawang bundok ko.

Lumabas ako ng kuwarto matapos kung makapag-ayos. Napakunot ang nuo ko ng hindi makita si Archie sa sala at kusina nito. Mukang lumabas ito.

Ilang sandali pay-bumalik na nga ito. May ilang plastic itong dala ng salubungin ko.

"Ano ang mga yan? " tanong ko saka lumapit at isa-isang sinilip ang dala nito. Nanatili lang naman itong nakatayo doon.

"Did you wear my T-shirt and boxer also"-Sabi niya na kinaangat ng tingin ko sa kanya. "Oo, wala akong nadalang gamit ko" Nakangiting sagot ko. Napansin ko ang pag-baba ng tingin nito sa dibdib ko.

"And your not wearing Bra! "Salubong ang mga kilay nito. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko.

"Wala nga akong dalang damit diba. Hindi naman puedeng ulitin ko iyong bra ko"-- sagot ko pilit paring tinatago ang tawa ko. Halos mag-dikit na kasi ang balat nito sa mga kilay niya sa sobrang pag-kaka salubong ng mga ito. "Isa pa. Tayong dalawa lang naman ang nandito"-- dag-dag ko pa.

Umiling lang ito bago ako nilampasan at pumasok sa kusina nito. Nangingiting sinundan ko naman ito.

"Nag-grocery ka? "Gulat na ani ko ng iabot nito sakin ang toothbrush. "Alangan namang pinulot ko to"pamimilosopong sagot niya. May ilang dilata at noodles itong nilabas sa supot.

"Dilata at Noodles lang ba ang kinakain mo? "

"I don't have time to cook. Kaya kung ayaw mong mamatay sa gutom umalis kana" Sinulyapan Muna ako nito bago nilagay sa cabinet ang pinamili nito

"Bago man lang ako mamatay puede bang gahasain Muna kita"natigilan ito sa pag-lalagay ng dilata sa cabinet. Hindi ko na napigilan ang tawang kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi kaba nahihiyang sabihin ang bagay nayun"Napatigil ako sa pag-tawa sa sinabi nito. Tinitigan ko ito bago unti-unting ngumisi"Sa trabho ko normal na ang ganung salita para sakin. Nasayo nalang kung anong-iisipin mo. Puede pa nga akong mag hubad nalang rito tutal makikita mo rin lang pag- nag-simula kana sa pag-pinta sakin"

Seryoso lang naman itong nakatingin sakin. Aminin ko may kunting kirot sa dibdib ko sa sinabi nito. Alam kung pangit tignan sa babae ang mag-salita ng ganun sa isang lalake at hindi ko siya masisisi kung mag-isip rin siya ng hindi maganda sakin ngayon.

Sanay na ako sa ganun. Sa lipunang ginagalawan natin ngayon ang tingin ng mga tao sa amin ay parang basura.. At matagal ko ng tinanggap iyon kahit masakit.

"Ang pag-huhubad at pag-aalay ng sarili sa lalake ang trabho ko Archie kaya masanay kanang makarinig ng maruruming salita mula sakin"

The Painter's ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon