Chapter 10

12.9K 160 1
                                    

Gumawa ka man nang mabuti meron at meron paring masasabing hindi maganda ang iba sayo kaya paano pa kung masama ang ginawa mo habang buhay iyon na ang magiging tingin ng tao.Hindi lahat ng tao may malawak na pag-unawa para sa kapwa nila iyon ang isa sa masakit na katotohanan sa mundo.

Lahat tayo may takot na sa magiging tingin ng ibang tao satin. Pilitin mo mang wag mag-paaperkto,  masasaktan ka parin nang palihim.

Magiging matapang ka pero hindi sa lahat nang oras kaya mo.

Pangatlong araw na namin ni Art rito. Sa nag-daang gabi pinili kung wag sagutin ang sinabi nito dahil una palang alam ko na kung anong dapat gawin pag-katapos ng trabho ko sa kanya.

Abala ako sa pag-huhugas ng pinag-kainan namin ng marinig ko ang ingay sa sala.

"Mom"bumilis ang kabog nang dibdib ko ng marinig iyon mula kay Art"What are you doing here? "

Binilisan ko ang pag-huhugas pero bago pa man ako matapos pumasok na ang babae sa kusina. Sa tancha ko nasa kuwarenta na ito pero makikita parin ang kagandahan nito ng kabataan niya.

"Who are you? "Nakataas ang kilay na tanong nito.

Lihim akong nag-pasalamat na maayos ang naisuot kung damit ngayon. Nang mga nakaraang araw naka two piece lang ako sa loob ng bahay.

"Hello po ma'am Vanessa po"Nilahad ko ang kamay ko rito pero hindi niya iyon tinanggap nahihiyang bininaba ko iyon.

Hindi ako ganun ka ilang sa iba tao pero alam ko kung sino ang dapat pakitunguhan ng maayos at hindi. At sa sitwasyon ko ngayon habang kaharap ang Nanay ni Art pakiramdam ko Kailangan kung kumilos ng maayos..

"Sino siya Archie?  "napalingon naman ako kay Art nasa tabi nito. Nag-tama ang paningin naming dalawa ngumiti ito sakin bago hinarap ang mommy nito.

Hindi ko  alam pero kinabahan ako bigla pakiramdam ko hindi maganda ang sasabi ni Art sa nanay nito.

"Tinutulungan ko po si Sir Archie sa ginawa niyang painting"Bago pa mag-salita si Art nasabi ko na iyon.

Iniwas ko agad ang tingin ko rito.

"I told you to quit painting Archie. Kailangan ka ng daddy mo sa company"

Ramdam ko ang paninitig ni Art sakin kaya minabuti kung umalis nalang muna.

Tanghali palang kaya mainit pag-labas ko. May maliit na pahingahan sa tabi nang dagat di Kalayuan sa bahay nag-pasya akong doon mag-punta. Maging ang hangin na nag-mumula sa dagat ay mainit rin.

"Miss?? "Napalingon ako nang marinig iyon. Napakurap ako nang makita si Art pero nang lumapit ito nalaman kung hindi siya iyon. "Kasama kaba ni Archie"

"Oo"tipid na sagot ko. Ngumiti naman ito saka pumasok sa loob ng kubo"Arthur"lahad nito ng kamay sa harapan ko. Tinanggap ko naman iyon.

"Kapatid ko si Archie"pag-papatuloy niyang mag-pakilala. Kaya pala akala ko nang una si Archie ito. Mag-kamuka kasi talaga pag-hindi mo titigan ng mabuti ang muka nito.

"You are? "Putol niya sa Iniisip ko. "Vanessa"Pala ngiti ang Kapatid ni art hindi tulad niyang madalas seryoso ang muka.

"Nalaman lang namin sa Caretaker na nandito siya kaya nag-pasya kaming pumunta. Ilang buwan narin siyang di dumadalaw sa bahay"Pag-kukuwento nito. Tahimik lang naman akong nakikinig rito. Normal na madada ako sa ibang tao pero hindi ko magawang ipakita iyon sa pamilya ni  Art. Pakiramdam ko pag nag-salita ako malalaman nila kung anong klaseng babae ako.

Walang kaso sakin kung malaman ng iba kung sino ako pero ngayon may takot sa puso kung malaman ng mga taong ito ang tungkol sakin.

"Girlfriend kaba ni Archie "Mabilis akong Umiling sa tanong nito"Tinutulungan ko lang siya ginawa niyang painting"---Tama, Modelo ako ni Art at iyon naman talaga ang dapat. "Thats good. Akala ko girlfriend ka niya. Darating kasi Fiance niya mamaya"

Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko sa sinabi nito. Pakiramdam ko tumigil ang buong sistema ko liban lang sa mabilis na pintig ng puso ko.

Kung wala lang doon si Arthur hindi ko gugustuhing bumalik sa bahay at makita si Archie kayakap ang isang babae.

"Arthur, where have you been? "Salubong ng mama nila. Sabay naman lumingon si Art at ang babaeng kanina lang ay nakayakap sa kanya.

Hindi ko naman magawang ialis ang mga mata ko sa babae. Maganda ito bumagay rin ang maputi nitong kutis ang pulang dress na suot nito at ang buhok nitong hanggang bewang ay bumagay rin dito. Maamo ang muka nito at masasabi kung malinis itong babae. Nang mapansin nito ang paninitig ko ngumiti ito sakin.

Alam kung kabastusang hindi ako ngumiti pabalik rito pero anong magagawa ko hindi ko kayang ngumiti man lang. Pinipaga ang dibdib ko habang nakikita ko ang kamay nito sa braso ni Art at masayang nakikipag-usap sa kanya. Habang nakatingin ako sa kanila alam kung hindi ako dpat naroon.

Nag-paalam ako sa kanila. Kahit na si Arthur lang tumingin sakin. Dumiretcho ako sa kuwarto namin ni Art kinuha ko lahat ng gamit ko sa maletang dala namin saka sinilid iyon sa bag na dala ko.

Mabilis akong naligo sinuot ko ulit ang damit na ginamit ko pag-punta namin doon. T-shirt at skinny jeans iyon na binili pa ni Art. Ayaw nitong lumabas ako ng condo niya nang araw na iyon ng naka dress kaya binili niya iyon para maisuot ko. Pag-labas ng banyo naka handa na ako natigilan lang ako ng makitang nakaupo si Art sa kama at diretcho ang tingin sakin.

"Anong ginagawa mo rito? "Hindi ito umimik Sinulyapan niya ang bag na nag-lagyan ko ng damit"Aalis ka? "malamig na tanong nito. Kinagat ko ang ibabang labi  ko.

Lumapit ako rito para kunin ang bag at mag-paalam narin. Mabigat ang dibdib ko habang nakikita ko ito Kailangan ko ng makaalis agad doon.

"May bus naman sigurong dadaan pabalik"sabi ko saka pinulot ang bag. "Mauuna na ako, sabi mo kaya mo namang tapusin iyong painting kahit wala ako" Ambang tatalikuran ko na ito ng mabilis niyang hulihin ang kamay ko.

"Hindi ka aalis"malamig at may pinal sa boses nito"Art! pamilya mo nasa labas hindi ako Kailangan dito"Pilit kung binabawi ang kamay ko pero hinigpitan niya lang ang hawak doon.

"I'm going with you then"Binitiwan niya ako saka mabilis na kumuha ng damit sa maleta nito"Archie!! "Pigil ko rito.

"Aalis na ako"mabilis akong lumapit sa pinto saka walang lingunan na Iniwan ko ito doon. Naabutan ko sa sala ang mama nito at  si Arthur. Nag-paalam ako sa mga ito nag prisinta si Arthur na ihatid ako pero pinigilan ito ng mama niya.

Hindi ko na ulit nilingon pa ang bahay ng makalabas ako. Nasa gate na ako ng marinig ko ang sigaw ni Art.

"Calia!! "

The Painter's ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon