Chapter 19

8.4K 111 1
                                    

Akala ko ayos nasakin ang lahat. Pinaniwala ko ang sarili kung hindi ko kailangang pag-bayarin ang mga taong sumira ng buhay ko pero nang makita ko sila sa likod ng mga rehas gusto ko silang manatili doon at mabulok dahil sa ginawa nila.

Nakausap ko ang Attorney na humahawak sa kaso ko. Sinabi nitong umamin sina Tiyo sa ginawa nila sakin at ang testimonya ko nalang ang kulang para tuluyan ng makasuhan at makulong ng habang buhay ang mga ito.

"Gusto kung mabulok sila doon"lumuluhang ani ko. Niyakap ako ni Art. Marami akong katanungan rito pero sa ngayon kailangan ko munang gawin ang nararapat para sa mga taong sumira sakin.

Mabigat man sa loob  ko sinalaysay ko ang mga nangyari. Sa tuwing natitigilan ako at hindi ko mapigilan ang maiyak laging ang balikat at mga yakap ni Archie ang naging sandalan ko. Sobra sobra ang pasasalamat ko rito at hindi ito umalis sa tabi ko.

"Gusto mo nabang umuwi? "nasa sasakyan na kami. Umiling ako, bago ako umuwi Kailangan ko munang tapusin ang lahat dito"puntahan natin siya"

Tumitig si Art sakin naninimbang kung disidido ba ako sa gusto ko. Hinalikan nito ang likod ng kamay kung hawak niya bago binuhay ang makina ng sasakyan. Pag-katapos ko rito hindi ko na nanaising bumalik pa.

Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Art ng papasok kami sa Home of Elderly. Mabilis din ang tibok ng puso ko.

Ang mga matatandang nalalampasan namin ay bumabati kay Art. Hindi ko naman napigilan ang sarili kung makaramdam ng awa sa mga ito. Ilang taon mula ngayon mararating ko rin ang kinalalagyan nila. At isiping walang mag aalaga sakin lalo pa at ayaw ng pamilya ni Archie sakin ngayon palang naawa na ako para sa sarili ko.

"Mr. Ybanez! "Bati ng nurse sa amin. Mukang matagal ng nag-pupunta si Art dito pansin kung maraming nakakakilala sakanya"Good Afternoon "pormal na bati nito. Nakipag kamay ang nurse samin bago kami niyaya sa opisina nito.

"Natutulog siya kung gusto niyo siyang makita hintayin niyo nalang ang pag-gising niya"napabuga ako ng hangin. Ang lakas ng loob kung pumunta rito hindi ko naman sigurado kung handa naba talaga akong makita siya buti nalang at may oras pa ako para ihanda ang sarili ko.

"Hindi maganda ang lagay niya ngayon. Nalaman naming hindi nito iniinom ang gamot na binibigay namin. Pahirapan rin pag-pinapakain ito"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ng nurse. Nanatili akong walang imik habang sinasabi ng nurse ang kalagayan nito napapansin ko rin ang mayat-mayang pag-sulyap ni Art sakin.

"Are you sure you want to see him? "tanong ni art ng lumabas kami sa opisina ng nurse. "Nandito na ako Art kailangan ko siyang harapin"may pag-aalangan man sa puso ko kailangan ko paring gawin ito para matapos na ang lahat gusto ko nang katahimikan sa buhay ko.

Mahigit isang oras din kaming nag-hintay ng sabihin nilang gising na ito. Nanlalamig ang buong katawan ko kasabay ng panginginig ng kamay ko habang palapit kami sa kinaroroonan nito.

"Hey! Wag mong pilitin ang sarili mo"pigil ni Art sakin. Tanaw ko na ito mula sa kinatatayuan namin. Ilang hakbang nalang iyon. "Ayos lang ako Art"hinawakan nito ang mag-kabilang pisngi ko. Pinatakan nito ng magaang halik ang labi at noo ko"Ill be right here! "tumango ako saka nag-patuloy sa pag-lapit rito.

Umalis ang nurse na bantay nito ng makalapit ako. Base sa likod nito halatang payat na payat na ito dumaan ang kirot sa puso ko habang nakatingin rito.

"Nasaan na ang magandang pangangatawan ng aking ama? "Tanong ko sa aking sarili habang dahan-dahan akong umiikot papunta sa harapan nito.

Ang mga nanginginig kung kamay ay nasapo ko sa labi ko ng masilayan ko ang muka nito. Wala na ang malusog nitong muka sa huling kung kita rito. Ang malalim na butas sa muka nito at ang mga mata nitong nakatitig sakin ang dahilan ng pag-hagul-gul ko. Napasalampak ako sa damuhan sa harapan nito dahil sa pang-hihina ng tuhod ko.

Hindi ko kaya! Hindi ko kayang tignan ang ama ko. Hindi ko inaasahan ang makikita kung kalagayan nito. Ang muka nitong buto't balat nalang maging ang mga braso nitong dati ay matitipuno boto at balat nalang.

Gaano man kasama ang ginawa nito sakin hindi ko parin ginustong madadatnan ko ito sa ganitong estado. Ama ko ito at bilang anak hindi ko ninais na makita itong ano mang oras ay maaring bawian ng buhay.

Hindi matigil ang mga luha ko at nang maramdaman ko ang marahang haplos sa ulo ko lalo lang akong napahagul-gul ang dating mabibigat nitong kamay na ginamit niya sa pangpalo sakin noon ay hindi ko na halos maramdaman ngayon. Dahan-dahan kung inangat ang muka ko rito. Pakiramdam ko tumigil sa pag-tibok ang puso ko ng masilayan ko ang luha sa  muka nito. Ang walang buhay niyang mga mata kanina ay nababahiran ngayon ng mga luha.

Sa mga taong lumipas at ang pakikipag-sapalaran ko para mabuhay ay nag-patibay saking loob. Kinaya ko lahat ng mga pasakit na dumating sa buhay ko at lalo pang pinatibay ang loob ko pero ang makita ang aking ama na lumuluha lahat ng inipon kung lakas ay gumuho lahat.

"Papa!! "usal ko. Mabilis akong tumayo at niyakap ito. Naramdam ko ang magaan nitong pag-sukli ng yakap sakin.

Ang mga braso niyang iyon ay ang bumuhat sakin at nag-hele ng bata pa ako. Siya ring ginamit niya upang itawid kami ni Mama sa hirap ng buhay. Ang mga braso niya ring iyon ang naging daan para masira ang buhay ko pero ngayon hindi ko na halos maramdaman iyon sa likuran ko.

"C-c-Calia! "sambit nito sa pangalan ko.Ang sakit ng puso ko nang marinig ko ang pangalan ko mula rito. Halos isumpa ko ang pangalan kung iyon noon.

Nang kumalma ako pinag-masdan ko ang muka nito. Halos hindi ko na makilala ang Ama ko dahil sa kapayatan nito"Papa! Anong nangayari? "naluluha paring tanong ko. Umiling lang ito saka marahang hinahaplos ang muka ko.

Ang galit ko rito ay hindi ko na Mahanap sa puso ko. Mas nangingibabaw ang awa  ko para sa aking ama ngayon.

Hindi niya man masabi alam  kung nag-sisisi ito sa nagawa niya sakin. Pareho kaming biktima ng pangyayari kung hindi ito na lulong sa droga ng mga panahong iyon alam kung hindi niya magagawa sakin iyon. Habang buhay ng mananatiling nakakabit sa pag-katao ko ang pang-yayaring iyon pero hindi ko kayang habang buhay na dalhin ang galit sa aking ama matapos kung makita ito ngayon. Hindi niya man mapag-babayaran ang ginawa niya sakin dito alam kung may ibang paraan ang nasa itaas para doon.

The Painter's ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon