Archie,
Wag mo akong hanapin. Kung mahal mo talaga ako sundin mo ang gusto ko. Wag na wag mo akong hahanapin. Maraming salamat sa masayang panahon na kasama ka at higit sa lahat salamat sa pag-tanggap mo sakin.
Mahal kita Art, hindi ko man nasabi ito sayo ng harapan pero nanggaling sa puso ko Mahal kita at ikaw lang ang huling lalaking mamahalin ko.Sayang lang at hindi umaayon satin ang panahon kung sakaling mag-kita tayo ulit hindi man sa panahong ito sisisguraduhin kung ikaw parin at karapat dapat na ako para sayo.
Mag-iingat ka. Patawad.Calia
.......
Tumatama ang malamig na hangin ng umaga sa muka ko habang tinatangay rin nito ang buhok ko. Napangiti ako ng unti-unting sumisilay ang araw. Bagong umaga para sa bagong buhay na tatahakin ko nang wala ang taong mahal ko.
"Calia, pumasok kana rito nakahanda na ang kape "
Tumayo ako mula sa pag-kakaupo sa buhanginan. Nag-pakawala ako ng malalim na buntong hininga para iwaksi ang bigat nanararamdaman ko bago sinulyapan ang araw na sumikat saka ako nag-lakad patungo sa bahay ni Lola Aring.
"Maayos ba ang tulog mo? "tanong ni Lola saka inilapag ang tasang may lamang kape sa harap ko. "Maayos po la"sagot ko saka sumimsim sa kapeng inihanda nito.
Nasa maliit na bayan ako sa probinsya ng Cagayan Valley. Dito ako dinala ng kagustuhan kung lumayo kay Art para sa ikabubuti nito.
Masakit para sakin ang iwan ito at tanging sulat lang ang ginamit kung paraan para sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Alam kung hindi maganda ang paraan ko ng pag-papaalam rito pero hindi ko kayang harapin ito at sa huli iiwan ko ito.
"Ang sabi ni Grace ipasok kita sa munispyo kahit janitress lang kaso sa ganda mong bata hindi ka tatanggapin doon"
Natawa ako sa sinabi ni Lola Aring"Bakit! Lola pangit ba ang tinatanggap nila doon"pabirong tanong ko. Tumawa lang din naman ito.
"Tutal bago ka palang naman rito. Mas mabuti kung tulungan mo nalang muna ako sa pag-titinda sa palengke at pag-may bakanteng saleslady sa ukayan ng kakilala ko doon kita ipapasok"
Nag-kasundo nga kami ni Lola na tutulungan ko muna ito sa pag-titinda niya. Pag-katapos naming mag-agahan nag-simula na kami sa pag-aayos para sa pag-alis namin. Seven ng makarating kami sa puwesto ni lola sa palengke.
Maliit na grocery at bigasan ang tinda nito. May isang katulong itong lalaki na mas bata sakin ng ilang taon. Nag-tulong tulong kami sa pag-aayos ng paninda nang matapos kami tagaktak na ang pawis ko samantalang nag-labas lang kami ng paninda at mag-sisimula palang kami.
"Pasensya kana Calia, mahirap talagang mag-labas ng paninda"ngumiti ako rito bago diretchong tinungga ang baon naming tubig"Ayos lang la, masasanay din ako"
Hindi raw araw ng palengke kaya wala masiyadong tao. doon. Kaya kahit papano nakapagrelax-relax naman ako.
Sa mga sumunod na araw kung saan araw ng palengke nila nag-kanda hilo-hilo ako sa pag-aasikaso sa mga namimili. Hindi ko lubos maisip kung paano nagagawa ni Lola iyon lalo pa pag-nag sabay-sabay ang mga tao sa pamimili sa kanya.
"Ilang taon na po kayong nag-titinda rito la? "Tanong isang hapon habang pauwi na kami
"Si mula pa ng Bata si Grace, kailangan nila ng mga kapatid niya ng pera para sa pag-aaral nila kaya umutang ako sa bombay at pinang-tayo ng negosyo awa ng dyos lumago naman"
Napakasuwerte ni Mamang kay Lola Aring. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa maynila at ang pag-nenegosyo sa club ang ginawang pag-kakakitaan ni Mamang kung puede niya namang palaguin ang tindahan ni Lola Aring.
"Calia, sama kasami mamaya maliligo kami sa ilog."abala ako sa pag-rerepack ng asukal nang dumating si Andrew. Naging kaibigan ko ito sa palengke kasama ang pinsan nitong babae.
"Sige, daanan nyo ako sa bahay"malapad ang naging ngiti nito.
Unang pag-kakakilala palang namin nag-pakita na nang mutibo si Andrew sakin at agad ko ring pinutol ang balak nit. Isang buwan palang ang nakakaraan simula ng umalis ako sa piling ni Art at madagdagan man iyon ng ilang buwan pa o tao mananati parin siya sa puso ko at walang makakapantay sakanya.
"Hindi kaba lalangoy? "tumabi si Andrew sakin kagagaling nito sa pag-langoy. "Tinatamad ako saka hapon na"
Pinanood namin ang pinsan nitong si Karen at Amy na kapitbahay nila kasama rin namin si Totoy ang batang katulong namin ni lola sa tindahan. Wala talaga akong balak lumusong sumama lang ako para kahit papanoy maaliw sa panonood sa kanila at para narin mapanood ang pag-lubog ng araw.
"Sa sabado may handaan sa bahay punta ka"napalingon ako kay Andrew ng sabihin niya iyon. Natigilan lang ako ng gahibla lang pala ang layo ng muka namin sa isat-isa. Ilang minuto rin kaming nag-katitiga ako ang unang umiwas ng tingin rito saka lumayo. "Sige, pero daanan mo ako sa bahay"
Madalas narin akong naiimbitahan ng mga nakatira malapit sa bahay ni Lola Aring pero madalas sila ang pumupunta para yayain ako.
"Okey sige! "
Kung sa itchura may ibubuga rin si Andrew. Kayumanggi ang kulay nito at may pag-kakulot-kulot rin ito na bumagay sa bilugan niyang muka. Nag-kakargador ito sa palengke kaya masasabi kung maganda rin ang pangangatawan nito. Isang buwan palang ng makilala ko ito pero alam kung mabuting tao ito, saksi ako sa mga mabubuting gawain nito. Masasabi kung hindi mahirap magustuhan si Andrew marami-rami ring babaeng nag-kakagusto sa kanya. At Kung dumaan ang panahon at handa akong mag-mahal ng iba magiging maligaya ako kung si Andrew ang mamahalin ko at kung matatanggap rin nito ang madilim na bahagi ng buhay ko.
Lumubog na ang araw ng makauwi kami. Dumaan muna kami sa bahay nila andrew. Nag-pumilit kasi itong ihatid ako at dahil naligo ito kanailangan niya munang mag-bihis bago ako ihatid.
"Pupunta akong Tuguegarao bukas gusto mong sumama? "lumapad ang ngiti ko sa sinabi nito. Marami akong naririnig tungkol sa lugar na iyon"Baka hindi ako payagan ni Lola saka wala rin naman akong pera". --Kahit papano binibigyan ako ni lola ng kaunting pera sa ginagawa kung pag-tulong sa kanya pero hindi sapat iyon para mamasyal ako sa ibang lugar.
"Akong bahala sayo, bibili ako ng regalo tulungan mo akong pumili".
Hindi man ako sigurado kung papayagan ako ni lola pero nakaramdam na ako ng excitement para bukas.