Chapter 3

20K 169 1
                                        

"Warning!!! Ang inyong mababasa ay hindi naayon sa mga bata. Ibayong pag-iingat at malawak na pag-iisip ang kailangan"

....

Ang ingay sa paligid ang gumising sakin. Nag-ayos ako ng sarili bago lumabas ng silid. ko.

"Istorbo kayo sa tulog!! "-- singhal ko sa mga kasamahan ko.

"Tanghali na"--- nakatawang ani nila.

Sumabay ako sa almusal. Habang panay ang kuweto nila sa nangyari sa mag-damag.

"Iyong Inchik na sinasabi ni Janice ayon si Mia ang Pinag-diskitahan!!! "--

Napapailing nalang ako habang nakikinig sa mga kuwento nila. Halos tungkol sa trabho at mga kasiping nila ang naging usapan sa hapag.

"May lakad ka? "--si Abby. Pinakabata sa amin.

"Oo! "-

Nag-paalam ako saka tumulak na sa pupuntahan ko. Pag-dating doon malapad na ngiti nila ang sumalubong sakin.

"Ate!! "--

Ang maliliit nilang braso ay pilit pinag-kakasya sa bewang ko. Natatawa ako habang Isa-isa silang ginagawaran ng halik.

"Nag-papakabait Ba kayo rito? "--nakangiting tanong ko.

"Opo"-- sabay-sabay nilang sagot.

Nasa
bahay ampunan ako na siyang naging tahanan ko ng ilang taon bago makipag-sapalaran sa labas nito.

"C--Vanessa! "Tawag ni Sister Grace sakin ng Makita ako"Mga bata ipag-patuloy nyo ang gawain ninyo"-- utos nito saka lumapit sakin.

"Buti naman at nakadalaw ka rito"maligayang ani niya. Yumakap ako rito.

Sa tuwing dumadalaw ako at nakikita si Sister na siyang naging Ina namin. Lihim akong humihingi ng tawad dito sa mga ginagawa ko.

"Ngayon lang po ako nag-ka day off Sister"--

Inakay niya ako papasok sa loob ng ampunan.

Nag-pahanda ito ng makakain.

"Kamusta. Hindi kaba nahihirapan sa trabho mo? "At sa tuwing tinatanong niya ako bumibigat ang pakiramdam ko dahil alam kung mag-sisinungaling nanaman ako sakanya. 

"Ayos naman po. Madalas po akong Over Time"--

May pag-aalala sa muka nito na lalo lang nag-papabigat sa dibdib ko. Ayoko mang mag-sinungaling  wala akong ibang pag pipilian.

Hindi ko gugustuhing malaman niya kung anong klaseng trabho ang ginagawa ko. Hanggat nakalubog ako sa marumung. gawain hinding-hindi ko papayagang malaman nila ang tungkol doon.

"Hindi kaba nag-kakasakit? Kumakain kaba ng maayos"-- Yumakap ulit ako rito. "Kung bakit naman kasi hindi ka nalang rito umuwi pag-katapos ng trabho mo"--

Mariing pinag-dikit ko ang labi ko. Kumurap kurap ako para pigilan ang mga luhang gustong kumawala doon.

"Malayo layo po ang trabho ko rito Sister. Mahihirapan po ako"-- dag-dag ko pa sa mga kasinungalingan ko.

Hindi ko alam kung maisasalba ko pa ang kaluluwa ko sa lahat ng masasamang gawain ko pero ang hiling ko lang. Sana ang mga katulad ni Sister na malapit sakin ay hindi masama sa parusang matatanggap ko mula sa kanya.

The Painter's ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon