"I'm sorry sweetheart! "
Nakatanaw ako sa labas ng bintanang salamin. Papalubog na ang araw pero dahil sa matataas na gusali hindi ko makita ang araw at ang pag-lubog nito sa likod ng bundok.
Nakayakap sakin si Art. Ilang oras na nang umalis ang mommy nito at si Cindy. Hanggang ngayon mabigat parin ang dibdib ko sa mga sinabi nito.
"Prostitute, Bayarang babae, Basura sa lipunan. "Ilan lang sa masasakit na salitang sinabi nito. Hindi naman na bago sakin iyon pero ang masakit sariling Ina ng lalakeng mahal ko ang nag-sabi at gaano man kasakit ang mga pang-aalipustang ginawa niya sakin hindi ko magawang magalit rito. Hindi lang bilang Ina ito ni Art, alam kung gusto niya lang ang makakabuti para sa anak niya.
"I am your mother Archie I know what is best for you.At sinasabi ko sayo ang katulad niyang babae ay walang maidudulot na maganda sayo"
Ang huling sinabi nito bago kami Iniwan ni Art. Alam kung sa ginawang pag-tatanggol ni Art sakin ang simula ng pag-layo nito sa magulang niya.
"Hindi mo dapat sinagot ang mommy mo"mahinang ani ko. "I won't let anyone talking shit's about you Calia even my own mother"
Nakita ko kung paano nasaktan ang mommy ni Art nang sigawan niya ito matapos ng mga sinabi niya tungkol sakin.Hindi ko man nakasama ng matagal ang mama ko nasaksihan ko parin kung paano ito masaktan pag-dating sakin. Kaya ngayon alam kung nasasaktan ang mommy ni Art kaya lalo lang bumibigat ang damdamin ko.
Hindi ko ginustong makapanakit ng iba. Nag-mamahal lang naman ako.
"Dont think on leaving me again Calia"humigpit ang yakap ni Art sakin matapos niyang sabihin iyon.
Mabigat ang pakiramdam kung natulog nang gabing iyon. Akala ko pag-gising ko mawawala na ang mabigat sa dibdib ko pero lalo lang nadagdagan .
"What? Saang hospital!! "palabas na ako ng kuwarto nang marinig ko iyon kay Art"Okey! I'll be there"
Ilang sigundo kaming nag-katitigan ng malingunan niya ako sa pinto ng kuwarto. Lumapit ito sakin"Nasa hospital si Mommy"
"Hah? Bakit,? " gulat na tanong ko. Nilagay nito ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko bago ako ginawaran ng halik sa noo at labi ko. "Dont worry. Pupunta ako doon ngayon. You want to go with me? "agad akong umiling. Hindi ko gugustuhing makita ako nang ibang kamag-anak ni Art baka lalo lang lumala ang sitwasyon at baka mapano ang mommy nito pag-nalamang naroon din ako.
...
"So, you're still alive"gusto kung matawa sa bungad ni Lance sakin mula sa kabilang linya pero sa kabang nararamdaman ko ngayon hindi ko magawang tumawa man lang at mukang napansin niya iyon"Van. may nangyari ba? "
Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. "Shit! Vanessa anong nangyayari sayo? Where are you? "may taranta sa boses nito.
Iniisip ko kung bakit hindi kami nag-tagal ni Lance mabait itong tao at tanggap niya kung anong klaseng babae ako. Kung siya siguro ang makakasama ko hindi siguro ako mahihirapan ngayon wala na itong mga magulang na pipigil samin kung sakali.
"Nag-propose kana ba kay Sam? "tanong ko.
Mahinang mura ang sagot nito na kinangiti ko"Hell! Where are you pupuntahan kita. "siguradong nakasabunot ito sa buhok niya ngayon. "Ayos lang ako, relax!! ""I just heard you crying and your telling me your fine! Wag mo akong gaguhin! Asan ka"
Bago pa ito mabaliw sa pag-aalala sakin minabuti kung makipag-kita rito. Gusto ko rin nang makakausap at mapag-sasabihan ng nararamdaman ko.
"Hey! Sorry, dumaan pa kasi ako sa trabho ni Sam"sinalubong ko ito nang yakap.
"Omorder na ako"ani ko. Pinanood lang naman ako nito seryoso ang mga tingin niya sakin"Now! Start talking"utos nito.
Sinabi ko lahat nang nararamdaman ko pati narin ang tungkol kay Art at kung paano ko ito nakilala.
"Kung angkinin kang asawa niya akala mo kasal talaga kayo, hindi naman pala"inabot nito sakin ang tissue. Hindi ko napigilang maiyak habang nag-kukuwento rito. "Tumigil kana mamaya sabihin nila pinaiyak kita".
"Anong dapat kung gawin Lance? "
"Lalake ako Van, Kaya sa Totoo lang hindi ko alam kung anong dapat sabihin sayo pero sabi mo nga mahal mo siya siguro kung anong satingin mo ang makaka pag-pasaya at makakabuti sa kanya iyon ang gawin mo"
Masaya si Art pag-kasama ako iyon ang palagi niyang sinasabi sakin pero hindi ko alam kung makakabuti ba sakanya kung kasama niya ako. Ayokong lumala pa lalo ang away nila ng mommy niya ng dahil lang sakin.
"Lahat ng problema kayang masulusyunan Van basta may pag-mamahal lagi sa puso natin"
Hindi ko inaasahan ang mga salitang iyon mula kay Lance pero gumaan ang loob ko sa sinabi nito. Hanggat alam kung mahal ako ni Art at ako rin sa kanya lahat malalampasan namin.
"Nandito lang kami ni Sam Van"
Nakakagaan talaga nang loob pag may kaibigan kan matatakbuhan maliban pa sa magulang mo sa mga panahong may pinag-dadaanan ka.
Hinatid ako ni Lance sa building kung nasaan ang condo ni Archie. Pag-pasok ko agad kung nakita si Archie na nag-hihintay sakin.
"Bakit? nandito ka? "Tanong ko ng malapitan ko ito.
Hinawakan nito ang kamay ko at walang imik na pumasok kami sa elevator. Pag-dating sa loob ng condo nito wala parin itong imik.
"Kamusta ang mommy mo? "
"She's fine! "napansin ko ang lamig sa boses nito"May problema ba? "tanong ko ulit. Umiling lang ito na kinakunot ng noo ko. "Art!! "
"Bakit? Kasama mo ang lalaking yun? "
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. "Nag-seselos kaparin ba kay Lance? "Tumabi ako rito sa couch. Agad naman nitong pinulupot ang braso niya sa bewang ko
"I'm not jealous! Takot lang akong maagaw ka niya sakin. Your mine Calia!! ".
Hinarap ko ito. Hinaplos ko ang muka nito pababa sa baba niya. Inangat ko ang muka nito,tinitigan ko ang mga mata nito.
"Sayo lang ako Archie Ybanez!! "
Dahan-dahan kung binaba ang muka ko rito at inangkin ang bahagyang nakaawang na labi nito.
"Mahal na mahal kita Art!! "
![](https://img.wattpad.com/cover/146105531-288-k617097.jpg)