Hindi kami nakapamasyal ni Andrew dahil sa biglaang buhos ng ulan nag enjoy parin akong kasama ito.
Bumili kami ng regalo nito sa pinsan niyang darating. Kumain kami ng "pansit Batilpatong"na sinasabing pinag-mamalaking pag-kain sa Tuguegarao at masasabi kung tama lang na ipag-malaki iyon dahil sobrang sarap nito.
"Dadalhin sana kita sa SM kaso umulan naman"nasa van na kami ngayon. Nag-hihintay na mapano ng makauwi na kami.
"Ayos lang hindi naman iisa ang araw"nasa tabi ng bintana ako nakapuwesto.Umuulan parin hindi nalang ganun kalakas tulad ng unang buhos nito may ilang parte rin ang langit na maliwanag.
Minsa katulad rin ng tao ang langit. Pag-madili ito iyon ang mga panahon sa buhay natin na kinakaharap ang mga pag-subok sa buhay.
Pag-lumiwanag na ang langit natapos na ang dilim sisilay din ang ngiti sa mga labi namin at mapapalitan ng ligaya ang nararamdaman natin pero hindi laging ganon.
Tulad ngayon may madilim at maliwanag na parte ang langit ganun rin ang buhay natin. Maliwanag man ang pinapakita mo sa harapan ng ibang tao sa likod ng mga iyon ang kadilimang itinatago mo.
Iisa man ang langit na nasisilayin natin iba-iba naman tayo ng hinaharap sa buhay.
Nakatulog ako sa biyahe, ginising lang ako ni Andrew ng nasa aparri na kami"Ihahatid na muna kita sa bahay niyo"
"Hindi. Hapon na, mag-kita nalang tayo sa palengke bukas"sauna nag-pumilit parin itong ihatid ako. Alam kung pagod rin ito sa biyahe tulad ko kaya nag-pumilit din akong hindi na ako nito ihatid sa huli pumayag rin ito.
Pag-dating ko sa bahay ni Lola abala na ito sa pag-luluto ng hapunan. Nang makapag-bihis ako tinulungan ko ito.
"Kamusta ang lakad nyo? "kumakain na kami ng tanungin iyon ni lola"Ayos lang po. Hindi kami nakapasyal masiyado kasi umulan doon"
"Ganun ba. Sinagot mo na? "napaawang ang labi ko"Hindi naman po nang-liligaw iyon tao"
''Paano manliligaw e binasted mo naman ata agad"
Hindi ako nag-kumento sa sinabi nito. Totoo kasi iyon.
"Mahirap talaga makalimot lalo na pag-talagang mahal mo pero lilipas ang panahon Calia. Makakahanap ka ng bagong mamahalin mo"
Sana nga dumating ang araw na sinasabi ni Lola. Makahanap man ako ng bago mananatali parin si Art sa puso ko hinding-hindi ko makakalimutan ang unang lalaking tumanggap at nag-mahal sakin.
......
Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko.Dahil sa antok hindi ko na inabalang tignan pa kung sino ang tumatawag.
"Vanessa!!! "bahagya akong nahimas-masan ng marinig ang garal-gar na boses ni Mamang"Mamang. Bakit po? "
Tumayo ako. Nasa kama si lola ayokong magising ito kaya lumabas ako"Ayos ka lang mamang? "tanong ko ng hindi ito sumasagot.
"Bumalik ka rito bukas Van"halata sa boses nitong pinipigilan niyang umiyak"May nangyari ba sa club?"matagal ako sa club at ilang beses ko palang nakikitang umiiyak si Mamang isang dahilan madalas ay ang club.
"Hindi, kailangan mo ng bumalik rito"
Bumilis ang kabog ng puso ko.Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya diba. Nag-lakas loob akong tanungin ang nasa isip ko kahit sobra-sobra ang lakas nang pintig ng puso ko.
"M-may nangyari ba k-kay A-art? "utal-utal na tanong ko.
Hindi agad sumagot si Mamang. Nang-hina ang tuhod ko. Napaupo ako sa sofa"Mamang!! Sumagot ka"
"Walang nangyari kay Art"napahilamos ako sa muka. Nasapo ko rin ang dibdib ko kahit papanoy bahagyang naginhawaan ang pakiramdam ko.
"E, bakit niyo p------"Tumawag sakin si Archie kanina lang dinala raw ang tatay mo sa hospital sumusuka raw ng dugo umabot naman siya k----
Tumigil ito pero rinig ko ang mga singhot nito. Natulala naman ako habang nanlamig ang katawan ko.
"Ayos naman siya diba Mamang? "tumulo ang luha ko.
"Umabot sila sa hospital kaso----- hindi kinaya ng tatay mo! "
Napahagul-gul habang umiiling. Hindi, plano ko itong puntahan sa oras na makapag-trabho ako at sa unang sahod ko pupuntahan ko ito. Paano ko pa gagawin iyon kung wala na siya.
Naputol ang tawag ni Mamang. Nagising rin si Lola dahil sa pag-iyak ko sinabi ko rito ang nangyari. Pareho na kaming umiiyak ng tumunog ulit ang cellphone ko nanlalabo ang mata ko kaya hindi ko naaninag ng maayos ang pangalan ng tumatawag.
"Sweetheart!! "
Lalo lang akong napahagul-gul sobra-sobra ang bigat ng dibdib ko. Hindi na halos ako makahinga dahil sa pag-iyak ko.
Malaki man ang naging kasalanan ng ama ko. Alam kung sobra ang pag-sisisi nito at napatawad ko narin ito. Ang sakit sakit kung kelan ayos na ang lahat saka naman niya ako iiwan gusto ko ito alagaan. Hindi niya man lang ako binigyan ng pag-kakataon na gawin iyon.
Hindi ko nakausap si Art pero alam kung narinig nito ang pag-iyak ko. Nang oras ding iyo nag-impake ako ng gamit ko at lumuwas pabalik ng maynila.
Kelan ba matatapos ang pahirap sa buhay ko. Wala bang karapatan ang tulad kung lumigaya. Pagod na pagod na ako!!!!.
.......
A/N: Last chapter na po ang kasunod. Alam kung bitin po pero ganon talaga. Salamat po sa lahat ng nag-basa at mag-babasa palang.
Ps:Please read my other story" TEACHER PLEASE"
Thankyou.
