Chapter 7

15.5K 171 3
                                    

"Warning!! Ang inyong mababasa ay hindi naayon sa mga bata ibayong pag-iingat ay malakawak na kaisipan ang Kailangan"

....

"You don't need to take off your clothes "

Umikot ang mata ko sa sinabi nito. Nasa kuwarto kaming  dalawa ngayon. Nasa Kama ako habang kaharap naman nito ang Easel at sa tabi niya ang ibat-ibang kulay na ginagamit niya sa pag-pinta.

Pumayag na kasi itong ipinta ako. Nag-bago nga lang ng usapan. Ang akala kung isang linggo ay naging isang buwan na.

Hindi ako pumayag nang una dahil ang usapan ay linggo lang pero nang sinabi nitong hindi ganun kadali ang mag-pinta at sinabi pang babayaran niya ako sa gagawin ko kaya sa huli pumayag narin ako.

"Diba katawan ko ang ipipinta mo paano mo gagawin yun kung may damit ako"Sumilip ito mula sa Easel niya saka masamang tingin nanaman ang pinukol sakin"I'm a painter and I have a imaginative brain so, just lay down so that we can start"Pag-susungit nito bago binalik ang tingin nito sa Easel.

Ginawa ko nga ang gusto nito. Kanina sinabi na niya ang mga dapat kung gawin at posisyon sa kama.

Pinatong ko ang ulo sa braso ko habang nakaunat iyon. Samantalang naka bend ng kaunti ang tuhod ko habang nakapatong ang paa ko sa isa ko bang paa.

"Nakakangawit pala ito! "Reklamo ko ng mag-kakalahating oras na ang nakalipas.

Binaba nito ang brush na ginagamit niya saka tumayo at lumapit sa kama.

"Mamaya na ulit natin ituloy"ani niya saka tumalikod. Lumabas ito ng kuwarto.

Tumayo ako mula sa kama saka nilapitan ang Easel nito. Napangiti ako ng makita ang muka ko doon at kahit halos muka ko palang nakapinta masasabi kung magaling si Art sa pag-pipinta nito.

"You like it?Napalingon ako sa gawi nang pinto ng marinig kung mag-salita ito. Nag-lakad ito palapit sakin saka inabot ang basong may lamang tubig"salamat"

"May art gallery kaba? "Tanong ko saka nilingon ulit ang Easel"Yes! I have"Napatayo ako ng tuwid nang maramdaman ito sa likuran ko.

Tatlong araw palang ako sa condo nito pero pakiramdam ko ang tagal ko ng nakatira doon. At sa mga araw na iyon ni minsan hindi ako nakaramdam ng pag-kailang kay Art.

Habang narito ako pakiramdam ko Malaya ako sa mapang-husgang mundo. Maari kung gawin lahat ng gusto ko nang hindi natatakot.

"Vanessa! "nabalik ako mula sa malalim na pag iisip ng tawagin nito ang pangalan ko.

"Hmmmm? "

Nilingon ko ito. Napahakbang ako paatras sobrang lapit pala nito.

"What are you thingking? "tanong nito. Nakatitig ito sa mga mata ko. Pakiramdam ko nakikita niya ang kaluluwa ko sa titig nito.

"Ammm. Iniisip ko kung ayos lang ba talagang hindi ako bumalik sa club"

Halos sa Club na umikot ang buhay ko simula ng umalis ako sa ampunan. Gustuhin ko mang umalis sa madilim na mundong iyon sa huli natatagpuan ko parin ang sarili kung sumasayaw sa patay sinding ilaw habang nakikita sa bawat mata ng mga taong naroon ang pag-nanasa sa katawan ko. At sa bawat gabing nag-papakasasa ang lalake sa katawan ko kapalit ng salapi na siyang bumubuhay sakin.

"Do you need to? "Tanong rin nito.

"Nandoon ang buhay ko"Ngising ani ko Ambang tatalikuran ko ito ng hawakan nito ang braso ko.

"May ibang buhay sa labas ng Club Vanessa"Inangat ko ang tingin ko sa muka nito mula sa braso ko.

"Anong klaseng buhay ang nag-hihintay sa babaeng katulad ko"may pait na tanong ko.

Ang mata nitong madalas ay masamang tingin lang ang pinupukol sakin ngayon ay malamlam ang mga iyon na parang pinapakita sakin na ramdam rin nito ang saloobin ko ngayon.

"Hindi mo Kailangang maawa sakin Art"Hinawakan ko ang kamay nitong nasa braso ko. Bago ko pa man maalis ang kamay nito mabilis ako nitong hinila  palapit sa kanya. Hinapit nito ang bewang ko saka sinakop ang labi ko.

Nanlaki ang mata ko.

Mabilis ko itong tinulak.

"Archie!! ". Seryoso ang muka nito at sa tatlong araw ko sa condo nito ito ang unang beses na nakita kung ganito ka seryoso ang muka niya.

"Teka! Kasama ba sa trabho kung mag-landian tayo"birong ani ko pero hindi na maampat ang bilis na tibok ng puso ko dahil sa pag-kabigla sa ginawa nito.

"Your not going back to that damn! Club. You're staying with me for now on"

Hindi paman sumisiksik sa utak ko ang sinabi nito sinakop nanaman niya ang labi ko. At di tulad kaninang marahan lang. Ngayon mapusok ang halik nito. Dahil ilang araw narin simula ng may makahalikan ako sinabayan ko narin ito.

Lumalim ang halikan namin. Nakahiga na ako ngayon sa kama at nasa ibabaw ko ito.

"May bayad na pag-gusto mong abutin ang langit"pag-bibiro ko ng bumaba ang halik nito sa leeg ko. Tumigil naman ito at tinitigan ako"Is my bank account enough "Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Kumurba naman sa ngisi ang labi nito.

Hinalikan nito ako noo ko pababa sa ilong at huli ang labi ko. Marahan na ulit ang mga halik niya sakin.Pinulupot ko ang braso ko sa leeg nito.

Sa dami ng lalaking gumamit sa katawan ko at nang-akin sa labi ko. Ngayon ko lang naramdamang hindi pag-nanasa ang ibinibigay na halik sakin at ngayon lang din may-mainit na humaplos sa puso ko habang kahalikan ko si Art.

Gusto ko ang nararamdaman ko ngayon. Sana! ganito nalang lahat nang  pag-kakataon sa buhay ko.

"Will you stay here with me Vanessa? "

Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Gustong-gusto kung tumango rito.

Ito na ang hinihintay kung pag-kakataon para makaalis sa impyernong mundong iyon.

"Okey"

Niyakap ako ni Archie matapos kung sumagot. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero ayoko nang mag-isip pa. Kahit panandaliang panahon lang magiging maligaya ako sa piling ni Archie.

The Painter's ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon