Hindi siya makapaniwala sa kulay ng dugo na umagos galing sa tagiliran nya. Kulay berde ito. Natakot siya sa posibleng mangyari sa kanya tinawag niya si Bambeilina dahil mas malapit ito sa pwesto nya.
Bambei? Tela hindi narinig ng kaibigan ang pagtawag niya dahil lumayo ito para lapitan si March. Ginala nya ang mata sa iba pang mga kasama halos lahat abala at malayo sa pwesto nya tanging sina March at Bambei ang abot tanaw nya ngunit abala ang dalawa parang may pinag-uusapan sila.
May humawak galing sa likod nya dumausdos sa beywang ang kamay nito saka hinila siya palayo sa mga kasama tinakpan nito ng mabilis ang bibig niya gamit ang palad nito. Huwag kang sumigaw dahil kung hindi ihahagis ko kayong lahat sa bangin banta nito. Tinanggal nito ang palad na tinakip sa bibig nya. Hindi siya natakot pakiramdam niya mabuting tao naman ito.
Anong gagawin mo sa akin? Atras nya dinala siya ng babae sa ilalim ng puno malapit lang rin kung nasaan tanaw niya ang mga kasama.
Pss. Nilahad nito ang palad sa harap niya pinakita ang purselas.
Ano ito? Paghawak nya nasuot kaagad sa pulsohan ang purselas. Wow! Automatic humahanga na sabi nya sa babae. Akin ito? Tumango ang babae.
Yumuko siya para titigan ng husto ang purselas na suot. Pag-angat nya wala na ang babae. Nasaan na yun? Bulong sa hangin sabay singhap nya ng malalim. Tiningnan ang tagiliran tumigil na ang pag-agos ng dugo. Kumislap ang purselas na suot nya kasabay ng paghilom ng sugat sa tagiliran. Napansin niya iyun?
Ayon sa sabi-sabi mula kami sa Zombaryo na lumipat dito sa Casal City. Halos usapan iyon sa bawat sulok ng siyudad nagtayo si Ama ng kaharian sa kanluran bahagi ng Andara Zum pinakadulo ng baryo Kwak na pinupugaran ng iba't-ibang klaseng mga Labang ( hindi maipaliwanag ang hitsura ). Nanggagaya ng wangis ang mga Labang wala pang nakakita ng totoong hitsura nila pero naging sentro ng usapan iyon sa buong siyudad. Nagtayo si ama ng kaharian na tinawag na Canvon Kingdom ng lahat. Marami ang bumatikos sa aming pamilya.
Nakarating rin sa kaharian ang pagsumpa ni lord Gadreo sa mga Zombaryo sa hindi malinaw na dahilan simula nun wala na narinig tungkol sa lahi ng mga Zomberus ang huling balita namatay ang kanilang lahi.
Nagulat ang lahat sa paglitaw ng kaharian na malaki pa sa daigdig ng andara zum tinawag ito ng marami na Balanse Palace hugis timbangan ang porma pero naglaho rin ito pagkatapos mabuo.
Pauwi na kaming lahat sa mga sarili namin kaharian nagulat na lang siya sa paghalik sa pisnge ni Natalya sa kanya kami na lamang dalawa ang magkasama pa nagpaalam na ang ibang kaibigan. Tumakbo ito matapos syang nakawan ng halik sa pisnge. Nailing siya sa ginawa nito.
Carri City basa niya sa arc. Nagkamali na siya ng daan lagot na siya kay kuya Chance naglagay pa naman si ama ng bagong patakaran sa amin. Curfew yata nga iyon tawag sa bagong panukala ni ama. Sa gitna ng siyudad nakatayo ang Carrison Palace. Ang hari dito ay si Silvester ama ng kaibigan si March.
Ni minsan hindi kami sinama ni ama kapag mayroon kaganapan dito kaya ang Hari ng Carrison Palace ay hindi nya pa nakita ng personal.
Sinundan niya ang mga kawal patungo sa bundok na sinasabi ng binatilyo na may bagong mukha raw na lumabas sa puting liwanag.
Mukha ( bagong salta ).
Dalawang lalake at isang babae ang nakita nyang hinuli ng mga armadong poliso. Saan sila dadalhin? Kausap nya sa sarili habang nakasunod ang bawat tingin sa tatlong hinuli. Kakaiba ang kanilang kasuotan tela hindi sila taga-rito marahil mga Oyad ang tatlo. Nakasunod siya hanggang piitan kung saan dinala ang tatlo. Nagtago siya sa ilalim ng dayami na nakatambak nong dumaan ang mga kawal palabas.