Ika-limampu't tatlong kabanata

13 1 0
                                    

Secret and mystery

Bumalik ka dito!. Bawal ka riyan! Sigaw at sita kay sinya ni King sadam matapos niya itong layasan ng walang paalam. Naiinis siya sa hari lalo na sa pinagtapat nito sa kanya hindi na ito nahiya sa harapan pa mandin ng asawa nito siniwalat ang buong katotohanan hinggil sa pagkatao niya at kung ano sila dati. Paano na lang kung ipapatay siya ng Reyna ng asawa nito hindi man lang nito naisip ang nararamdaman ng kabiyak. Mabuti na lang pala namatay ako dahil hindi niya maatim maging uliran Reyna at asawa ng haring maraming sekreto. Pauli uling naglakad siya habang may malalim na iniisip. Ano kaya kung gamitin ko ang tanda na nilagay ni keyses upang malaman ko ang iba pang lihim ng Andara zum nang matulungan ko ito ng labis at makabalik siya kaagad sa katawan nito.

Kapag ginawa mo iyan natitiyak kong hindi ka patatawarin ni keyses ani flest. Alam mo kung bakit binigyan niya tayo ng tanda?. Madami tayong magagawang paraan mga espiritu nang wala ang blue blood at lorde. Naging chosen pa tayo kung hindi natin matutulongan ang atin hwaran.

Napalabi siya ng marinig ang pagyayabang nito. Aber! Anong naiisip mong plano? Masubukan nga ang kahambogan nito mahinang bulong niya. Tingnan ko lang kung anong gagawin mo sa oras mapahiya ka ewan ko lang kung makapagyayabang ka pa kay keyses kapag pumalpak ka!. Lihim siyang napangiti nang may maisip ng sariling plano.

Kamusta ang pag-uusap nyo ng Hari? Nasagot ba lahat ang matagal mo ng tanong!.

Oo. Ayos lang!. Balewala kong sagot. Akala ko nga maluluha ako sa sobrang lungkot hindi naman pala!! Idagdag pang higit siyang nainis sa hari. Huwag natin iyon pag-usapan tapos na yun hindi na ako si calathea matagal ng nagwakas ang buhay niya at hindi na ito kabilang sa alaala ko ngayon. Ako na si sinya, isang espiritu walang katawan!? Walang kabulohan kung balikan ko pa ang dating buhay ko wala naman akong maalala lahat ng iyon!.

Tumitig sa kanya si flest inaalam nito kung nagsasabi nga ba siya ng totoo. Nahulaan ko ng gagawin nito iyon sa kanya kaya bago pa nito siya mabasa inunahan niya na. Ano pang naging puso ako ng tubig kung hindi ko din naman ito gagamitin. Ano may nabasa ka ba?

Wala. Nahulaan mong gagawin ko ito sa'yo marahil gumawa ka na ng harang sa sarili mo bago ka pa lumabas ng silid ng hari.

Buti alam mo! Hindi sa lahat ng pagkakataon hayaan kong mabasa ng iba ang laman ng isip ko. Lalo na sa'yo! Hindi ka si keyses para pakialam ang kalaliman ng pagkatao ko!.

Sooner or later malalaman ko din naman iyon! Galingan mong magtago! Bilin nito sa kanya. Kahit iyon ibang detalye ayaw mong pag-usapan natin? Hirit nito.

Haay! Sige na!! Oo na! Sasabihin ko sa 'yo kung ano ang saloobin ko hinggil sa sinawalat ng Hari magtigil ka lang!. Akala ko nung una masasaktan ako ng labis kapag nalaman ko ang totoo kong pagkatao. Iyong teypong teledrama ang estorya kaso hindi naman pala!. Mabuti na lang din pala namatay ako ng mas maaga dahil naging mas napabuti pa ang kalagayan ko sa pangangalaga ni keyses. Sabi ko sabay tapon ng tingin rito. Wala din naman kuwenta ang nalaman ko!. Kaya hindi na dapat pang ungkatin!.

Ibang klase ka din kung mag-isip!. Parang sinasabi mong ayaw mo sa dating ikaw?.

Hindi sa ganun! Naging masuwerte lang ako dahil dun! Narinig mo naman diba dati naalala mo ang sinabi ng bruha sa atin nung nasa peiro gustav tayo. ang pamilya ko ay isa sa naging matapat na taga-sunod ng dayanara sinabi niya din na puwede akong gamitin nito lalo nauna itong naging panginoon ko bago si keyses. Nag-aalala ako para kay keyses paano dumating ang araw na gamitin ako sa inyo ng diyosa dayanara. Anong gagawin ko?.

Malabong mangyari! Siguradong turan ni flest. Sabihin na lang natin si calathea ka dati sa past life mo at isang taga-sunod ang pamilya mo pero hindi na ngayon. Isa ka ng espiritu at hindi basta basta ang kapangyarihan taglay mo, na sa'yo ang puso ng tubig at higit na malakas kay diyosa dayanara. Sinanay tayo maging magiting na sandata at dumaan din tayo sa iba't-ibang klima ng panahon kasama ang nagpili sa atin! Humarap tayo sa labanan umuwing ligtas at dala ang karangalan bilang susi. Nakapasa tayo sa pagsubok ng mga lorde at elan beses natin tinalo ang mga bathalang gustong pumatay sa atin hwaran. Nagsukatan na din tayo ng lakas sa ibang mga kapwa natin espiritu at Idagdag pang makaelan ulit na tayong nagwagi laban sa mga kapangyarihan ng ibang hwaran. Ano pang kinatatakotan mo?. Liban nalang kung binigay mo ang iyong kalahating buhay sa inaalagaan mo ngayon!?.

Chosen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon