Ika-apatnapu't anim na Kabanata

17 3 0
                                    

Vibes:

I-ikaw? Nauutal na bigkas ni saron sa babaeng nasa harap niya. Sampung taon hindi sila nagkita. Labis ang kanyang  pangungulila. Walang paglagyan ng tuwa ang puso niya. Naibsan ang lungkot niya sa matagal na panahon hindi niya nakita ito. Matagal ko itong hinanap, tapos dito ko lang siya makikita sa Zombaryo.

Kilala mo siya? Tanong ni Key nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin dalawa.

Kilalang-kilala. Mabilis itong naglakad patungo sa akin at pumuwesto sa gilid habang hawak ng mahigpit ang kanan pulsohan niya.

Ano ba! Key bitawan mo ako!. Nagtataka na sita niya rito. Iling ang sinagot sa akin. Determinadong wala itong plano na pakawalan siya.

Gumawa ito ng hugis pabilog gamit ang lupa sa pamamagitan ng titig nito.

Anong ginagawa mo? Tanong ko. Hindi siya nito sinagot.

Ilan sandali lang humugis bilog sa palibot niya. At plano siyang ikulong rito.

Hindi niya iyon mapapayagan. Matagal siyang naghintay at nagtiis para lang mapunta din sa wala. Walang sinuman makaaawat sa amin dalawa.

Patawad key kailangan ko itong gawin malakas niyang sabi. Sinabuyan niya ng buto ang puno sa likod nito banda habang abala ito sa paggawa ng harang para ikotan ako. Naamoy ng ugat ang buto na sinaboy niya.

Nangangalit na gumapang sila sa dereksyon ni key. Humigpit ang lingkis nito sa binti ng bata. Humigpit ito ng humigpit ang kapit sa tuwing gumagalaw ito.

Huwag kang kumilos key may halong pakiusap na sabi niya. Hindi ka nila sasaktan kung titigilan mo ang pagpupumiglas mo..

Hindi ka marunong makinig! Naiinis nitong turan. Pareho kayong dalawa ng kuya mo matigas ang bungo. Hibang sa babae!! Mahinang bulong nito habang nakatitig sa akin.

Iniwan ko siya. At naglakad patungo sa babaeng dumating.

Napalabi si key ng makita nito ang ginawa ni Saron.

Hibang nga talaga!! Kausap nito sa sarili.

Yakap niya ng mahigpit ang babae na waring natigilan sa kanyang ginawang pagyakap. Pilit nitong kumakawala sa mahigpit niyang yakap. Asawa ko bigkas niya. Ako ito? Si saron. Kay tagal kong nangulila sa'yo at umasam na makita kayong muli. Salamat kay Alla na muli ka niyang binalik sa piling ko. Lumuluha na sinasabi yun.

Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito. Hindi ko alam ang sinasabi mo? Tulak nito ng malakas at umatras ng dalawang hakbang. Anong karapatan mong yakapin ako at magtahi ng kasinungalingan.

Naniningas ang mata nito sa galit habang nakatingin kay saron. Dama niya ang maitim nitong awra. At ramdam niya ang mabigat nitong bigkas na lumalabas at sinasabi ng mga labi nito, na noon walang sawa niyang dinadampian. Lumalamig ang paligid nila.

Niyakap niya itong muli. Nagulat siya sa mga sumunod nitong ginawa. Mula sa likod niya naglabas ito ng punyal. Handa siyang mamatay sa mga kamay ng babaeng mahal niya, kung ang kamatayan niya ang hihilom ng galit nito ay malaya niyang ibibigay. Hindi niya ipagdadamot maging buhay man niya ang kapalit.

Ano ba, saron. Ibibigay mo sa babae yan ang iyong buhay! Dinig kong sigaw ni key. Naiirita sa pinapakita kong kahinaan.

Kung buhay ko ang magpapatigil sa kanya upang hindi makapanakit ng iba handa kong iaalay kapalit ng maraming buhay. Nakangiti kong sabi rito.

Naluluko ka na! Paano ang anak mo? Sinong maghahanap sa kanya kapag namatay ka dito?. Natigilan siya sa ng marinig ang anak.

Hindi lang sa ina ng anak mo umiikot ang mundo mo!. Paano na siya kapag iniwan mo! Paano mo siya maililigtas kung wala ka na! Paano ka nakasisiguro na siya si tanya?. Mag-isip ka nga! Naiinis na bulyaw ni key.

Chosen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon