Unexpected
Saron POV.
Yah. Sipa niya sa tagiliran ng lalaki. Nakasuot ito ng hood at mayroon takip sa bibig. Nagulat ako dahil sa pag-unday ng ispada nito sana sa leeg ko. Muntik na siya roon kung hindi tumili ang babaeng nasa harapan ko kanina natigbas na ang leeg ko ng lalaki. Buti naunahan ko kaagad ito bago pa muling makaganti sa kanya At dumating din ang kawal mula sa imperyo Bahrain para dakpin iyong lalaki na nagtangka sa kanya.
Pabilhan ako nang ligbos singit nong tao sa may kanan gilid ko. Umupo pa ito sa bakanteng silya habang naghihintay.
Naka-hood at boots ang gayak nito pakiwari niya nasa 5'8 ang taas. Sa hulma pa lang ng katawan isa itong babae. May gloves itong suot sa dalawang kamay. Sinilip niya ng bahagya ang mukha nitong natatakpan ng mask.
Hmm. Ako si saron pakilala ko sa kanya agad sabay lahad ng palad. Hindi nya ako pinansin o tinaponan man lang ng tingin. Pagkaabot nong binili umalis kaagad ito.
Hinabol niya na lamang ng tingin ang palayong babae.
Isang milyon eksakto sambit ni manong tindero. Humarap siya rito.
Isang milyon kaagad ito? Bulalas kong tanong sa tindero.
Ha-ha. Hindi iyan ang aking tinutukoy kundi -bitin nya sa karugtong.
Napakamot siya sa ilalim ng baba habang nag-aabang na dugtongan nito ang sinabi.
Ibig sabihin ni ama eksaktong isang milyon ang bilang na nakapansin sa babaeng bumili ng ligbos ( mushroom ).
Ako ba? Turo ko sa sarili. May special ba sa babaeng iyon ganoon na lamang ang kanilang reaksyon. At saka nagpakilala ako sa kanya dahil bakit nga ba? Napailing siya.
Isang linggo pa lang halos ang babaeng iyon dito sa Bahrain walang nakakilala sa kanya saka hindi din ito nakikipag-usap sa iba parang biglang sumulpot lang!?.. Kuwento nong lalaki. Anak nang tindero. Napansin mo ba iyong suot laging ganoon manamit ang babae tela ayaw ipakita ang kanyang hitsura.
Baka halimaw ang mukha niya kaya nakasuot ng maskara singit nang babae. Nagtawanan ang lahat ng kumakain.
Sinong halimaw? Boses mula sa amin likod. Napanganga siya sa hitsura ng babae.
Ang ganda mo hindi niya napigilan bulalas pagkakita sa mukha nito.
Hindi nito pinansin ang paghanga niya.
Nakalimutan ko ang aking sukli malumanay nitong sabi sa tindero tinapik ng anak ang ama dahil maging ito man ay natulala sa babae.
Pasensiya na nakatutulala ang ganda mo ining hindi ko mapigil ang aking sarili. Saan ka nakatira dito sa Bahrain?
May dinalaw lamang ako dito malapit na kaibigan magalang nitong sagot.
Sa imperyo nakatira ang kaibigan dinadalaw mo kung ganoon.
Natawa ito. Hindi po malayo ang tahanan ng aking kaibigan dito. Aalis na ako baka naghihintay na ito sa labasan.
Labasan? Gulat na sambit ni manong tindero sa huling sinabi nang babae.
Mabilis itong nawala sa maraming tao.
Sa Emirates City siya nakatira ang siyudad ng mga bathalang Duran.
Emirates City? Sambit ko. Ang siyudad na mayroon kalayaan hindi ko inaasahan malapit lamang dito sa Bahrain ang hinahanap kong lugar sa matagal na panahon na aking paghahanap.
Hindi ka maaaring magpunta ginoo sa siyudad na iyon dahil lubhang delikado. Balita na nagkalat sa ilog ang sagradong along ( kabaong ) ng mga namatay na bathala nong unang paglikha. At binabantayan ang daungan ng mga ulupong ( ahas ). Walang sinuman nangahas magpunta sa siyudad na yun kahit pa nakatatakam ang maririnig na balita mula sa loob.