Ika-labing tatlong kabanata

33 10 0
                                    

Mask

Bambei POV*

Nasa Veranda kami ni Rushmore kasama ang ama nila. Naasiwa si Bambei habang nasa harapan ng pamilya ni Natalya hindi niya magawang tingnan man lang kahit sino sa kanila. Niyakap siya ng ama ni Natalya nung nagkita kami sa punong hagdan. Naluha ako matapos niya akong iyakap na hindi ko alam kung bakit!.

Bakit lumuluha ang mahal ko masuyong sabi ni haring Raylan. Miss mo si ama? Hindi siya kumibo sa halip pinagsiksikan niya ang mukha sa dibdib nito habang patuloy na umaagos ang luha ko sa mata.

Pinunasan nito ang luha niya. May problema? Umiling siya habang nakatitig ng mataman sa hari. Kahit kailan hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mayroon ama. Hindi ko mapigilan ang sarili na maiinggit sa iba alam ko naman nasa malapit ko lang ang tunay kung ama. Malaki ang kaibahan nang nakikita ko nga siya hindi ko naman mahawakan. At hindi rin ako kilala. Hindi ko mapigilan isipin na sana ako na lang si Natalya at hindi si Bambei. Nalungkot siya sa isipin iyon lalo nang sumagi si Vier sa balintanaw kong matamis ang ngiti. Ano ba itong iniisip ko?..

Kung nasa katawan ako ni Natalya nasaan ang kaibigan sa mga oras na ito? Iyon ang laging laman ng isip niya habang nasa harap ni kuya Rushmore. Napansin ko ang mataman pagtitig niya, nang tumuon ang tingin ko dito sinalubong niya ang mata ko. Tela may gusto siyang itanong base sa kilos nito. Napaangat siya ng kilay nung dumako muli ang mata niya sa akin. Umingos ako dito, bakit ba? Hindi ko napigil ang sarili na singhalan ito.

Itlog? Alok niya sabay lapag ng plato.

Inangatan ko siya ng kilay ulit. Nag-peace sign siya nang sinulyapan ko siya. Napairap na ako!.

Galit ka pa din? Aniya umalis ito sa upuan niya saka lumapit sa tabi ko. Hoy bunso tapik niya sa likod ko siniko ko siya na mabilis naman napigilan niya. Tela nabasa nito kung ano ang gagawin ko sa kanya. Mabilis kong pinagalaw ang halaman na nasa likod nito para ihampas dito.

Aray!! Daing niya natawa ako sa inarte ni kuya Rushmore hindi ko naman nilakasan ng hampas pero kung umarte ito tela totoong nasaktan. Diyan ka na nga! Iniwan ko siya habang hinihimas ang nasaktan likod.

Arte! Bulong ko nang makalayo dito.



▪️▪️▪️

Natalya POV*

Lalabas sana ako para sumagap ng sariwang hangin kaso tinamaan din ng magaling hindi pa man ako tuluyan nakaalis nakarinig na ako ng tila humahalinghing sa dinaanan kong kwarto. Bumalik ako para silipin kung ano ang nangyayari sa loob. Bukas naman ng bahagya ang pinto kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok. Hindi rin naman kasi sinara ng mabuti para hindi napapasokan nang kahit sino. Lalabas na sana ako nung mahagip ng mata ko ang parating na poliso. Pumuwesto ito sa malapit na pinto kasunod lamang ng pinasukan kong silid. Lagot na!!mahina kong bulong habang nakatuon ang mata sa bawat kilos ng poliso. Mukhang matatagalan ako dito bago makalabas!? Jusmiyo Natalya paano ka makakalabas ngayon?..

Jeran not there Aniya nung boses babae. Tila din hindi naawat ang lalaki sa gusto nitong gawin kahit anong pigil nong babae. Sunod-sunod ang narinig kong halinghing dito. Natabig niya ang Vase na malapit sa akin buti nalang bago pa nabagsak iyon meron ng sumalo nito. Pag-angat niya sa taong iyon nagulat ako. At mabilis din naging kilos nito para takpan ang bibig ko.

Huwag kang maingay alipin sabi nito. Bakit ka narito?

Nainip ako sa kwarto lalabas sana para magpahangin kaya lang din narinig ng teynga ko ang halinghing ng boses babae dito sa silid na ito sinilip ko kung ano iyon!?. Nakakita ako ng bantay na parating kaya pumasok ako rito para hindi nito makita.. eh,ikaw bakit narito ka?

Chosen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon