Ikatlong kabanata

54 16 0
                                    

Barbaros

Napapikit pa ako ng elan sandali saka hinamig ang sarili bago lumabas sa silid. Hindi na siya nagulat na makita si prince Chance sa labas ng kwarto na naghihintay sa paglabas ko. Nagtama ang paningin namin dalawa nauna akong bumaba dahil hindi ko matagalan ang titig nito. Binasa ko ang itaas na labi saka tumikhim para kunin ang atensyon na kina-gulat niya. Lihim siyang natawa sa reaksyon nito.

Nabitiwan niya pa ang hawak na kuwentas na dali-dali naman kinuha saka tumingin sa kanya ng diretso.

May kailangan ka prinsipe chance tanong ko habang titig na titig ito sa akin. Ayos ka Lang? Dagdag na tanong ko pa.

H-hindi k-ko a-alam k-kung a-anong k-kaugnayan n-ni a-ama s-sa'yo o-o n-ng i-iba p-pang h-hari putol putol nitong sabi.

Ha? Natawa na siya. Guwapo talaga ng isang ito pinasadahan niya ng tingin ang nakatikom na labi ng lalake. Yummy!!

Narinig nya ang tikhim nito.

Huminga muna ito ng malalim saka diretsahan inulit ang unang sinabi.

Hindi ko alam kung anong kaugnayan ni ama o ng iba pang hari sa'yo dahil ganoon na lamang ang kanilang reaksyon ng makita ka nila. Sino ka ba? Bakit ganoon na lang ang epekto mo sa mga hari. Tuloy-tulòy na pahayag nito sa kanya.

Lihim na napangiti siya sa lakas ng loob nito na sabihin iyun lahat sa harap ko.

Binigyan ko lang siya ng banayad na ngiti at dumaan sa harap niya. Nilampasan nya ang prinsipe Bubulong-bulong ito habang nakasunod sa likuran ko.

Muli akong lihim natawa ng mabasa ang huling iniisip niya tungkol sa akin.

Ayos na ako sa papuri mo dun sa una , salamat sa'yo pero kalabesan na kung pati puwet ko'y iyong sisisiyatin pa para lang masiguro mo na wala akong tinatagong buntót. Seryuso kong wika iyon sa prinsipe kahit ang totoo gusto kong tawanan ang pinagsasabi niya.

Waring nagulat at nagtaka ito sa tinuràn ko.

Pasensiya na sabay baba ng tingin. Pero paano niya nalaman ang iniisip ko? Mahinang sabi niya pa. Mind reader ba siya?

Tinapik ko siya sa balikat kaya napa-angat ang ulo nito. At tinitigan siya ng matagal. Sa huli napailíng na lang din ako. Halata kasi sa prinsipe ang paghanga sa taglay kong ganda. Kahit na hindi pa ako ganap na dalaga sa paningin ng lahat hindi maikakaéla na maganda siya namana ko ang kagandahan ng aking ina.

Binigyan ko siya ng titig na hindi nya maalala ang sandaling nagkita silang dalawa ngayon. Saka ako naglaho sa harap nito at lumitaw sa harap ng mga hari.

Sabay-sabay ang mga ito nagbigay pugay sa kanya. Ikinumpas ko ang kanan kamay para tumayo sila mula sa pagkakaluhód sa aking harapan. Pinalutàng ko ang mga kagamitan nasa loob ng silid saka inangat ang mga hari upang i-upó sa nakalutang na upuan. Ibig kong kausapin sila sa pamamagitan ng isip na walang ginagamit na bibig at walang lumalabas na tinig, hindi ko magagawa iyon kung hindi sila nakalutang gamit ang kapangyarihan ko. Bakit? Para hindi maamóy at marinig ng ibang mga diyos ang kanyang sasabihin.

Makinig kayong lahat, mga minamahal kong hari ,hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang andara zum ay makakaranas ng kahirapàn at kaguluhan pagkaalis ko hinihilíng kong ang bawat isa sa inyo ay maging handa at maging matatag.

Maraming buhay ang mag-bubuwis at babalotín ng kadiliman ang mundong ito. Wawasakín ang inyong trono hanggang sa walang matira'sa inyong lahat. Sasakupin kayo ng mga kapwa ko diyos at susunod kayo sa kanila para itakwil' kaming lahat sa mundong ito. Tandaàn nyo pagdating ng araw na iyon kahit ang aking pangalan ay hindi ninyo maalala. At pati ako ay sasamahàn kayo at dadanasín ang malupit nyong kapalaran. Marami pa siyang gustong sabihin sana natigil iyon nang bulabugin kami ng malakas na ungol at sigaw ng mga tao mula sa labas.

Chosen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon