Corn
Bambeilina Pov.
Hindi ako prinsesa pero kung umasta daig pa ang isang prinsesa. Isa ako sa lima na paanak ni heneral rodjun sa bayaran babae na minsan nyang nakasiping saka nag-iisang babaeng anak. Walo kaming magkakapatid tatlo ang kuya ko sa tunay na asawa ni ama at tig-iisa naman anak sa bawat nakasiping niya. Namana ko lahat ng ugali ni ina samantalang kay ama kapal ng mukha at pagiging matibay nito lagi kasi akong inakusahan malandi at kaladkarin bata dahil lang sa anak ako nang hamak daw na bayaran babae. Pumatol kasi si ina sa lalakeng may asawa. Ika nga nila tela mauubosan na ng lalake. Pero sino ako para husgahan siya? Wala pa akong muwang nung nangyari yun!!
Hindi kami malapit sa isa't-isa ng mga kapatid kong lalake sa ama hindi rin alam ng sarili kong ama na nag-e-exist ako dahil sa takot ni ina totohanin ng asawa ni ama ang banta nito sa amin. Hindi siya nagkalakas-loob na sabihin ang tungkol sa akin.
Mayroon akong dalawang kapatid na lalake sa ina. Si kuya Euri, matanda siya ng tatlong taon sa akin at Vier ang amin bunso anak ni Presidente Sulad ang pinuno ng buong Casal City. Wala pang isang linggo nang malaman namin na ito ang nawawalang anak ng presidente kung hindi sinabi ni ina sa amin ng mas maaga magmumukha kaming tanga sa harap nito.
Nakatira kami sa Scary Forest sa gitna ng gubat pagitan ng Casal city at winter palace. Walang sinuman may alam na dito kami nakatira lihim yun sa lahat. Sabi nga ni kuya euri para sa safety namin.
Bango niyan ah! Lapit ko kay kuya euri. Anong tawag sa dish na ito? Nilapag niya sa harapan ko ang finish dish na pinagkaabalahan nito lutuin magdamag.
Masarap? Excited na tanong ni kuya.
Natawa ako sa reaksyon niya na hindi ko kaagad sinagot.
Ano na? Kulit niya.
Hindi ko malasahan kuya pwedeng patikim pa sabi ko.
Sarap noh? Aniya. Hindi ako nagsalita puno ang bibig ko. Inabotan siya ng isang basong tubig nito.
Totoo ba na titira ka sa Winter Palace? Umupo siya sa tabi ko. Oo kuya nakiusap si Hera Cielo kay ina.
Pwede mo naman tanggihan mabigat nyang sabi. Magulo sa winter palace at maging sa Casal city alam mo iyan? Kaya pinili natin tumira dito sa Scary Forest para malayo tayo sa gulo tapos ikaw gusto mong lumapit sa gulo aniya. Paano na lang malaman nila ang pagkatao natin!..
Mag-iingat ako saka iiwasan kong lumayo sa gulo kung yun ang inaalala mo kuya-- alam ko na hindi lang yun ang pinag-aalala ni kuya higit pa roon kailangan namin itago ang totoong pagkatao sa lahat para din sa amin kaligtasan. At hindi ko papalitan ang pangalan ko kuya, ginagawa ko ito hindi dahil gusto kong maging tunay na prinsesa. Gagawin ko ito para tulungan sila pagtatapos ko.
Away ulit? Singit ni Huston sa pagitan namin. Wala nang araw na hindi kayo nagtatalo hinggil sa kaligtasan iyan puna niya.
Si kuya kasi ---
Bambei? Saway nito. Nagbigay pugay si Huston sa amin dalawa saka tumuon ang atensyon niya sa akin.
Umupo kami sa bakanteng silya harap lang rin nang lutuan kung saan ni kuya niluluto ang mga dish niya na dinadala sa Carri City.
May talent si kuya sa pagluluto kaya naitayo niya ang Mystic tarot sa Casal city at supply rin siya ng pagkain sa Carri city lalo na sa Falls Town kung saan naninirahan ang mga Tawu. Tinawag nang Carisona na falls down ang village ng mga Half Zomberus dito sa Andara Zum.
Natagpuan mo na ba ang hinahanap mo? Tanong ko rito nung una namin siya nakita nabanggit niya na may hinahanap ito kaya narito siya sa Andara zum para sa Hwaran nawawala. Sa lawak ng daigdig hindi madali maghanap ng taong ayaw magpakita ayon kasi sa kwento niya inalisan ng karapatan at pinakulong ng sariling ama ang hwaran na hinahanap nito sa sariling mundo. Kung sa akin mangyari yun gagawin ko rin ang ginawa ng Hwaran hinahanap nito.