Buwan at ritwal
Nasa kapangyarihan sila ng eslamon gamit ang kapangyarihan ni slight nang biglang mabasag iyon!. At tangayin sila ng hangin sa labas ng Andara zum. Nagkaroon ng hugis bilog sa bawat pader na halos kumulong sa buong lugar. Pinilit nilang makalabas sa pinagkulungon sa kanila.
Anong gagawin natin? Tanong ni Sinya sa mga kasama. Hindi tayo puwedeng walang gawin kailangan kong lumabas rito at kailangan nila ako sa loob.
Reklamo ka ng reklamo diyan eh, bakit hindi ka kaya tumulong sa amin. Nagsama ang mukha ni Sinya sa sinabing iyon ni sterling.
Kausap ba kita?. Tumayo ako mula sa kinauupuan. Pansamantala akong nagpahinga matapos mapagod sa paghampas ng harang sa kanilang apat.
Sabay sabay nilang pinaghahampas ang bilog na harang hanggang sa matibag nila ito.
Sa wakas nakalabas din!. Sabi ni Sinya at sabay gala ng mata. Natuon ang mata niya sa nagkikislapan mga jewel na nakadikit sa pader.
Kinalabit ni Sinya si slight upang ituro ang nakikita ng kanyang mata.
Jewel? Ano at meron ang pader ng ganito?
Isa lang ang ibig sabihin niyan hindi tayo pinapayagan makapasok sa loob ng Andara zum. Binigyan ito ng inkantasyon ng isang Lorde. Amoy Huston ah! Pagkuway sabi iyon sa kanila ni Sterling. Sino kaya ang nag-utos sa kanya na gawin ito tanging mga may lahing fairy land lamang ang may kakayahan magawa ang mahikang ito.
Ang tanong sino ang nag-utos kay Huston? Ang kataas taasan jirayu kaya? Kung siya man anong dahilan? Anong kinalaman ng Andara zum sa heavenu?. Nalilitong tanong ni Rainhart sa kanila.
Marahil ayaw lamang ng kataasan na mangealam tayo sa mga magaganap sa loob.
Hindi maaari! Kailangan kong makapasok sa loob. Sabi ni Sinya sabay lapit niya sa pader. Hinatak naman siya kaagad ni slight bago pa niya naidikit ang katawan.
Pasaway! Dinig niyang bulong ni sterling. Sinamaan niya ito ng tingin.
Siya pang galit!. Tanga ka ba? Tahasan sabi nito sa kanya. Kapag dumaan ka diyan matatapos ang buhay mo!. Saan ka ba galing at hindi mo alam ang pader na likha sa mga jewel ni Huston. Elan boltaheng kuryente ang nakakabit sa mga harang na yan! Palagay mo kapag dumaan ka diyan hindi ka matusta. Mag-isip ka nga! Huwag kang tatanga-tanga! Lalo akong naiinis!!
Sterling? Tawag ni slight rito. Tama na yan awat pa nito sa iba pang sasabihin ni sterling.
Kung hindi tayo sa itaas puwede naman sa ibaba. Ano pang naging bantay butas si slight kung hindi niya magawang mambutas sa ilalim ani ni Rainhart sabay kindat patungo sa kanya.
Ang halay!. Komento ni Sterling. Minsan pa itong tumingin sa kanya.
Lumikha si slight ng malaking butas sa ilalim ng lupa. Pero parang walang nangyayari. Maging ito ay walang magawa at ayaw magbukas ang lagusan sa ilalim ng lupa.
Nang gamitin ni sterling ang kapangyarihan nito walang lumabas. Maging si Rainhart ginamit niya ang kanyang kapangyarihan tela wala din nangyari.
Naramdaman nalang nila ang biglaan pagyanig ng lupa. At sigaw ng buwan tela nangangalit ito habang tinatanaw sila.
May ibig ipahiwatig ang buwan sabi ni Sinya sa tatlo. Nagtapon siya ng tingin roon. Kay bilis nitong magpalit ng kulay.
Nangyari na!! Sabay sabay silang apat nagtapon ng tingin sa bagong boses na kanilang narinig. Nalingonan nila si Randolph kasama nito si Shelaine. At ang iba pang niluwa ng lagusan mula sa loob ng Andara zum.