Ika-dalawampu't walong kabanata

41 13 0
                                    

Love 1

Kasalukuyan

March POV*

Anong problema bulong niya kay pyeloka pansin nya ang matiim nitong titig sa tabi ni diyosa areia tela ba mayroon tao roon. May nakikita ba siya na hindi ko lang nakikita kausap nya sa sarili habang titig na titig rito.

Hindi ba kaibigan mo si keyses? Tanong ni pyeloka sa kanya nagtataka kong tiningnan siya at tumango.

Gaano mo siya kakilala i mean alam mo ba lahat nang tungkol sa kanya hmm where is she now?

Pyel diretsohin mo nga ako ang dami mong paligoy-ligoy sabi ko. Hinagod ko siya ng tingin pailalim.

Aah,si key- naudlot ang sasabihin sana nito nang kawayan ng asawa.

Mamaya na lang anito. Naglakad ito patungo sa asawa nasundan niya ng iling ang paglayo ni Pyel. Binalawela ko ang namumuong hinala sa kaibigan. Imposible naman kung totoo nga iyon naiisip ko! Kilala ko si Pyel hindi siya ganun klaseng tao..

Natuon ang atensyon nya sa pagbukas na lang bigla ng pintuan sa may gilid. Malapit sa kanya. Wala siyang napansin may pumasok sa loob. Ginala niya ang mata sa paligid tela siya lamang ang nakapansin sa nangyari. Sabagay mas interesting pa nga naman pakinggan ang kwento ng mga dayanara at hwaran kaysa ibang nangyayari sa paligid. Halos karamihan gustong makadaupang palad ang mga whiteycon.

Pumasok siya sa loob.

Bumulaga ang masamang amoy sa pagpasok nya. Naitakip ko sa ilong ang balabal na suot. Buti na lang din mayroon ako nito kung hindi kanina pa ako nanghina sa mabahong nasisinghot. Saan ba iyon galing mahinang usal nya. Narinig niya ang alingit ng pintuan bumubukas. Hinanap ng mata nya kung saan iyon banda. Naitakip ko ang kamay ko sa mata dahil sa liwanag na nakasisilaw mula sa bumukas na pinto. Wala akong makitang taong lumabas maliban sa aninong palapit sa kanya.

Tumigil ang anino sa harap ko. S-sino ka? Diin tanong ko sa anino.

Geez ingay mo bakit ka narito bumalik ka sa itaas mahinang sabi nya. Familiar ang boses nya sa pandinig ko? Kilala ko ba ito?..

Hinatak siya palayo sa nakabukas na pinto. Ano ang nasa loob niyon? Turo ko sa kaliwang bahagi. Hindi nya ako sinagot sa halip hinatak niya akong muli bumalik ka na sa itaas diin sambit nya saka ako tinutulak pabalik sa pintong pinasokan ko.

Prinsipe ako ng kaharian sabi ko rito para magtigil ito sa kakatulak sa kanya may karapatan akong mag-stay at pumili right?

Hindi. Wala akong pakialam kung prinsipe o hari ka man sapagkat ang status ng buhay ay hindi lahat para sa inyo at sa lugar na ito ako ang masusunod kapag sinabi kong bumalik ka sa itaas bumalik ka kapag may nangyari sa'yo dito ako---

Lumayo ako at tinakbo ang pinto na sumisilip ang liwanag mula sa labas.

March-- dinig kong sambit nya sa pangalan ko. Nahabol ko ang pagsara niyon bago pa nya ako maabotan nakapasok na ako sa loob at tinangay na ng liwanag palabas.

Namangha si March sa kanyang paglabas. Lagusan? Kausap nya sa sarili. Lumingon siya sa likod kung saan siya lumabas pero wala na ang pintong nilabasan nya. Nagulat sya sa buong paligid halos nang narito ay mayroon buhay. Sinasayaw ng hangin sa ulap ang lahat ng nakikita nya. Dumapa siya para masilayan ng mata ang tanawin sa ibaba. At hindi rin siya matumba at mahulog na lang bigla.

Isang oras din yata siya nakadapa pinagsawa nya ang mata sa mga tanawin natatanaw saka tumayo.

Nabuwal ang lupang tinutungtungan nya dumausdos sya at tuloyan mahuhulog. Mariin siyang pumikit ng mata para hindi makita ang kanyang pagbagsak.

Chosen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon