Mensahe
* After 6 years *
Nakita niya si bell papasok sa silid ni kuya na may tangan sa kaliwang bisig ng puting tela. Tela may pagmamadali sa bawat hakbang nito.
Wala si kuya umalis kasama ni Lorde Huston kuha ko sa atensyon niya.
Ikaw pala prinsipe pyeloka nagbigay galang ito saka inabot ang hawak na tela.
Sulat galing sa Casal city?. Binuksan nya ang nakarolyong tela. Hindi pwede ito? Mahina kong bulong na pinagtakhan ni bell.
Laman ng sulat ang alyansa para sa pakikiisa ng kanilang lahi. Bukod pa roon ay gusto nilang malaman kaagad ang tugon ni kuya bago ang dapít-hapon. Hawak nya sa kamay ang sulat sa tela na paulit-ulit na binabasa na animo'y may magbabago.
Mukhang hindi na makapag-antay ang soon to be father in-law mo Pyel tudyo ni princess Aryana habang ngising-ngisi.
Mangarap sila, ayaw ko sa prinsesang iyun! Bulalas ko. makita niya pa lang ang mukha nun naaasar na siya tapos gagawin ko pang kabiyak.
May kasabihan ang mga mortal na the more you hate, the more you love. Ang swerte mo kasi ikaw ang nagustuhan ni princess bambeilina sa dami ng mga prinsipe na nagkakandarapang maka-sungkit ng matagsing (matamis) niyang oo. .- Sabi sa kanya ng kababata niya.
Isa ka ba dun sikmat niya rito. Nahihiyang yumuko ito sa walang gatól niyang sabi.
Hindi mo ba alam Pyel mga bata pa lang tayo inlab na yang si prince darmus kay princess bambeilina kaso hindi alam ng babaeng iyun at isang manhid din ang prinsesang kanyang tinatangi! Pagbibigay alam nito. At sabay ngisi sa gawi ni darmus.
Lumingon siya sa direksyon ni prince darmus. Pulang-pula ang pisnge dahil sa panlalaglag ng pinsan nito. Nagulat din siya sa nalaman,almost five years silang naging magkakaibigan hindi ko man lang na pansin ang bagay na yun rito?. Lihim siyang napailing at sa huli natawa na din. At sabay tapik niya sa balikat , maghanap ka na lang ng iba sabi ko. Hindi magugustuhan ni haring maragat na iyong ama kapag nalaman niya iyun!.
Ayaw ni haring maragat sa mga taga-casal city dahil sa alitan na matagal ng naganap tiyak tutulan ito kung sakaling mag-kaibigàn ang dalawang lahi. Kaaway ang tingin ng mga gubat sa Casal city maliban sa canvon. Napakalupit rin ang kaharian na pinanggalingan ni Aryana dahil anak ito ni haring Rasco ang haring nag-utos na lipolin ang ibang lahi dito sa Andara zum ganoon pa man hindi iyun naging hadlang sa kanilang magkakaibigan dahil ang importante alam nila kung saan sila nagmula. At higit sa lahat wala silang pakialam sa mga alitan ng kanilang lahi. Pito silang magkakaibigan sa bawat iba't ibang kaharian maliban kay saron.
Si Saron Weather na hindi nila alam kung saan nagmula tanging ito lamang sa kanilang pito ang walang pagkakilanlan. At siya din ang pinakabata sa amin magkakaibigan. May kakayahan itong makipag-usap sa hayop at malaman ang kalagayan ng panahon at higit sa lahat may kapangyarihan din itong magpatubo ng mga halaman sa loob lamang ng limang sigundo na tanging sa mga lorde nya lang nalalaman. Siya din ay nagtataglay ng pinakamagandang mukha.
Si Aryana na mula sa kaharian ng Rakusa sila ang unang kaharian sa labas ng andara zum, bunsong anak at nag-iisang babae sa lahi nila.
Si Darmos naman ay mula sa kaharian ng Piero Gustav ang ikalawang kaharian na malapit sa Carrison palace kung saan namumuno si haring silvester ngunit pinatapon ang kanilang buong lahi sa labas ng andara zum dahil sa pagiging makasarili ng abuelo nito na ama ni haring maragat. Sila ang namumuno ng malawak na Jungle forest.
Si Natalya kaibigan din nila ito mula naman siya sa kaharian ng cuva. Madalas itong inaantok dahil ayon sa nasagap namin balita nagtatayo ang bayan nila ng mga pinagbabawal na gamot. At Immune din sila sa iba't ibang lason.