Golden frog
Pyeloka ( Peyel-o-ka ) Pov*
Dinig na naman niya ang palahaw ng kanyang asawa mula sa silid ng anak namin. 2 months na rin nito iyon ginagawa hindi nya alam kung bakit nagkakaganoon ito. Kailangan na yata nyang e-konsulta ang asawa sa manggagamot ng palasyo. Tila bata ito kung kumilos nitong mga dalawang buwan nagdaan lagi din nitong inaaway ang anak namin kahit hindi siya inaano. At madalas makipaglaro sa mga bata dito sa palasyo kapag hindi sinasali pinalalayas at pinakukulong ang mga kaawa- kaawang bata.
Pinatatawag nyu raw ako kamahalan sulpot at humahangos ng bagong hirang na punong lingkod sa palasyo namin mag-asawa. Limang taon mabilis na lumipas matapos kami ikasal ng aking asawa bumukod kami ng tirahan at tumayo ng bagong palasyo dito sa ilog muerte dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ko at mga nagmamahal sa amin mag-asawa natapos ang pagpapagawa nito bago pa ipanganak ang panganay namin anak. Hindi ko lubos akalain bibigyan kami ng suporta at alipin ng pasaway namin diyosa.
Kamahalan pukaw ng punong lingkod ko. Natawa ako ng bahagya sa hitsura nito. Anong nangyari sa'yo?
Paumanhin kamahalan sa ayos ko. Narinig ko pong tinatawag nyu ang aking pangalan kaya nagmadali akong sumugod dito sa palasyo. Sa katunayan hindi pa ako nagbabanlaw. Meron ba kayong ipag-uutos? Natawa ako hmm! Mamaya mo na lamang sundin ang utos ko pagkatapos mong banlawan iyang mabula-bolang nasa buo mong katawan. Tapusin mo muna ang iyong paliligo 'tsaka ka sumunod sa silid aklatan.
Naiwan akong natatawa. Iyong sulpot naman ng asawa niya galing sa silid ng anak namin.
Ayaw makipaglaro sa akin ng anak natin sumbong nito. Natawa ako. Mahal kuha ko sa atensyon nito.
Hmm!! Sa pinto ng kwartong nilabasan nito ito nakatingin. Gusto mo tayo nalang dalawa ang maglaro dun sa kwarto natin.
Ayaw. Nguso niya saka ibang laro ang tumatakbo dyan sa isip mo tantanan mo ako ibig mo pa yatang doblehin ang paglabas ng anak natin sinabayan nito ng alis. Nahabol nya ito ng tingin habang pababa ng hagdan. Buntis ka Mahal hiyaw niya bago pa nakalapit sa asawa. Sabay haklit niya sa beywang nito habang nasa gitna ng hagdan. Umingos ito sa reaction ko.
Tumango ito. Ikaw kasi hindi mo pinipigil ang iyong pagkamalibog bago matapos ang taon ito baka limang supling natin ang ilalabas ko.
Eh,di ayos marami tayong prinsesa at prinsipe mapupuno natin ang palasyo.
Sa mundong ito kada tatlong buwan lamang ang itinatagal sa pagluwal ng mga babae. Kapag lalaki ang isisilang umaabot lamang ng tatlong linggo ang pagdadalantao ng mga kababaihan. At pagkatapos manganak dinadala ng asawang lalaki ang bata sa harden ng Samparosa para doon alagaan at palakihin ni diyosa linyawan at ng asawa nitong si Dasan. Sila din dalawa ang nag-aalaga sa lahat ng mga anak ng aming mga bathala. Katulong si Starry at ang mga kapatid nitong diyosa. Si Starry din ang nagbibigay at gumagawa ng couple bracelet sa mga batang bagong silang pa lamang.
Hinatid niya ang asawa sa amin kwarto. Okay na ako dito mahal sige na asikasohin mo na ang dapat mong asikasohin. Tiyak abala ka sa mga susunod na araw hindi ba't nalalapit na ang fiesta ng Carrison palace kasama tayo sa pagtitipon nila dun!! Sabik na akong makitang muli si keyses nasabi ni March na lumalaki na daw ito.
Siya nga mahal.
Bakit tila hindi ka makapaniwalang lumaki na ang munting bathala natin tinitigan siya ng asawa ng masama.
Hindi naman sa ganun mahal alam natin lahat kung gaano kakulit at pasaway si keyses tiyak akong sa tagal non hindi nagpakita sa atin nasisiguro kong marami iyon nakahandang laro at kalukuhan plano sa lahat lalo na't labing isang libong taon na siya ngayon. Tiyak na pasasakatin niya muli ang ating mga ulo.