Move
Sinya POV.
Where are we? inclosure basa nya ng malakas sa lapidang nakaukit na inaapakan ni Pyeloka. Ahm, don't move anas ko huwag mong aalisin ang paa mo sabi ko sa kanya. Hinipan niya ang lapida. Underwater palace. No way, lagot tayo harap ko kay Pyeloka.
Underwater palace lang pala balewalang sabi nito. Nang marealize ang ibig na sabihin ko inulit nyang muli ang sinabi sa patanong.
Underwater Palace ang sinabi mo, Calathea? Tumango ako at sumenyas na itikom ang bibig. Huwag mong angatin ang paa mo sa lapida hahanap ako ng pamalit na pamatong dito bilin nya kay Pyeloka saka nagmadaling bumalik sa pinagkulungan nito.
Maingat ang bawat hakbang niya nang hindi makalikha ng anuman ingay na maaaring makagambala sa Sea Dragon.
Sabi ni Arizia nasa ligtas na lugar si Pyeloka pero ano ito, nasa mas delikadong lugar pa kami ligtas ba matatawag ito? Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ito sa amin, marahil tama ito hindi siya ang amin panginoon?. Hindi gagawin ni Key ito sa akin!?. Kapag nagkabutas kahit na maliit ang lapida na inapakan ni Pyeloka tataas ang tubig nawala sa isipan nya na nakapatong lang ang daigdig ng andara zum sa tubig kapag nagkaroon ng butas 💯 % lulubog ito. Mamamatay ang lahat ng mga nilalang dito.
Kapag nangyari iyon lahat kasalanan mo?. Dinig niya sa tinig na nasa kaliwang bahagi ng kulungan. Pinuntahan niya ang tinig na narinig.
Atlanta ikaw ba iyan? Mahina nyang pagtawag sa pangalan ng kaibigan. Tela sigurado si sinya na galing sa kaibigan ang tinig na narinig.
Paglapit niya sa pinto tinulak nya ito ng malakas. Natulala siya sa nakita. Hindi ang kanyang kaibigan ang nagsalita kundi ang hindi pa kalakihan sea dragon. Nawaglit sa isip nya na mayroon kakayahan ang mga sea dragon na manggaya ng ibang boses. At basahin ang bahagi nang nakaraan ng bawat nilalang.
Paumanhin hindi ko entensiyon manggulo sa teritoryo niyo at gambalain ang sinuman narito akala ko lang tinig ng aking kaibigan ang narinig ko. Yumukod siya bilang paghinge ng tawad at nagbigay pugay sa lumapit dito na isa pang dragon.
Kasama mo ba si Arizia tanong nang Dragon nasa likod ko banda papasok ito sa pintuan na nabuksan nya.
H-hindi. Pinapunta niya ako rito para kuhain si Pyeloka dahil dito nya dinala ang Prinsipe.
Nasabi na iyon nya sa amin, nagkalat sa itaas ang lipi ni Diego dumito muna kayo habang magulo pa sa itaas. May mga pagsabog na nagaganap sa itaas. O, ako nga pala si Chi at ang dragon nasa likod mo ay ang aking asawa sya naman si Kit ang anak naman namin ito si Kitchi.
Narito pa ba si Atlanta? Tanong ko sa ginang dragon.
Kung ganoon ikaw marahil si Calathea ang kaibigan ng aming panganay matagal na itong namayapa kasunod mo. Nahimigan niya ang lungkot sa tinig ng ginang.
Pasensiya na ginang Chi hindi ko alam na wala na siya nang dahil sa pagtatanong ko nalungkot kayong muli.
Ha-ha matagal na namin tinanggap ang pagkawala niya sa amin dahil muli naman kaming binigyan ng kapalit nito. Si Kitchi ang bago namin supling mag-asawa.
Hindi na ba kayo tumataas? Umiling sila. Dito na lamang kami sa ibaba madalas naman kaming dalawin ni Giana rito saka binilin nyang huwag kaming umakyat sa itaas dahil nagkakagulo ang Andara Zum ayaw din namin madamay sa galit ni Diyosa Dayanara.
Matagal ng patay si Diyosa Dayanara ni isaman walang nakakaalam na buhay pa ito sabi ni key dati nailibing na ang kanyang labi sa Sagradong Templo.
Kailanman hindi mamamatay ang pinuno ng Iskay-u higit na alam mo iyon Calathea. Kahit pa inalay ni Dayanara Katriss ang buhay niya para sa kaligtasan natin lahat babalik na babalik si Diyosa Dayanara para sa kanyang hangarin. Hindi pa tapos ang paghihigante niya sa angkan ng sumira sa kanyang pamilya.