Kylah POV;
"Hey kylah gising na!"
Ano bayan inaantok pako kakainis naman tong nang gigising.
"Kylah gising na"
"Inaantok pako!!" Sigaw ko pero hindi masyadong malakas
Maya maya pa ay may naamoy akong ayoko talagang maamoy
"Aaaaaachu....." ang sakit ng ilong ko dahil naamoy ko yung pabango ni kuya kevin
"Kuya naman ayoko nga nyang pabango mo" iritang sabi ko
"Gumising kana kasi" sabi nya
"Ano sa tingin mo tulog pa ko sa lagay nato?" Mataray kong tanong
At ang siraulo ngumiti pa haysss kainis talaga.....
"Happy 24th birthday menggay!" Sabi ni kuya kaya napangiti ako
"Thanks kuya asan rigalo ko?" Tanong ko at ngumiti ng malapad
"Laki laki mona rigalo pa" sabi ni kuya kevin
"Edi wag chupiii maliligo nako" pag taboy ko sakanya
"Joke lang mamaya na yung rigalo maligo kana at may pupuntahan tayo" sabi ni kuya kevin kaya napaharap ako
"Akala ko ba dito gaganapin yung party ko?" Takang tanong ko
"Maligo ka nalang dami mong tanong" sabi ni kuya at hinagis sakin yung tuwalya
"Kuya kevin naman eh!!" Sigaw ko nung nakalabas na sya
Kaya ako? Ito dumeretsyo na sa cr at ginawa na ang morning routine ko medyo matagal dahil nilinis ko talaga ng maayons yung sarili ko hahaha..
Pag labas ko ng banyo at napatili agad ako dahil naabutan ko si kuya ken sa higaan ko at may hawak hawak na white dress
"Oh! Sootin mo" sabi ni kuya at hinagis sakin yung white dress na parang kinulang sa tela
"Uyy kuya birthday ko ngayon hindi halloween" sabi ko at sinusuri yung dress medyo manipis nya
"Dami mong sinasabi sootin mo nalang yan" sabi ni kuya ken at lumabas na
Yung totoo may dalaw ba si kuya kevin at kuya ken? Ang sungit tapos ihagis ba naman sakin yung gagamitin ko
Nagsoot nalang ako ng panloob ko at sinuot na yung dress na mahaba sa likod at hanggang tuhod sa harap yung tela
Kasi ako kung papipiliin ako mag hahanda nalang ako hindi yung ganto may pa party pa sila mommy kasi ang may gusto.
Nag add ako ng konting make up at kinuha na yung cp ko para makababa nako
Pagbaba ko mga naka swim short yung tatlong kuya ko. Ano no gaguhan? Dress sakin samantalang pang summer yung soot nila
"Bakit naka ganyan kayo?" Nagtataka kong tanong ng maka baba nako
"Basta wag kanang masyadong maraming tanong" sabay sabay nilang sabi sakin kaya napaatras ako
Kambal ba silang tatlo? Pare parehas na may dalaw grabe
"Teka asan sila mom and dad?" Tanong ko
"Nauna na sa pupuntahan" sabi ni kuya ken
"Saan?" Tanong ko
"Surprise" sabi ni kuya karl
*pokkk*
"Aray naman kuya kevin" daing ni ni kuya karl dahil binatukan sya ni kuya kevin. Haysss kay tanda tanda na mga isip bata parin
"Tanga mo hindi na surprise yon sinabi mo na eh!" Sabi ni kuya kevin at iiling iling pa
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)