Clarck POV;
*Tokkkk*Tokkk*
"Pasok" sigaw ko sabay sara ng bagahe ko
"Bro" napatingin ako sa pintuan at nakita ko si kean
"Oh! Bro aga pa bakit nandito kana?" Tanong ko at pumasok na sya
"Wala tinotopak na naman yung pinsan mo kaya pinuntahan ko pero bro, Sigurado kana ba dito?" Tanong nya
"Wala na akong choice kean" sabi ko at sinukbit yung bag pero bago pa makapag salita si kean may kumatok sa pinto
"Anak may gustong kumausap sayo" sabi ni mom kaya nag taka ako
"Sino po?" Tanong ko at medyo nagulat ako ng pumasok si richard
"Maiwan ko na kayo" sabi ni mom sabay sara ng pinto
"Bakit ka nandito?" Tanong ko
"Gusto kitang makausap" sabi nya at agad kong tinignan si kean
"Sabi ko nga pupunta na ako sa amazona kong girlfriend eh!" Sabi ni kean sabay labas
Naglakad ako papunta sa terace at rinig kong sumunod sya.
"Nandito ako para tanungin ka" sabi nya kaya napatingin ako
"Ano yun?" Seryoso kong tanong.
"Mahal mo pa ba si kyleen?" Tanong nya. Ayoko mang tawagin nyang kyleen si kylah pero wala ako sa posisyon para mag selos
"Bakit kailangan mo pa yang tanungin. Nasayo na si kylah kaya wala ka ng pake alam don" seryoso kong sabi
"Clarck hindi sa iniinsulto kita pero napaka duwag mong lalaki ni hindi mo man lang kayang ipag laban si kyleen." Sabi nya kaya naiyukom ko ang kamao ko
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Aalis na ako kaya masosolo mo na si kylah. Richard pinapaubaya kona sayo si kylah" sabi ko at tumingin sa langit na pasikat na
"Sige aalis na ako" sabi nya at nilagpasan na ako pero bago pa sya makalabas ng pinto agad ko syang tinawag
"Richard!!"
"Bakit?"
"Wag na wag mong pababayaan si kylah. Lagi mo syang pasisiyahin at aalagaan. At lalong wag na wag mo syang paiiyakin katulad nung ginawa ko" sabi ko pero ngumisi lang sya
"Hindi mo na kailangan sabihin yan dahil hindi ko kayang paiyakin si kyleen katulad ng ginawa mo." Sabi nya sabay labas ng pinto
Napaupo nalang ako sa lapag at tinakpan ang mata ko gamit yung braso ko at hinayaang tumulo ang mga luha. Masakit man para sakin gawin to pero ito na lang yung nakikita kong paraan para samin dalawa ni kylah.
"Bro 7am ang flight mo 6:30 na" sabi ni kean kaya agad kong pinunasan yung luha ko at tumayo
Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na. Nadatnan kong umiiyak si mom kaya nasasaktan ako.
"Clarck kailangan mo ba talagang umalis?" Mangiyak ngiyak na sabi ni mom
"Yes mom. I'm sorry" sabi ko at niyakap sya
"Take care son" sabi ni dad kaya niyakap ko na din sya
Papalabas na sana ako ng pinto pero humarap ako bigla kila mom at kean
"Mom, dad, and kean kayo ng bahala kay kylah. Paki sabi sakanya sorry dahil umalis ako ng walang paalam" sabi ko at ngumiti sabay labas ng gate
Sumakay na akk sa kotse at nag umpisa ng umadar yung kotse
"Sir mag iingat po kayo don ha!" Sabi ni manong
"Sige po manong thank you" sabi ko at ngumiti sakanya
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)