Chapter 55 Pregnant?

3.6K 83 0
                                    

Clarck  POV;

1 month later

Isang buwan na ang nakakalipas ng mag pakasal kami. Sa isang buwan na yun ay masasabi kong masaya at mas tumibay kami ni kylah

Pero may ibang bagay na nag bago. Madalas syang busy sa trabaho at madalas na mainit ang ulo kapag naglalambing ako

Anyway nandito nako sa bahay at 7:50pm na mamayang 8 uuwi na si kylah galing trabaho. Saturday ngayon at bukas pare parehas kaming free

Nakapag luto na rin ako at nakapag linis ng bahay. Hindi na kami kumuha ng katulong dahil kaya naman namin ang mga gawain dito

Maya maya pa narinig ko ang sasakyan ni kylah at saktong tapos nako sa lahat ng gagawin ko

Lumapit ako sa pinto at pinag buksan si kylah na sakto namang nasa pinto na rin. Humalik lang ito at nag lakad na papunta sa sala

"How's your work?" Tanong ko habang katabi sya sa sofa

"Katulad ng dati ang daming ginagawa. Tyaka parang ang sama ng pakiramdam ko gusto ko ng mag pahinga babe" sabi nya kaya napa busangot ako

"Hindi ka ba muna kakain? Nag luto ako" sabi ko pero tumingin lang sya sakin at hinawakan yung muka ko at hinalikan ulit sa labi pero smack

"Busog nako babe actually kakakain ko lang" sabi nya sabay tayo at agad na umakyat sa taas

Madalas syang ganyan umuwi. Pagod, masama ang pakiramdam, walang ganang kumain, madalas mang gigil sa labi ko. Pero minsan iniintindi ko nalang dahil totoo naman talagang maraming ginagawa sa kompanya

Hindi na ako kumain dahil nawalan na rin ako ng gana. Agad akong umakyat sa kwarto namin at nakita kong kakalabas lang nya sa cr kaya nilapitan ko sya agad at niyakap, (backhug)

"Babe gusto mo masahe?" Pag lalambing ko pero agad din nyang tinanggal yung kamay ko sa tyan nya

"Wag na babe gusto ko lang talaga matulog ng matulog ngayon. Tyaka mainit yakap ka ng yakap" sabi nya kaya nag taka ako

Sa totoo lang halos sumabog na yung aircon sa sobrang lakas kaya madalas akong giniginaw pero sya ayaw pang mag kumot. Minsan iniisip ko nasapian kaya tong asawa ko?

Pumasok na lang ako sa banyo at agad na nag hilamos at toothbrush. Pag labas ko ng banyo kita kong patulog palang si kylah kaya agad ko itong tinabihan at niyakap

"Babe diba sabi ko mainit" sabi nya at pasimpleng tinanggal yung kamay ko

"Babe naman minsan lang mag lambing. Tyaka ano yung sinasabi mong mainit eh naka todo na nga yung aircon natin" reklamo ko pero tinignan nya ako ng masama

"Wala ako sa mood para makipag lambingan sayo clarck at isa pa mainit talaga kahit nakatodo na yang aircon natin" reklamo nya kaya napahilamos ako sa muka

"Fine!!" Sabi ko at kinuha yung isang unan at niyakap iyon

Tumalikod ako sakanya dahil nakatalikod din ito sakin. Minsan nag tataka ako kung bakit ganyan na ang trato nya sakin. Hindi kaya may pinalit sya sakin? Pero sana wag naman.

Patulog na sana ako ng maramdaman kong may kumakagat sa braso ko. Tumingin ako sa likod at nakita kong kinakagat kagat ni kylah yung braso ko

"Uyy.. babe anong ginagawa mo?" Takang tanong ko at mukang natauhan sya bigla

"A-hhh ha? E-ewan ko nang gigigil kasi ako sa braso mo" sabi nya

"Ano bang nangyayari sayo? Nung isang araw bumakat yung ngipin mo sa kamay ko ngayon kinakagat mo yung braso ko. Yung totoo babe aso kaba?" Tanong ko

I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon