Stacey POV;
Nandito ako sa sala at kumakain ng cookies habang na nonood ng tv. 3weeks na since nung dumalaw kami sa puntod ni kylah. Masakit para samin ang biglaang pag kamatay nya. Maraming nag bago lalo na sa pamilya ni kylah
Ang barkada ay minsan nalang magkita hindi ko alam ang dahilan pero parang pare parehas na kaming walang kana.
Si tiffany na nganak na sya lastweek lang at healthy naman daw yung baby nila. Si clarck at jhilian naman inaayos na ang kasal nila sa susunod na buwan. Kami ni james okay naman kami.
Medyo boring ako dahil tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni james dahil busy daw sya sa trabaho nya kaya tinawagann ko sya
Naka anim na ring din yon bago nya sagutin kaya nag taka ako. Hindi naman sya ganyan sakin
"Hello boo" bati ko
"Hello busy ako" napa awang ang bibig ko ng iyon ang ibungad nya sakin
"Hindi ba pwedeng bigyan mo ako ng kahit konting oras?" Mahinahong tanong ko
"Sorry hindi talaga pwede ngayon dahil busy ako sa kompanya" sabi nya at naririnig ko pa ang mga papel
"Lagi naman diba" sabi ko habang walang gana
"Im sorry talaga" sabi nya
"Anong oras kaba uuwi magluluto nalang ako at dito ka nalang dumeretsyo" paglalambing ko
"Try ko boo sige na mamaya nalang" sabi nya at magsasalita pa sana ako ng patayin na nya ang tawag napa roll eyes nalang ako sa inasta nya
Wala akong ginawa buong mag hapon naka tanga lang ako sa bahay yung bake shop ko pinaubaya ko muna sa tauhan ko
Wala akong kasama ngayon dito sa bahay kaya dito muna dumederetsyo si james dahil nasa calif. Ang mga magulang namin si paul kasama din nila mama
8pm na wala parin si james pero nag antay parin ako dahil pinagluto ko sya ng paburito nyang ulam. Umabot ang pag hihintay ko ng 12am kaya kumain nalang ako mag isa
Saktong pag tapos kong kumain ay dumating na si james dahil rinig ko ang sasakyan nya sa labas. Umupo lang ako sa sala at inaantay na pumasok sya. Bumukas ang pinto at bumungad si james
"Bakit ngayon ka lang?" Mataray kong tanong
"Sabi ko sayo kanina busy ako diba" sabi nya at nilapag ang bag sa sofa at niluwagan ang necktie nya
"Alam ko yon pero nag txt ka ba na hindi ka agad magkakauwi? James nag antay ako ng mahabang oras!" Sigaw ko sakanya
"Hindi ko na naasikaso yon dahil may kailangan pa kaming habuling mga projects!!" Sigaw din nya pabalik kaya napapikit ako at tumingin sakanya
"Grabe naman yon james kahit sabihin mo lang na hindi ka makakauwi agad mahirap bang gawin yon?" Tanong ko at nakita kong napahilamos sya ng muka
"Stacey pagod ako at wala akong oras makipag away sayo" sabi nya at tinanggal na ang coat nya
Tumayo ako at aamang hahakbang na sa hagdan ng mag tanong sya
"Saan ka pupunta?" Tanong nya
"Sa impyerno gusto mo mauna?" Mataray ko ding tanong sakanya at pinag patuloy na ang pag akyat at dumeretsyo sa kwarto namin. Yes kwarto namin nagtatabi na kami sa iisang higaan pero wala pang nangyayari samin
Humiga na ako sa kama at maya maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto at naramdaman kong humiga na sya dahil umalog ang higaan namin. Nakatalikod ako sakanya at inaantay ang pag suyo nya sakin pero wala tumingin ako sakanya at nakatalikod din sya sakin at sarap na sarap sa pag tulog
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)