Jhilian POV;
*Kringggg*Kringggg*
"Hello sis" sabi ko nung nasagot kona yung tawag
"Hello sis where are you na?" Tanong nya
"Palabas na" sabi ko sabay patay ng phone
Bumaba na ako at nadatnan kong inaayos ni clarck yung long sleeve nya
"Hey hon ingat ka work ha!" Sabi ko habang inaayos yung necktie nya
"Magingat din kayo ni morgan sa mall" sabi nya at ngumiti sakin
"Yes hon bye na iloveyou" sabi ko sabay smack sakanya
"I love you too take care" sabi nya kaya lumabas na ako na may ngiti sa labi ko
May bunga rin pala ang ginawa ko. Naging close ako sa barkada at lalo akong minahal ni clarck
Pumasok na ako sa kotse ni morgan at nakita kong may katxt sya
"Sis busy?" Tanong ko
"Punta muna tayo sa ospital sabi ni tita karen" sabi nya kaya nag taka ako
"Bakit naman tayo pinapapunta ni mommy don?" Takang tanong ko
"May sasabihin satin si tita Chelsie" sabi nya
Si tita Chelsie yung doktor na kasabwat ko sa lahat at kapatid sya ni daddy pero namatay na si dad
Pinaandar na ni morgan yung kotse papunta sa clinic ni tita. Bakit nya kaya kami pinapapunta -,-
Maya maya pa ay nakarating nadin kami ni morgan sa clinic ni tita. Nasa labas palang ng pinto kitang kita kona sya
"Bakit mo ba kami pinapunta tita?" Irita kong tanong
"Pumasok muna kayo" sabi nya at binuksan ang pinto kaya wala na kaming nagawa kundi pumasok
Sinarado ni tita yung pinto at umupo kami sa sofa at tinignan kolang sya
"May kilala ka bang kyleen?" Deretsyong tanong ni tita
"Wala akong kilalang kyleen" mataray kong sabi
"Kung hindi mo sya kilala bakit kilala ka nya?" Takang tanong nya
"Aba malay ko" sabi ko
"Tita yan lang ba sasabihin mo aalis na kami?" Tanong ni morgan
"Yung kyleen na yon tinatanong sakin kung totoo ba talaga yung cancer mo" sabi nya kaya napa tingin ako sakanya
"Anong sagot mo sakanya?" Seryoso kong tanong
"Hindi ko sinabi sakanya yung totoo" sabi nya
"Good aalis na kami" sabi ko at palabas na sana ako ng pinto ng mag salita ulit sya
"Kapag nalaman daw nya ang totoo papatayin ka daw nya" sabi ni tita kaya napako ako sa kinatatayuan ko
Bigla kong naalala yung sinabi sakin ni kylah bago sya mahulog sa bangin
One day i'm gonna kill you , I promise
Yun agad ang naisip ko pero imposible patay na sya at kahit sino ang mahulog don ay walang pag asang mabuhay
"Sabihin mo sakanya, hinding hindi nya yun magagawa" sabi ko at hinatak kona si morgan palabas ng clinic ni tita at pabalang syang pinasok sa loob ng kotse
"Akin na yung susi ako nalang mag dadrive" sabi ko at agad din nyang binigay sakin
Agad kong pinaandar yung kotse at nag drive papunta sa mall
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)