Kylah POV;
"Otw nako wait mo ko babe" sabi ni clarck sabay patay ng tawag
Kinuha ko yung bag ko at humarap sa salamin. Inayos ko muna yung uniform ko at dumeretsyo sa baba
It's been 2weeks nung nagpropose sakin si clarck and next month na agad yung kasal dahil bakit pa daw patatagalin diba
"Goodmorning mom and dad" bati ko sabay yakap sakanila
"Kumain ka muna anak" sabi ni mom kaya sumabay na ako sa pagkain
"Rrrrrrr......!!!" Napatingin ako sa hagdanan at napangiti dahil nagtatakbuhan pababa ang mga puppies ko
Pero nag taka ako dahil papunta sa sila sa pintuan pero hinayaan ko nalang at pinag patuloy ang pagkain ko
"Babe diba sabi ko sayo wag mo silang palalabasin" napatingin ako sa pintuan at nakita kong hawak hawak nya yung mga tuta
"Oh! Clarck kumain ka muna maaga aga pa naman" sabi ni mom at pinakuha ng plato sa maid namin
Umupo sa tabi ko si clarck at sumabay narin sa pagkain namin
"So sino nag aasikaso ng invitation nyo?" Tanong ni mom
"Nagpapatulong po kami kila daphne kasi wala naman po silang masyadong ginagawa" sagot ni clarck
"Ah! Bukas kana pala mag susukat ng gown kc anak tyaka bukas narin yung Stag Party" paalala ni mom
"Opo mom sila tiffany po yung kasama ko sa pagsusukat" sagot ko sabay inom ng juice
"So tita ,tito mauna napo kami ni kc" pagpapaalam ni clarck
"Sige mag ingat kayo anak" sabi ni mom kaya lumabas na kami at dumeretsyo sa kotse ni clarck
Nang makapasok kami sa kotse nagtaka ako kasi hindi parin nya pinapaandar
"Babe?" Tawag ko
Tumingin sya sakin at ngumiti sabay kuha ng kamay ko at hinalikan iyon kaya napangiti narin ako
"Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero sana kung panaginip man to ayoko ng magising. Parang kailan lang ang daming dumating na problema satin pero ito tayo ngayon ikakasal na" ngiting sabi nya
"Babe ayoko ng drama please malelate napo tayo" pagbibiro ko kaya napangisi sya kaya pinaandar na nya agad yung kotse
Tumingin ako sa bintana at napangiti. Akala ko noon wala na talaga kaming pagasa ni clarck pero ito kami ngayon inaayos ang invitation para sa kasal
Maya maya pa ay nakarating na din kami sa tapat ng building namin kaya tinabi lang ni clarck yung kotse nya
"Babe!" Tawag nya kaya napatingin ako
"Susunduin kita mamaya may pupuntahan tayo" sabi nya kaya nag taka ako kasi seryoso yung muka ny
"Saan?" Takang tanong ko
"Kung saan nakakulong si Jhilian" sabi nya kaya natigilan ako
"Bakit tayo pupunta don?" Tanong ko
"Nung nakaraan daw may nag tangkang patakasin sya buti nalang at nakita agad yun ng mga pulis" seryosong sabi nya
"Sige intayin kita mamaya take care babe" sabi ko at balak ng bumaba ng hatakin nya yung kamay ko
"Kiss ko?" Nakakunot ng tanong
"Mamaya na" sabi ko pero mas kumunot yung noo nya
"Sige na kiss ko magiging asawa na kita kiss lang hindi mo pa mabigay" pagmamaktol nya kaya lumapit ako at hinalikan sya pero smack lang para matigil
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)