Kylah POV;
Nandito ako sa kwarto ko at nakahiga. Kanina pa ako gising pero hindi pa ako tumatayo.
Katabi ko ngayon si alexa at si alexis sa kama at tulog na tulog ang dalawang. Tinignan ko yung dog tag nila. Hindi parin yun nababago clarck parin yung nakalagay
*Tokkkk*Tokkkk*
Bumukas ang pinto at nakita ko si mom na nasa labas
"Anak nasa baba ang mga kaibigan mo" sabi ni mom kaya napaupo ako
"Sige mom susunod ako sa baba" sabi ko at ngumiti lang sya sabay sara ng pinto
Nagising yung dalawang aso kaya pinagdidilaan ako. Ang laki na nila at sobrang bigat na talaga
Tumayo muna ako at dumeretsyo sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush
Nang makalabas ako ay nag haharutan yung dalawang aso. Naalala ko pa dati nung lagi naming nilalaro ni clack yung dalawang aso
Hindi ko ba nasasabi sainyo na buntis tong isang chowchow? Hahah ang laki na nga nung tyan nya naunahan pa ako
"Babies.... come kay mommy" sabi ko at lumapit sila sakin
Tumayo na ako at dinala silang dalawa pababa. Pag baba ko y nagulat ako kasi kumpleto ang barkada. Si stacey,tiffany,james,ashton at syempre si clarck
"Hey babies come kay daddy" nagulat ako ng sabihin yun ni clarck at agad ding lumapit yung dalawang aso kay clarck
Napangiti ako kasi ang cute nila tignan hahaha...
"Matunaw si clarck anak" bulong ni dad sa likod ko pero tinignan ko nalang ng masama
"Hey bes sama ka samin" sabi ni stacey
"Saan?" Tanong ko
"Sa Enchanted" sabi ni ashton
Pag ka sabi ni ashton non naalala ko yung pagpunta namin don. 3years ago sobrang saya namin non at halos mag kanda hilo yung mga lalaki
"Game ako jan" sabi ko at biglang napatingin sakin si clarck at nginitian lang ako. Aba syempre binawian ko din ng ngiti
"Ibalik ang nakaraannn......" napatingin ako kay james na kumakanta
"Sa iyong ngiti....." kanta naman ni ashton
"Falling in love....." napairap ako nung kumanta na si tiffany
Ano to? Mga epal kahit kelan
"Mga abnormal kayo no?" Tanong ni clarck habang hinhimas yung mga aso
"Whooooo!!! Bakit kasi hindi mo na ami---
Hindi na natapos ni ashton yung sasabihin nya ng takpan ni clarck yung bibig nya
"Sige kylah mag ayos kana antayin ka nalang namin" sabi ni clarck at biglang tinignan ng masama si ashton
Umiling iling nalang ako at lumapit kay dad at mom para yakapin sila
"Kakain ka pa ba dito anak?" Tanong ni mom
"Siguro mom mag da-drive thrue nalang kami" sabi ko at kumuha ng cookies sa plate
Umakyat na ako sa kwarto at dumeretsyo agad sa banyo. Hindi ko alam pero napasandal ako sa pinto at naramdaman kong nagiinit yung pisngi ko
"Ang lakas talaga ng tama ni clarck" sabi ko sa sarili ko at sinimulan na ang morning routine ko
Nagsoot ako ng high waisted short na white at nag crop top na pink. At nag flate shoes nalang ako
Pagbaba ko aba lumapang na ng cookies ni mommy. Kanya kanya sila ng pwesto
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)