James POV;
Akala ko noon magisa nalang ako sa buhay. Akala ko wala ng kwenta yung buhay na meron ako. Akala ko hanggang pag patay nalang ng masasamang tao ang magagawa ko.
Pero ang lahat ng akala ko napalitan ng sana nung dumating na sa buhay ko ang isang babaeng nag pabago sa lahat ng bagay na meron ako
Sana hindi na sya mawala sakin. Sana magkaroon ako ng masayang pamilya kasama sya. Sana tumanda ako na kasama sya at ang magiging anak namin.
At ang mga sana na yon ay alam kong matutupad na dahil ito ang araw na magiging isa kami. Ito yung araw na matagal ko ng inaantay. Ito ang araw na haharap kami sa diyos. Ito ang araw na mangangako kami sa isa't isa. At ito ang araw na papakasalan ko sya
"Hey kuya are you ready?" Ngiting tanong ni jaimy sakin
"I'm always ready jaimy" sabi ko at inayos yung coat ko
"Masaya ako para sainyo ni stacey anak" sabi ni mom at parang maiiyak pa
"So pano anak mauna na kami sumunod ka nalang sa simbahan" sabi ni dad at tinap yung balikat ko
Lumabas na sila at napaharap ako sa salamin. Napangiti ako noon pinapangarap ko palang ito pero ngayon ito na ako papunta sa simbahan kung saan kami ikakasal.
Nakakainis lang bawal daw kasi tawagan si stacey sa simbahan na daw talaga kami mag uusap.
Stacey POV;
"Mah naman wag kang umiyak" reklamo ko dahil iyak ng iyak si mama
"Ang saya saya ko lang kasi anak ikakasal kana" sabi ni mama at nagpunas ng tissue
Haysss naka tatlong malaking tissue na si mama pero hindi parin sya tumitigil sa pag iyak
"Mah masasayang yang make up mo tahan na kasi" sabi ko at nagpunas din ng luha
"Mah tara na sa simbahan" pagaaya ni paul
"O sige na nga. Anak sumunod ka agad don ha!" Sabin ni mama at lumabas ma sila ng pinto
Aba malang susunod agad ako dun syempre ako yung ikakasal chosss...
"Mam stacey pwede nyo na pong sootin yung wedding gown nyo" sabi nung make up artist ni mama at lumabas na
Tumingin ako sa likod ko kung saan nandon ang gown na sosootin ko. Napangiti ako at hinawakan yung tyan kong 1month pregy
"Hi baby si mommy to ikakasal na kami ng daddy mo. Mas nauna ka pang nabuo ah!" Sabi ko at naramdaman na may tumulong luha sa pisngi ko
Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Noon lang nung bata pa ako nangangarap lang ako na makaalis sa poder nila papa at nila kim
Sinuot ko na yung gown ko at humarap sa salamin. Ito na to wala ng atrasan
*Tokkkk*Tokkkk*
"Mam stacey may gusto pong kumausap sainyo" sabi nung maid namin
At unti unting pumasok ang matagal ko ng gustong makita. Ang matagal ko ng gustong mayakap
"Anak!" Maluha luhang sabi ni papa
"Papa" sabi ko at lumapit sakanya para mayakap sya ng mahigpit
"Sobrang namiss kita anak sana napatawad mo na ako sa lahat ng kasalanan ko sainyo ng mama mo" sabi nya at parang nadudurog ang puso ko dahil umiiyak na sya
"Pah matagal na kitang napatawad" sabi ko at pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko
"Masaya ako para sainyo ni james at masaya ako dahil mag kakaapo ako sa pangalawang beses" sabi ni papa kaya napakunot yung noo ko
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)