Kylah POV;
*Tokkk*Tokkk*
"Anak nasa baba na si richard" sabi ni mom nung nabuksan na nya yung pinto
"Sige mom paki saglit lang po" sabi ko habang nag aayos ng belt ng dress ko
"Sige anak" sabi ni mom at sinara na ulit yung pinto
Magiisang buwan na akong nandito simula nung umuwi ako. Napangiti ako sa salamin. Sa kahabaan nga naman ng paghihirap ko lalabas din ang totoo. Pero napawi ang ngiti ko dahil magiisang linggo na. Magiisang linggo ng hindi ako kinakausap ni clarck, hindi kaya gumive up na sya? :-(
Dinala kona yung bag ko at bumaba. Pagbaba ko ay naabutan kong nagtatawanan sila mom and dad kasama nila si chad.
"Oh! Anak buti natapos kana kanina ka pa inaantay ni richard" mahingal hingal nyang sabi
"Alis na kami na po kami dad, mom" pagpapalaam ko
"Sige ingat kayo" sabi ni dad biglang niyakap sa likod si mom
Lumabas na kami ng bahay at pinag buksan na nya ako ng pinto at umikot sya para makasakay na sa driver seat.
"Bakit kayo tawanan ng tawanan nila mom kanina?" Tanong ko nung nag simula na syang mag maneho
"Kinwento lang nila sakin kung paano naging sila" ngiting sabi ni chad
"Tsk! Mga baliw talaga" bulong ko
Papunta kami sa Bar ni chad sa Red Dwarf sabi ko kasi boring sa bahay kaya kakanta muna ako.
"Kyleen" tawag nya sakin kaya napatingin ako sakanya
"Bakit?" Tanong ko
"May itatanong ako sana sagutin mo ng maayos" sabi nya kaya medyo kinabahan ako don
"S-sige ano ba yon...?" Tanong ko pero hindi ako nakatingin sakanya
Mas kinagulat ko ang pag hawak nya sa kamay ko. Yung kaliwang kamay nya nakahawak sa manibela yung kanan nya nakahawak sa kamay ko.
"Mahal mo ba ako?" Nanigas ako sa tanong nya
"A-ano bang t-tanong yan" sabi ko pero hindi talaga ako makatingin sakanya
Maya maya pa ay binitawan na nya yung kamay ko
"Mamaya na natin yan pag usapan nandito na tayo" sabi nya kaya napatingin ako sa harap oo nga nandito na kami
Bumaba sya at pinag buksan na ako ng pinto. Pag pasok palang namin ay ang dami ng tao
"Hi mam kyleen" bati sakin nung bartender ng makarating kami sa counter
"Hello" bati ko din at ngumiti
"Bigyan mo nga ako ng hard" sabi ni chad habang nakaupo pero hindi samin ang tingin nya
"Sir ito po" sabi nung bartender sabat abot sakanya ng baso at may yelo nadin
"Chad punta muna ako sa back stage" sabi ko
Paalis na sana ako ng bigla nyang hawakan yung kamay ko at tumayo sya
"Sasamahan kita alam ko kung ano yung ginawa sayo ni adrian" sabi nya at hinatak na ako papuntang back stage
Sana malayo palang kami ay kitang kita na sa pintuan ang mga kakanta mamaya
"Hi sir richard" malanding bati nung bakla
"Hinatid ko lang si kyleen dito" seryosong sabi nya
Bakit ganon kanina tawa pa sya ng tawa ngayon ang seryoso na ng muka nya. Hindi ako sanay na ganto sya
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)