Stacey POV;
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may umiikot sa loob ng tyan ko kaya napangiti ako. Sya lagi yung alarm clarck ko tuwing umaga dahil lagi syang sumisipa sa tyan ko
"Goodmorning boo, breakfast in bed" sabi ng napaka gwapo kong asawa at inilapag yung tray sa harap ko
Umupo ako at nagstart ng kumain. Medyo naiilang ako kasi nakatingin sya sakin habang kumakain ako
"Ang takaw mo boo" sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Baka nakakalimutan mo dalawa kaming kumakain" sabi ko at pinag patuloy nalang ang pagkain ko
"Kain lang kayo ng kain ni baby para pag labas ng baby natin healthy sya" sabi nya at hinawakan nya pataas yung buhok ko para makakain ako ng maayos
Natapos ako sa pagkain at iniligpit na nya iyon. Aalis kami ngayon dahil linggo pupunta kami sa bahay nila kc
"Boo help po" sabi ko at akmang tatayo na ng tulungan ako ni james
"Boo ako na kaya mag paligo sayo" sabi nya kaya nainis ako
"Boo buntis ako hindi baldado" inis kong sabi kaya natawa sya
"Hindi ko naman sinabing baldado ka ang gusto ko lang maalagaan at matulungan kita" sabi nya habang nakasandal sa pintuan ng cr
"Boo kaya ko na to ha! Intayin mo nalang ako sa baba" sabi ko at sinara na ang pinto
Ginawa kona ang morning routine ko at tyaka ako bumaba at nadatnang nakabihis na ang asawa ko
"Boo okay kana ba?" Tanong nya at nginitian ko nalang
Kabuwanan ko na ngayon pero hindi pa namin alam ang saktong araw kung kelan ako manganganak
Girl ang baby namin ni james kaya tuwang tuwa ako. Iniisip ko na sana kamuka sya ni james para kapag wala yung asawa ko sa anak ko ibabaling yung pagkamiss ko kay james
Sumakay na kami sa kotse namin at nag drive lang ng malumanay si james dahil maselan ang pag bubuntis ko
"Arayyyy" daing ko dahil sumipa na naman si baby
"What's wrong boo?" Tanong ng asawa ko habang hawak yung kamay ko pero nasa daan parin yung tingin nya
"Sinipa na naman ni baby yung tummy ko" naka simangot kong saad pero ngumiti lang sya at hinawakan yung tyan ko
"Baby wag mong pahirapan si mommy ha! Behave kalang sa loob ng tummy ni mommy" sabi ni james kaya napangiti ako
Kahit kelan hindi nya ako pinabayaan simula nung nabuntis ako hanggang ngayon na malapit ng manganak
Isang buwan nalang at ikakasal na sila kc sa wakas at matutuloy na ang gusto naming lovestory para kay kc at ck
Maya maya pa ay nakarating na din kami sa bahay nila kc at kitang kita ang limang kotse na nakaparada dun sa garage nila kc
Pinarada nalang namin don ang kotse at bumaba na. Nasa labas palang ay rinig na ang sigawan ng mga bata at tawanan ng matatanda charotttt hahaha
Pumasok na kami at nadatnan namin sa kusina ang girls at nasa sala ang mga boys at ang cute tignan ng mga bata dahil naglalaro laro lang sila
"Bes!! Ang tagal nyo ah!" Sigaw ni tiffany at bumeso sakin
"Natural na mabagal buntis ako eh!" Reklamo ko at nakipag beso pa sa ibang barkada at kila tito at tita
Dumeretsyo kami sa side pool dahil doon nalang daw kami kakain magbabarkada. Yung mga kids nandoon sa sala naglalaro kaya wala kaming masyadong intindihin
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)