Chapter 52 Wedding Reception

2.7K 82 0
                                    

Clarck  POV;

Nandito kami sa resort kung saan dito ginaganap ang wedding reception

May mga singers na nadito. Sila stacey at tiffany kumanta din sila kanina. Lahat kami ay nag sisikainan na. Nasa harap namin lahat mga ninong at ninang, abay, mga made of honor,at syempre ang best man ko si james

"Bes ihagis mo na yung bride's bouquet" sabi ni tiffany at agad namang tumango si kylah

Inalalayan ko syang makatayo at lahat ng babae ay mga naka kumpol sa likod ni kylah

"1.......2.......3......" sabi ni kylah at agad na hinagis iyon

Laking gulat ko ng makitang si daphne ang naka salo non

"Daphne!!" Sigaw ko pero nag peace sign lang sya. Ang kulit talaga ng babaeng to

Nag simula ng kumanta yung singers na mga pinsan ni kylah at inalalayan ko sya para isayaw

"Babe are you happy?" Ngiting tanong ni kylah

"Anong klaseng tanong yan babe. Syempre sobrang saya" sagot ko habang dahan dahan kaming nag sasayaw

"Alam mo hindi ko talaga inaasahan tong kasal natin noon. Kasi isipin mo ha! Napakarami nating napag daanan na problema" sabi nya at kita ko ang chocolate sa gilid ng labi nya

Tinitigan ko lang sya. Hinding hindi ako mag sasawang titigan sya kung okay nga lang araw araw nalang kami mag titigan sa bahay hahaha

"Uyy bakit ka nakatingin sakin?" Takang tanong nya kaya natauhan ako

Pero ngumiti lang ako at agad na hinalikan yung labi nya para mawala yung chocolate sa gilid ng labi nya

"Yuckkkk PDA nyo" napatingin kami sa bumulong at kita ko ang pag ngiwi ni kevin

"Bleeee inggit kalang no" pang aasar ni kylah

"Bleee ka din hindi ako inggit dahil may asawa ako no!" Depensa ni kevin

Napailing nalang ako sa kakulitan ng mag kapatid na to. Maya maya pa ay nag salita na din yung emcee

"We will take the bride's garter now" sabi nung emcee kaya nag si tayuan na yung mga lalaki

Pinaupo ko si kylah para tanggalin yung garter sa hita nya at agad na tumalikod sa mga lalaki

Walang bilang bilang kaya hinagis ko agad yun at tumingin sa likod. Nakita kong papunta sa pwesto iyon ni kevin ng bigla syang umiwas at nakita ko pang nagulat si kean ng masalo nya amg garter

Ex ni daphne si kevin pero matagal na yun parehas na silang naka move on. Tyaka hindi sila pwedeng mag katuluyan dahil baka hindi kami ngayon ni kylah

Napatingin ako kay daphne at nakita kong namumula ito habang papunta si kean sa pwesto nya. Tinignan ko lang sya ng masama dahil nag papabebe na naman

Umupo sya at medyo hinawi ni kean yung gown ni daphne at sinuot iyon sa hita ni daphne

Bumalik na kami sa kanya kanya naming upuan pero nag paalam ako kay kylah na pupuntahan ko lang sila james

"Yowww bro musta?" Tanong ni ash

"Gag* anong musta ka jan?" Tanong ko

"Lul aminin mo kabado ka ngayon?" Tanong ni kean

"Ha? Kabado saan?" Takang tanong ko dahil wala akong idea

"Nag ka amnesia ka na naman ba?" Tanong ni james

"Siraulo hindi ah!" Sagot ko

Nilapit ni ashton yung muka nya sa muka ko kaya napaatras ako

"Clarck goodluck sa honeymoon nyo ni kylah" bigla akong kinilabutan ng sabihin yun ni ashton

I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon