Morgan POV;
3months later
Tatlong buwan ng nakalipas ng mag kabalikan kami ni richard. Maraming pinag bago samin lalo na sakanya. Sobrang sweet na nya sakin at halos hindi na kami mapag hiwalay
Anyways nandito ako sa condo ko nag aayos dahil pupunta kami kila kylah. Hindi na kasi sya pwedeng gumala gala kung saan saan dahil isang buwan na lang manganganak na sya
*Dinggg*Donggg*
Napatingin ako sa pinto dahil narinig ko ang dorbell. Lumapit ako don at nakita ko sa screen ang muka ni richard kaya agad ko iyong binuksan
"Goodmorning" ngiting bati nya
"Goodmorning pasok ka muna" sabi ko pero tinitigan lang nya ako
"May dumi ba sa muka ko?" Tanong ko at kinapa kapa yung muka ko pero wala naman
"Wala. Ang ganda mo kasi" natigilan ako sa ginagawa ko ng sabihin nya yun
Pshhhhh... aga aga ang cheesy nito ah!
"Ewan ko sayo pumasok kana nga" sabi ko at nauna ng pumasok
"Napaka moody mo talaga" sabi nya at agad na umupo sa sofa
"Che! Ano ba gusto mo juice or coffee?" Tanong ko habang hinahanap yung baso
"Ayoko non parehas" reklamo nya. Ang arte talaga nito kahit kelan sarap tadyakan
"Eh! Ano gusto mo?" Inis kong tanong kaya napatingin sya sakin
"Ikaw" sabi nya at kinindatan pako sabay ngiti ng malapad
Nakita ko sa lamesa yung isang plastik ng chocolate kisses kaya agad ko iyong dinampot at binato sakanya pero nakailag naman sya agad
"Ang corny mo" sabi ko at tumalikod sakanya
"Okay ng corny atleast nag sasabi ng totoo" sabi nya kaya napapikit ako at kinagat yung lower lip ko at nag simula ng uminit yung pisngi ko
"Kung kinikilig ka wag mo ibuhos sa baso yung kilig mo tara dito" sabi nya kaya halos lumuwa na yung puso ko
"Nakakainis ka!!" Sigaw ko habang nakayuko pero maya maya pa ay naramdaman kong may yumakap sakin
"Naiinis o kinikilig?" Tanong nya kaya pumiglas ako pero hindi ako makawala dahil ang higpit ng pag kakayakap nya sakin
"Oo na kinikilig na" sabi ko kaya narinig kong ngumisi sya
"Wag kang mahihiyang mag pakita sakin kapag kinikilig ka kasi araw araw mo ng mararamdaman yan" bulong nya habang nakayakap pa rin sakin
Hindi ako nag salita kaya bumitaw sya sa pag kakayakap at iniharap ako sakanya. Ramdam ko pa rin yung init ng pisngi ko kaya hindi ako makatingin sakanya ng maayos
"Tara na baka mamaya pumutok na yang pisngi mo sa sobrang pula" sabi ni richard kaya natawa ako
Kinuha ko na yung bag ko at dumeretsyo na kami sa parking lot at sumakay na sa sasakyan ni richard
Medyo malapit lapit lang din yung village nila kylah dito kaya mabilis kaming nakarating. Nasa labas pa lang kami kitang kita na ang ibang sasakyan kaya agad iyong pinarada ni richard
"Morgan!!" Sigaw tiffany ng makababa kami
"Kahit kelan talaga ang ingay ng bunganga ni tiffany" bulong ni richard kaya natawa ako
"Hoy richard narinig ko yung sinabi mo ah!" Sita ni tiffany pero inirapan lang sya ni richard(hindi sya bading ha! *_*)
Dumeretsyo ako sa loob at bumungad agad sakin ang mga bata
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)